HARRY

55 2 2
                                    

 Bumangon ang bumihag sa magkakaibigan sa pagkakahiga dahil sa tulak ni Joan."Tang ina! Sinusubukan nyo talaga ako!!" hinanap nya ang baril na tumalsik sa sulok, nang makuha nya na 'yon ay lumapit sya kay Joice. "Ikaw!!!.." hinampas nya si Joice ng baril sa ulo at dahilan para dumugo iyon.

"AWWW!!" daing ni Joice na dobleng sakit ang nararamdaman dahil sa sugat sa ulo at pagkaka gapos."Please pakawalan mo na kami.."

Lumuhod ito sa harapan nya at muling binalik ang takip sa kanyang bibig. "Wag kang mag alala, makaka kawala rin kayo..yun eh kung mabubuhay pa kayo.."

Sabay sa tulo ng luha ni Joice ay ang dugo mula sa kanyang ulo. Si Hero ay patuloy ang pag titig sa taong bumihag sa kanila at dahil dito ay nilapitan sya nito. "Kanina ka pa naka titig ha!.. ano?!" inalis nito ang takip sa bibig ni Hero.

"Hayop ka! pakawalan mo ko dito at papatayin kita!!" sigaw ni Hero.

"Ikaw ang unang mamamatay sa'tin dalawa.."

"Hayop! Shit ka! Tang ina ka!!"

"Alam ko na yan!!!" at sinuntok nya si Hero sa tiyan na kinasikip nito ng paghinga.

"Ugh!! Ha... yop.." sabi ni Hero na kinapos ng hininga.

Binalik nito ang takip sa bibig ni Hero at nilapitan naman si Mae na nawalan ng malay dahil sa paghataw nya ng baril, hinatak nya ito at muling inupo na may dugo rin mula sa kanyang ulo. "HOY!!" sigaw nito kay Mae. "HOY!!!" sinampal sampal nya ito hanggang sa magising.

"Bi... tawan.. mo... ko.." sabi ni Mae habang patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang ulo. "Bitawan mo ko!! Saklolo!!! Saklolo!!" 

"Tigilan mo yan!!" sinikmuraan sya si Mae dahilan para kapusin ito ng paghinga. "Tigas din ng ulo mo eh.. ha??!"

Mula sa pinto ay pumasok ang isang kilala ng magkaka ibigan. "Oh my God! LYN!! tulungan mo kami!! Please!!" sigaw ni Mae na tuluyan nang umiyak. "LYN! please!!"

"Ano nangyari dito?" tanong ni Lyn na basa ng ulan. "Ano nangyari?"

"Naka takas yung isa.." sagot ng taong bumihag sa kanila, at doon ay inalis nito ang takip sa kanyang mukha habang naka harap kay Lyn. "Matibay 'tong mga 'to!". 

"Ang hina mo naman!"sagot ni Lyn.

"Lyn??! kilala mo sya??" tanong ni Mae habang tuloy ang pagluha nya. "Kilala mo sya Lyn?"

"Oo kilala ko sya.." sagot ni Lyn.

"Magka sabwat kayo??!" 

"Ang dami mong tanong!!" sigaw ni Lyn na mula sa magalang na babaeng nakilala nila ngayon ay iba na ang kilos at pananalita. "Takpan mo nga bibig nyan!"

Humarap ang taong bumihag at sumakit sa kanila, nanlaki ang mata ni Mae sa kanyang nakita, sandaling tumigil ang oras at tinitigan nyang mabuti ang lalaki sa kanyang harapan, hindi sya pwedeng magkamali, apat na taon nyang nakasama ang taong 'yon, kaibigan nya.. isa sa matalik nyang kaibigan na dalawang taon nang wala sa mundo, pero ngayon nasa harapan nya ito at hindi sya maka paniwala na nagawa iyon sa kanila ng taong ito.. "OH MY... G..." pinilit nyang magsalita kahit naghalo na ang takot, sakit at hirap sa kanya."Ba.... Ba.."

"Ha?!" tanong ng lalaki.

"Ba.. Barry.. Barry??! Bu.. buhay ka??!

"Ano??!"

"Pa.. patay kana.. pano???"

"Hoy! Bilisan mo dyan at hindi pa tayo tapos sa iba!" sigaw ni Lyn.

"Ako patay??!!"  tanong ng lalaki kay Mae.

"Ikaw ba.. ikaw ba talaga yan??! Barry??!"

Tumayo ang lalaki at sinampal si Mae. "Ang kapal ng mukha mong banggitin ang pangalan ng kapatid ko!!"

Nagulat si Mae sa narinig."Kapatid??"

"OO!! kapatid ko sya!!"

"Wala syang kapatid!!" sigaw ni Mae.

"Yun ang alam nyo! Itinago nya sa inyo na may kakambal sya!"

Naguguluhan na si Mae sa lahat ng nangyayari."Kakambal??!"

"Oo! kakambal ko sya! Itinago nya sa inyo na may kakambal sya! Dahil alam nyang pag nalaman nyo na may kakambal syang sira ulo lalayuan nyo sya!!"

"Ano??!" litong tanong ni Mae.

"Kambal sila.." sabi ni Lyn na naka tayo lang sa may pinto. "Sa magka ibang school sila pinag aral dahil yang si Harry ay may sayad.."

"OO!! May sayad ako! Kaya kami pinaghiwalay magkapatid! Naiwan si Barry sa magulang namin habang ako ay sa mga kamag anak namin pinalaki!" sagot ni Harry.

"Di ko maintindihan!" sigaw ni Mae, nagising na si Joice at si Hero ay tahimik na nakikinig sa kwento ng kakambal ng kanilang kaibigan.

Hindi man makapagsalita si Joice ay kitang kita sa kanyang mukha ang pagka bigla nang makita ang lalaki, ptumigil na ang pagdurugo ng kanyang ulo pero uli syang naiyak sa kanyang nakita.

"Di mo maintindihan??! makinig ka!" sigaw ni Harry. "Ang tawag nila sakin "PSYCHO", baliw.. sira ulo., kabaliktaran lahat ni Barry..kaya nang mahalata na ng mga magulang namin agad kami pinaghiwalay pagkatapos ng High School, syempre hindi payag ang kakambal ko, pero wala kami laban sa mga magulang at kamag anak namin.. hindi ako pinabayaan ni Barry, lagi nya ako dinadalaw.. linggo linggo sa MENTAL!!!.."

"Pwede ba saka kana mag kwento?" sabi ni Lyn.

"Manahimik ka!" sagot ni Harry. "Ako mismo nagsabi sa kanya na itago sa lahat na may kakambal syang baliw.. pinilit ko sya.. dahil alam kong lalayuan sya ng mga tao pag nalaman na baliw ang kakambal nya at syempre iispin nilang baliw din sya.."

"Ikaw ba ang nakita ni Grace??!" tanong ni Mae.

"OO!! ako nga!" sagot ni Harry."Naging masaya ang kakambal ko nang magcollege sya.. lagi nya ako kinukwentuhan tungkol sa inyo kahit laging patago syang dumalaw" patuloy nito sa pagkwento."Lagi syang masaya, sa loob ng apat na taon!! Kahit mahirap sa mental ay nakakaya ko dahil sa kanya! Nagsikap akong gumaling para sa kanya!!" lumakas ng lumakas ang boses nya. "Sya ang nagpapa lakas ng loob ko!! Si BARRY!! ANG KAKAMBAL KO!!"

"Pero bakit mo kami ginaganito??!" tanong ni Mae. "Wala kaming alam tungkol sa'yo!"

"Sa tingin mo ba gusto ni Barry 'tong ginagawa mo?" biglang nagsalita si Hero na naalis ang takip sa bibig. "Tingin mo ba masisiyahan sya??"

"OO!!" sigaw ni Harry, lumapit sya kay Joice at inalis ang takip nito sa bibig.

"Para kay Barry.. tigilan mo na 'to!!" sigaw ni Joice.

"Nagpapatawa ba kayo??!" sabi ni Lyn na kanina pa naghihintay kay Harry. "ginagawa nya 'to para kay Barry."

"HA?!" sabi ni Mae.

"Ano ibig mong sabihin??! tanong ni Hero.

"Dapat na din kayo mamatay! wala kayo karapatan mabuhay!!" sigaw ni Harry.

"Bakit??!" tanong ni Joice na muling umiyak.

"DAHIL MGA TRAYDOR KAYO!! KAYO ANG PUMATAY SA KAKAMBAL KO!! KITANG KITA KO ANG GINAWA NYO! IKAW MAE!! KAYO HERO!! JOICE!! SI JOAN AT GLADY!! KAYO ANG PUMATAY SA KAKAMBAL KO!!!..........

At sa puntong iyon sabay sabay na natigilan ang tatlo at bumalik sa ala-ala nila ang nakaraan, dalawang taon na ang naka lipas....

note: the truth will be revealed.. woooo!!! ;3 

and again sorry for the typo's.. ;3

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon