Sorry and Goodbye...

52 1 1
                                    

[Hero]

                                    Ordinaryong araw, pagka tapos ng graduation namin marami kami gustong gawin para man lang makapag unwind. Birthday ni Mae nang araw na 'yon, expected ko na may lakad kami kaya hindi na ako nag taka kung bakit marami akong missed calls pagka gising ko, magtetext pa lang ako sa kanila kung ano balak nila nang nagring ang cellphone ko..

"Hello.."

"Oi Hero!! kanina pa kita tinatawagan!" si Joan ang tumawag at naririnig ko rin si Joice.

"Pansin ko nga,. oh ano plano ni Mae?" 

"Manonood tayo ng concert.."

"Ahh.. please wag lang kay EnriqueGil na concert guys..." 

"Whaaaat??!! pano mo nalaman??!"

"O. M. G..." sa lahat ng concert bakit dun pa? ang mga babaeng 'to. "wala na bang iba?"

"Wala na.. final na yon.."

"Si Andres pumayag?"

"Oo naman.. birthday ni Mae ngayon noh.. gusto nyo ba magalit sa inyo yun?"

"Syempre.." mas kakayanin ko pa galit ni Mae kesa sa sigaw nyo."hindi.."

"Ok! kita tayo mamaya.."

"Wait lang.. si Barry kasama rin?"

"Hindi.. nagpaalam na sya kay Mae nung isang araw diba? special din ang araw na 'to sa kanya.."

"Oo nga pala.. sige maya na lang.."

"KK! bye!"

                  Dahil sa kaibigan ko sila syempre dapat kasama ako sa happy happy at sa mga pag iyak nila, kahit na sa concert ni Enrique Gil. Tinawagan ko si Andrew para sabay na kami sa biyahe,gamit nya kotse ng mommy nya kaya iwas hassle at siksikan.

"Kung hindi lang Birthday ni Mae hindi ako sasama.." sabi ni Andrew habang nagdidrive.

"Sinabi mo pa.."

                 Dumating kami sa lugar ng concert at doon na namin sila nakita na hindi pa man nag uumpisa ang concert ay kilig na kilig na.

"Happy Birthday Mae!" sabi ko kay Mae na busy sa pag tetext.

"Thank's.. buti pumunta kayong dalawa.."

"Happy Birthday!.. syempre birthday mo eh.. baka mag lupasay ka pag di kami pumunta.." sabi ni Andrew.

"Andres tara na sa loob magstart na concert natin..." sabi ko habang hinihila si Andrew.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon