TBM : Trust, Betrayal and Madness

237 4 1
                                    

Ang barkada, minsan mas gusto mo pa kasama maghapon, karamay sa lahat ng pagkakataon, sabihan ng problema at lihim, sa kalokohan.. Pero minsan di mo rin alam kung sino sa kanila ang totoo sayo..

<><><><><><><>

Mula first year college kami na magkaka sama sa lahat ng bagay. Parang kulang ang araw pag hindi kmi nagtatawanan, may pagkakataon din na may tampuhan at syempre parte yun ng buhay.. Dalawang taon na rin nang huli kami magkita-kita, marami na din ang nangyari.. Masakit pa rin sakin ang pagkawala ng isa sa amin, si Barry, ang pinaka makulit namin kabarkada, kung buhay pa sya mas masaya sana..

"Andrew... andrew.." gising ng mommy ni Andrew. "Andrew!!!!! tanghali na, tumayo kana dyan!"

Nagtakip ng unan si Andrew at pilit tinakpan ang tenga. "Ang aga aga pa naman mommy... mamaya na ko kakain.."

"Andres! pag hindi ka tumayo dyan bubuhusan kita ng malamig na tubig." asar na sabi ng mommy nya habang papalabas ng kwarto.

"Mommy, ang aga aga mainit agad ulo mo,..." tumayo sya habang naghihikab. "Hayyyy anlamig pa naman."

Lumabas ng kwarto si Andrew at dumiretso sa kusina, naka hain na ang almusal at kumakain na ang mommy nya. "Itlog,... wala na bang iba?.."

"Kumain ka na lang Andres, dami mo pa sinasabi.. di lahat nakaka kain ng almusal."

"Andrew po... mommy naman wag nman Andres.."

"Oh, diba may lakad ka?"

"Anong lakad?" tanong ni Andrew habang hinihiwalay ang pula ng itlog sa puti. "wala naman ah.. buti ka pa alam mo.."

"Ayusin mo nga pag sagot mo sakin.., akala ko ba ngayon mo susunduin si Glady?".

Biglang naalala ni Andrew na yun ang araw na darating si Glady mula Canada, isa sa matalik nyang kaibigan, uuwi sya para sa reunion nila at sa bahay muna nila ito titira. "Shet!!" nabitawan nya ang tinidor at sabay tayo.. "nakalimutan ko!! anong oras na mommy?"

"Mag aalas otso na.. anong oras ba dating nya?"

"Ten po.. shet hindi ko pa nalilinis yung guest room.."

"Linis na, sige na at baka malate ka, mag ingat ka sa pag drive.."

"Thanks mommy, ligo lang ako..."

Mabilis na kumilos si Andrew, nakarating sya sa airport bago mag alas dies.. Di nagtagal ang kanyang pag aantay at nakita nya agad si Glady paglabas ng arrival area. "Glady!!!.. dito!.." sigaw nya.

"Andrew!! kamusta?? oh my gosh ang tagal na rin.."

"Eto.. ganun pa rin.. hahaha.. walang bago", sagot ni Andrew habang kinuha nya ang mga dala ng kaibigan. "Dala mo yata buong bahay mo ah..,"

"Syempre.. mga pasalubong yan, gusto ko na sila makita.."

"Oh nga eh.. tawagan natin sila mamaya."

Pagdating nila sa bahay ni Andrew sinalubong agad sila ng kanyang mommy.."Welcome back.."

"Hi tita..," lumapit si Glady at niyakap nya ito. "Namiss ko kayo tita,.."

"Syempre namiss din kita.. tara pasok na.. Andres kunin mo yung juice sa ref.."

"Mommy, bigat kaya ng maleta nya... asar naman, driver na, katulong pa" asar na sabi ni Andrew habang hila ang maleta ni Glady.

"Humanap ka ng trabaho pra hindi ka mautusan.. di ka gumaya sa mga kaibigan mo, masisipag.. kung buhay pa si Barry baka--" hindi sinasadya na mabanggit ang kaibigan nila na wala na. "kamusta ka na Glady?". sabay tanong para maiwasan ang bagay na ayaw marinig ng anak.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon