Chapter XIII

29 0 0
                                    

aw! i was planning to write this part on friday the 13th but its already the 14th.. *sigh anyways here we go!

                                  Dalawang putok ng baril ang narinig ni Grace mula sa lugar kung nasaan si Joice at Mae, ngunit pinilit nya ang sarili para maka layo at humingi ng tulong. Pero saan at kanino sya hihingi ng tulong sa isla na sila lamang ang tao? sa lugar kung saan dagat ang pagitan.

Mae [pov]

                                 Pinilit namin ni Joice si Grace na iwan kami at humingi ng tulong, hindi na namin kaya pang tumakbo, tumigil na ang pagdurugo ng sugat ko sa ulo na hinampas ng baril ni Harry. Si Joice ay pagod na rin at mahina na, simula nang makarating kami sa isla ay halos wala kaming nakain dahil sa mga nangyari.

                                Nagtago kami sa mga halaman para hindi kami makita ni Esther na humahabol sa amin, hindi ko alam kung nakita nya kami pero nagpa putok sya ng dalawang beses sa magkaibang direksyon, siguro ay sinusubukan nya kaming takutin para magpa kita, nasa tabi ko si Joice na takot na takot ng mga oras na 'yon, hindi namin kayang lumaban sa taong may baril at handa kaming patayin.

"Joice.. tumahimik ka lang.. shhhh.." naka dapa si Joice sa maputik na damuhan habang ako ay naka luhod at naka silip sa mga dahon,at mula dito ay tanaw ko si Esther na tuloy ang paghahanap sa amin.

"Mae ayokong mamatay dito.. nakita mo ginawa nila kay Joan at Hero..."

"Hindi tayo mamamatay..."

"Wala tayong laban kay Esther.. hindi na nga natin kayang tumakbo..."

"May pag-asa pa Joice.. wag kang sumuko.." nakikita ko si Esther na maingat sa paglalakad at tinututok ang baril sa anumang kaluskos na marinig."kailangan nating tulungan si Glady at Andrew.."

"Pero Mae..ilang araw na tayo halos di kumakain.. bugbog na katawan natin sa kahayupan ni Harry--"

"Shhhh... malapit na sya.." malapit na si Esther sa pinagtataguan namin, lumingon ako sa paligid at pumulot ng bato. "Wag ka magsasalita.. ayan na sya.."

"hmmm.." 

"May lakas kapa ba Joice?.."

"Bakit?.."

"Kailangan ko tulong mo.. may naisip ako.."

"Ok.."

                                        Habang papalapit si Esther ay sinabi ko kay Joice ang naisip kong plano, ito na lang ang naisip kong magagawa namin, kung hindi 'yon umubra atleast namatay kaming lumalaban, nakita ko ang takot sa mata ni Joice, takot din ako pero kailangan namin mabuhay para sa iba pa naming kaibigan.

                                        Pinagapang ko si Joice ng ilang dipa mula sa pinagtataguan namin, habang tinitignan ko si Esther na papalapit, hanggang sa ang namamagitan na lamang sa amin ay ang mga halaman at damo, sinenyasan ko si Joice na hawak ang batong pinulot ko, binato nya 'yon sa sa ibang direksyon na nagpagalaw sa ilang halamaan, gaya ng inaasahan lumingon si Eshter kung saan hinagis ni Joice ang bato at agad nagpa putok, agad kong hinila ang paa nya at napa subsob sya sa putikan.

"Joice! bilis!" agad akong tumayo at  sinipa ang kamay ni Esther na may hawak ng baril, pero hindi nya 'yon nabitawan, hindi sya halos maka galaw dahil sa pagbagsak nya, kinagat ko ang kamay nya..

"ARRRAAAAYY!!" sigaw ni Esther at binitawan nya ang barilna agad kong kinuha. 

"Joice! halika dito!" tumayo si Joice mula sa pagtatago.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon