Takbo!

57 2 0
                                    

Nagising si Joice dahil tubig na pumapatak sa kanyang mukha, sinubukan nyang gumalaw pero naka tali ang mga kamay at paa nya, may takip din ang kanyang bibig. Sinubukan nyang upo at naramdaman nyang hindi sya nag iisa sa lugar nayon. Malakas ang hangin at ulan sa labas at madilim ang lugar kung nasaan sila. Dahil sa pag galaw ni Joice ay nagising si Hero na katabi nya lang at tulad ng kaibigan ay hindi rin sya halos maka galaw at makapag salita. Sa liwanag ng kidlat ay nakita nilang kasama din nila sina Mae at Joan na wala pa rin malay. Bumukas ang pinto at isang tao ang pumasok na balot ang mukha, tinitigan lang sila nito at saka lumapit sa kanila, inalis nya ang takip sa bibig ng dalawa. "Mukang may gusto kay sabihin?" nagsalita ito pero dahil sa kanyang takip sa mukha ay hindi nila makilala o marinig ng ayos ang boses nito.

"Sino ka?!" sigaw ni Hero. "Ano kailangan mo samin?!"

"Oh my God! please wag mo kami sasaktan..." sabi ni Joice na naka sandal sa pader."Ano ba ginawa namin?!"

"Ano ginawa nyo?.. huh.." sagot nito at kinapit ang wala pa ring malay na si Mae sa buhok at saka pinilit na pinaupo. "Gising!!.." inalis nya ang takip sa bibig ni Mae at nagising ito dahil sa sakit nang halos mabunot ang kanyang buhok.

"Ouch!!" sigaw ni Mae at napansin nya na naka gapos silang apat at naka tayo sa harapan nya ang humila sa kanyang buhok. "Oh my God!.. ano 'to???.. sino ka??.. bakit kami naka gapos??!"

"'wag mong sasaktan ang kaibigan ko!" sigaw ni Hero na pinilit makawala ngunit hindi nya nagawa. "alsisin mo 'to! pakawalan mo kami!!"

"Sino ka ba? ano nagawa namin sa'yo?!" tanong ni Joice na umiiyak na sa takot.

"Shit! pakawalan mo kami!" sigaw ni Mae.

"Ang ingay nyo!!" sinampal nito si Mae ng malakas at bumagsak sya sa sahig. "Ang dami nyong tanong!! ikaw gumising ka dyan!!" sinipa nito si Joan sa braso at nagising ito sa sakit, inalis din nya ang takip sa bibig ni Joan.

"Aray!!" daing ni Joan. "

Kinapit nya si Joan sa braso at inupo."Ano 'to??! bakit tayo naka gapos? sino ka??!" tanong ni Joan.

"Pakawalan mo kami dito hayop ka!!" sigaw ni Hero na pinipilit pa rin kumawala sa pagkaka gapos. "Humanda ka sakin!!"

"Masyado kang maingay!!!" isang suntok ang nagpa bagsak kay Hero sa sahig.

"Hero!!" sigaw ni Joice. "Hero! oh my God! tama na please!"

"Hayop ka! pakawalan mo kami!! sigaw ni Joan.

"Help!!! Saklolo!! Tulungan nyo kami!!!!" buong lakas na sumigaw si Mae habang naka higa sa sahig dahil sa pag sampal sa kanya. "Help!!!"

"Tahimik!!!"sigaw nito. "Papatayin ko kayo pag hindi kayo tumahimik!!" naglabas ito ng baril mula sa kanyang likuran at tinutok sa kanila."Sigaw pa!!" natahimik ang tatlo habang si Hero ay naka titig sa kanya.

"Please.. ano ba nagawa namin sa'yo??" umiiyak na tanong ni Joice ngunit hindi sya sinagot nito.

Kinuha nito ang kanyang cellphone habang naka tutok pa rin ang kanyang baril sa magkakaibigan, sa pagkakataon na 'yon ay naradaman ni Joan na maluwag ang pagkaka tali sa kanyang kamay, pilit nyang inalis sa pagkaka buhol ang tali nang hindi sya napapansin, nagawa nya itong alisin at inabot nya naman ang lubid sa kanyang mga paa para alisin. Busy ang taong bumihag sa kanila habang nagttext at hindi nya napansin na naka kawala na si Joan, naka kapa si Joan ng kahoy at unti unting tumayo, hindi na sya nag aksaya ng panahon at buong lakas na hinataw ang bumihag sa kanila. "HAYOP KA!!"

Sa lakas ng hataw ni Joan ay nabitawan nito ang kanyang cellphone at halos tumumba, tinutok nya ang baril kay Joan pero bago pa nya ito makalabit ay hinataw sya uli ni Joan at nabitawan nya ang baril, buong lakas na paulit ulit syang hinataw ni Joan hanggang bumagsak."Hayop ka!" sigaw ni Joan.

Binitawan nya ang kahoy at lumapit sa mga kaibigan para pakawalan ito."Oh my God! Joan bilis!" sabi ni Mae. Pero nakita ni Joice na patayo na ang taong bumihag sa kanila.

"Joan!! tumatayo na sya!!" sigaw ni Joice.

Kinuha uli ni Joan ang kahoy at pinalo nya ito sa likod na muling bumagsak pero sa pagkakataon na 'yon ay bumagsak ito malapit sa baril na kanyang nabitawan, agad nya itong pilit ginapang para kunin.

"TAKBO JOAN!!!" sigaw ni Mae. "Tumakbo kana!! Iwan mo na kami! Humingi ka ng saklolo!!"

"Sige subukan mo!!" sigaw ng bumihag sa kanila na naka tutok na ang baril kay Joan at tumayo. 

"'WAG!!!" sigaw ni Joice. "Please! wag!!"

"Bitawan mo yan!!" utos nito kay Joan.

Binitawan ni Joan ang kahoy dahil alam nyang wala syang laban sa baril nito.

"Luhod!!" sigaw nito kay Joan. "Lumuhod ka!!"

Lumuhod si Joan na nasa harap lang ni Mae, at si Hero ay walang magawa para sa kanyang kaibigan dahil kahit anong pilit nya ay hindi sya maka kawala.

"Masakit 'yon ha!" lumapit ito kay Joan, sinampal nya ito na halos bumagsak sa sahig. "Gusto mo na talagang mamatay?" kinapitan nito si Joan sa buhok at nginud ngod sa sahig.

"Joan!!" sigaw ni Joice." Please tama na! Please!" patuloy sa pag iyak si Joice.

At dahil sa lapit ni Mae sa Bumihag sa kanila ay nagawa nya itong kagatin sa hita. "Ahhhhhhh!!" sigaw nito dahil sa pagkaka kagat ni Mae, hinampas nya si Mae ng baril sa ulo at nawalan ito ng malay, kinuha ni Joan ang pagkakataon na 'yon para itulak ang bumihag sa kanila na napahiga sa sahig malapit kay Joice, bago pa nito maitutok ang baril ay sinipa sya ni Joan na dahilan para muli nyang mabitawan ang baril at tumalsik iyon sa malayo.

"Joan takbo!!" sigaw ni Joice. "Tumakbo kana!!"

Saglit na nagdalawang isip si Joan sa sigaw ni Joice at saka sya nag pasya. "Babalikan ko kayo! Hihingi ako ng tulong!!" tumakbo sya palabas ng pinto at kahit malakas ang ulan at hangin sa labas ay binuhos nya ang kanyang lakas para maka layo at maka takas. Hindi nya alam kung saan ba sya pupunta pero kailangan nyang makalayo at maka hingi ng tulong. Dahil sa dilim ay hindi nya napansin na mataas ang kanyang pinanggalingan, at sa pagmamadali nya ay hindi na sya tumitingin sa daan kaya bigla syang bumagsak at gumulong sa bahagi na pababa. "Saklolo!!" sigaw nya habang tumatakbo, "Tulungan nyo kami!!!", matagal din sya nagpa ikot ikot sa isla hanggang sa makita nya ang liwanag mula sa bahay na kanilang inupahan. "Saklolo!!" Andrew! Grace! Glady!!!!", salakas ng hangin at ulan ay malabo syang marinig ng mga kaibigan, kaya kahit pagod na ay pinilit nya marating ang bahay. "Saklolo...."

Malapit na sya sa bahay ng maaninag nya ang mga kaibigan na papalapit na...

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon