Ang Isla sa Kawalan

56 1 0
                                    

Inabot ng halos dalawang oras ang byahe nila sa barko, para makarating sa isla ay sasakay pa sila sa bangka dahil yun lang ang paraan para sila makapunta at makalabas ng lugar na iyon. Magdidilim na nang makarating sila sa isla, kahit medyo madilim ay kita nila gaano kaganda ito..

"Wow! ang ganda dito friend!" sabi ni Grace habang pababa ng bangka.

"Grabe.. para tayong nasa paraiso guys.." dagdag ni Joan na nakababa na ng bangka at nag inat. "Fresh air!"

"Buti naman nagustuhan nyo, the best dito sabi nila.." sabi ni Andrew. "Ibaba nyo na gamit nyo, aalis na bangka."

"Hindi sila titigil dito?" tanong ni Hero na nagmamasid sa paligid.

"Pano kung may emergency?" sabi ni Glady. "Mae friend, patulong naman."

"Ang dami mo kasi dala friend,.." sagot ni Mae. "So ganda here.. "

"Ano naman emergency? wag ka paranoid friend.." banat ni Joice. "Tara na, magdidilim na oh, paalisin nyo na mga bangkero."

Sa isang bahagi ng isla may naaninag silang padating papunta sa kanila habang paalis ang bangka.

"Ay may tao.." umatras si Glady. "Sino yan Andres?"

"Ah baka maintenance ng isla..." sagot ni Andrew. "wait kausapin ko lang.." nilapitan nya ang papalapit na tao."Good evening po miss.. kami yung nagpareserve ng isla"

Lumapit ang babae sa kanila na halos o kaedad lang nila. "Good evening, welcome.. Ako si Lyn, katiwala at empleyado dito sa isla…"

"Ilan pa po kayo sa buong isla?!" tanong ni Hero. "Buti may mauutusan kami."

Lumapit pa si Lyn sa kanila na mukhang may pagkasuplada sa malapitan."Opo sir.. ganun na nga, tara na po at gabi na.."

Sinundan nila si Lyn hanggang makarating sila sa isang malaking bahay di kalayuan sa tabing dagat. May malawak na harapan ng dalawang palapag na bahay, sa loob ay may anim na kwarto, dalawa sa baba at apat sa taas. May mahabang mesa sa dining area at sa kabilang kwarto ay ang kitchen.

"Oh my gosh! ang ganda dito ah.." mangha ni Grace. "Ok guys sa taas ako ha.." sabay akyat ng hagdan dala ang kanyang bag.

"Di ka namn excited friend!… ako din sa taas ha, wait mo ko friend." sumunod si Mae na nagmamadali.

Minasdan ni Andrew ang mga kwarto sa baba at pinili ang mas malapit sa kitchen. "Dito na ko, mas ok dito.. Hero dun kana lang sa kabila at mga girls na sa taas."

"Ok tol.. mas gusto ko dito sa baba, mas malapit sa kusina." sagot ni Hero at binuksan ang kwarto na napili nya.

"Joan tara na sa taas." aya ni Joice. "Yung dalawa na excited parang mga loka."

"Let's go.. gusto ko na rin mahiga kapagod ang byahe." sagot ni Joan. "Andres, pano pala food natin dito?"

"Sila na bahala, kasama na sa binayaran natin lahat.. kaya enjoy lang tayo.." sagot ni Andrew. "Bumaba agad kayo at magdidinner na."

"Ok.. tara joan!" sabi ni Joice.

"Lyn?…" tawag ni Andrew.

"Yes sir?…"

"Wala ako signal eh, wala ba talaga dito?" tanong ni Andrew habang kapit ang cellphone. "wala talaga eh…"

"Wala ho talaga.. di tayo abot ngga cell sites dito...  generator gamit namin sa kuryente sir, kung tatawid sa kabilang isla binibili na namin lahat ng dapat bilin."

"Asan nga pala mga kasama mo?"

"Andyan lang ho sila sa paligid, mahiyain kasi, baka bukas makita nyo sila... sige sir ihahanda ko na dinner nyo.." sagot ni Lyn at nagpunta sa kitchen.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon