Chapter XIV

34 1 0
                                    

Glady [pov]

                                       Nasa harapan ko si Andrew na may tama ng baril sa hita, marami nang dugo ang nawala sa kanya, wala akong magawa dahil naka gapos ang mga paa at kamay ko. Si Harry ay tinutulungan ni Lyn na mapigilan ang pagdurugo ng kanyang sugat dahil sa tama ng baril din. 

"Andrew.." naka higa si Andrew at kita ko sa kanya ang panghihina dahil sa kawalan ng dugo. "Andrew.. sumagot ka.."

"Ok lang ako Glady.."

"Pero may tama ka.."

"Ayos lang.. malayo sa puso 'to.."

Pinilit ko na maka lapit sa kanya, mahirap gumalaw sa kondisyon namin. "Andrew.."

"Ok lang ako.." pero kita ko sa kanya ang hirap at sakit.

Tinawag ko si Lyn para tulungan si Andrew."Lyn!.. please.. tulungan mo si Andrew!"

"Wag ka makinig sa mga yan.." sabi ni Harry na hawak ang hita nya na may tama ng bala. "Tarantado yan, tingnan mo ginawa sakin.."

"Please.. Harry.. tulungan nyo sya.."

"Hayaan mo na Glady.." umayos ng pagkaka dapa si Andrew, siguro para hindi ko makita ang sakit na nararamdaman nya. "Hayaan mo na.."

"Andrew mauubusan ka ng dugo.. please.." naka lapit ako sa kanya at dumikit sa akin ang kanyang dugo na umagos sa sahig. "Harry!.. parang awa nyo na.. tulungan mo si Andrew!"

"Ano gagawin natin dyan?" tanong ni Lyn na binabalutan ng tela ang hita ni Harry.

"Wag mo pansinin.." sumandal si Harry sa sofa para tiisin ang sakit ng kanyang suga. "Shit! ansakit! Bilisan mo dyan Lyn!"

"Ano pa ba ginagawa ko?" tanong ni Lyn. "Kung hindi ka nagpabaya, hindi 'to mangyayari.."

"Ayos lang.. unti unti na mamamatay yang si Andrew.. Shit ansakit talaga.. nasaan naba si Esther?"

"Padating na 'yon.."

"Please.. nagmamaka awa ako.. tulungan nyo si Andrew.." kahit anong gawin kong pag mamaka awa ay parang wala silang naririnig. "Andrew.."

"Makakaligtas din tayo.. Glady.." halos hindi na makapag salita si Andrew. "Makakahanap din sila Grace.. ng tulong.."

"Goodluck sa mga kaibigan nyo.." tapos nang balutin ni Lyn ang sugat ni Harry. "Wala silang mahahanap sa isla.. tayo lang ang tao dito.."

"Harry.." lumapit si Esther kay Andrew para tignan ang kundisyon nya. "Masama ang lagay ng isang 'to.."

"Please.. Esther tulungan mo sya.." muli kong paki usap.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon