Chapter XI

37 2 0
                                    

"Hindi nyo na sya kailangan hanapin.." at pumasok sa pinto ng bahay si Harry, at kasabay nya sa kanyang tabi ay si...

"Muntik na 'ko don..." si Joan.

"Ano ibig sabihin nito Harry?"naguguluhang tanong ni Esther.

"Hello??.. pano malalaman ni Harry kung saan kami pupunta?" sagot ni Joan.

"Kasabwat din sya??.." tanong ni Lyn.

"Oo.. sabihin na natin ganon.." sagot ni Harry at lumapit sya sa walang malay na magkakaibigan. "Masyado yata malakas ang ginawa nyo.. baka di na magising yang mga 'yan.."

"Teka lang.. 'di ba kasama sya nung mga naka gapos sa imbakan?.." sabi ni Esther. 

"Esther... kailangan convincing lahat.." paliwanag ni Joan.

"At naniwala naman ang mga kaibigan mo.." sagot ni Lyn. "Pano nangyari 'to?"

"Sa simula pa lang kasabwat na natin sya.." umupo si Harry sa sofa. "Sya nagsabi sakin tungkol sa plano nila na pumunta dito.. at tulad ng alam nyo,.. inupahan ko na 'tong buong isla bago pa man sila dumating.. at nag kunwari kayong mga tauhan dito.. nung sinabi kong isa isahin nyo sila syempre dapat kasama sya.."

"Masakit pa rin katawan ko ha.. siguraduhin mo lang malaki bayad mo.." sabi ni Joan na umupo katabi ni Harry.

"Paano ka naka takas at hindi nila napansin na kasabwat ka..??" tanong ni Lyn.

"Niluwagan ko ang pag gapos sa kanya.." patuloy ni Harry. "At konting arte.. ayun.. sabay takbo.."

"Kaibigan mo sila diba?" sabi ni Esther.

"Oo.. pero napag isip isip ko na one of this days.. may magsasalita din sa kanila tungkol kay Barry, at magtuturuan.. paano kung pagka isahan nila ako at ako ituro nila?" sagot ni Joan.

"Patay na isa sa kanila.." sabi ni Esther.

Natigilan si Joan sa narinig. "Sino?"

"Yung Hero..." sagot ni Harry. "Palaban eh.."

"Ok lang.. sya nag umpisa nito.." sagot ni Joan.

"Baliw ka na.." at inilapit ni Lyn si Grace kay Andrew at Glady.

"Ako baliw?.. oo.. siguro.." tumayo si Joan at pumunta sa may pintuan."pagkatapos ng gabing 'yon.. hindi na 'ko nilubayan ng konsensya ko.." humarap sya sa mga kasama. "alam nyo ba gaano kahirap 'yon?.. ayoko makulong!.. may mga bumubulong sakin.. mga boses.. marami sila.."

"Paano kayo nagka kilala?" tanong ni Esther.

"Well.. nakita ko sya menta.. nagkataon lang.. 'yon ang pinaka mahusay na mental facility.." sagot ni Harry.

"Eh di baliw nga yan..??" tanong ni Lyn.

"Hindi gaano.. nagpa check up sya noon kasama nya parents nya, at binisita ko lang mga kilala ko doon, nagka taon lang.. namukaan ko sya.."

"kasama sya sa mga pumatay sa kapatid mo.. di ba?"

"Oo nga.. pero mas ok yung may alam ka sa kanila.. nung una takot na takot sya sa akin.."

"Oo.. dahil kamukha mo talaga si Barry.." sabi ni Joan na umupo uli sa sofa. "pero pinaliwanag naman nya.."

"Sinabi ko sa kanya na hindi ko sya isusumbong sa mga pulis kung makiki cooperate sya sa akin.." sabi ni Harry." And the rest is history.."

"Kaya mo makita mga kaibigan mo na ganito?" tanong ni Esther.

"Kung mawawala sila, eh di wala na ako problem.. pero.. si Andrew at Grace.." sabi ni Joan.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon