Chapter XII

36 0 1
                                    

                         Ang mga kaibigang tinuring pamilya, kasama sa mga problema, sa saya. Bawat tawanan, kalungkutan at hirap na pinagdaanan ay kasama. Ngayon nasa harapan nya, at pilit na inintindi ang bawat salita na kanyang narinig.

"Oo Andrew.. kami ang pumatay kay Barry.." sabi ni Glady na hindi maka tingin sa kaibigan.

Natigilan si Andrew at Grace sa mga narinig."Ano bang sinasabi mo Glady..". pilit inalis ni Andrew sa isip nya ang mga narinig."Masamang biro na 'tong nanyayari ngayon.. nalaman kong may kakambal si Barry.. patay si Hero.. pwede ba.. tama na.."

""yon ang totoo.." sagot ni Glady. "Kami ang puma---"

"Tama na!!" sigaw ni Andrew. "Hindi yan totoo!! Glady sabihin mo!!. Grace?! magsalita ka dyan.. naniniwala kaba sa kanila??"

"Hindi 'ko alam.. gulong gulo na 'ko.." sagot ni Grace.

"Mae??!.. Joice??!.. bakit hindi kayo magsalit?! joke lang 'to di ba??!" tanong ni Andrew na pilit nang kumakawala sa pagkaka gapos.

"Maniwala ka na.." sabi ni Joan. "kasama ako 'don.."

"Hindi.. pano nangyari 'to??. guys please magsalita kayo.." tinitigan ni Andrew ang mga kaibigan na pilit nyang pinagsasalita. 

"Ak.. aksidente 'yon.. hindi.. hindi namin sinasadya.." nag umpisang magsalita si Mae. "wala na kaming nagawa.."

"Oh my God." halos matumba si Andrew sa narinig, nagsimulang humirap ang kanyang paghinga. "Oh my God.."

"Maniwala ka Andrew.. aksidente 'yon.. hindi namin sinasadya.." sabi ni Glady.

"Bakit..." pilit na nagsalita si Grace. "Bakit.. bakit nyo nagawang itago sa amin 'to.."

"Wala na kaming choice.. gulong gulo na kami.. maniwala kayo.. pinagsisihan namin 'yon.." sagot ni Mae.

"At dahil ayaw namin makulong.. kaya iniwan namin si Barry sa tabi ng kalsada.." dugtong ni Joan na naka tayo pa rin sa likod nila Mae.

"Ikaw.." tumingin si Grace kay Joice."bakit mo nagawa 'yon?" may galit na tanong nya sa kaibigan.

Naka tungo lang si Joice at umiiyak na pinilit magsalita."na.. natakot.. natakot ako.."

"Shit kayo.. mga traydor.." nagsimulang umiyak si Grace sa mga pag amin ng kanyang mga kaibigan."hindi na kayo naawa... mga hayop kayo!!.. dapat lang sa inyo 'yan!"

"2 years.." muling naka kuha ng lakas si Andrew para magsalita."2 years.. ang galing nyo.. pinabayaan nyo lang sya.. kaibigan nyo.." tumitig sya sa mga kaibigan."galing nyo umarte.. may paiyak iyak pa kayo.."

"Andrew please.." sabi ni Glady.

"Tumahimik ka Glady!.. mga kriminal kayo.."

"Patawarin nyo kami.. hindi namin ginusto 'yon.." sabi ni Mae.

"Habang buhay ko pagsisisihan ang pag iwan kay Barry.." lumuluhang sabini Joice.

"Mga traydor.. wala kayong awa.. wala akong kamalay malay na nasa harapan ko lang pala mga kriminal na pumatay sa kaibigan ko.."

"wala kayong kwenta.." dugtong ni Grace. "2 years nyo naitago ang kawalang hiyaan nyo.. mga kriminal kayo.."

"Please.. Andrew.. Grace.. patawarin nyo kami.." umiiyak na sabi ni Glady.

"Yan kasing si Barry eh.." sabi ni Joan. "Tatanga tanga.. ayan tu---" hindi na natapos ni Joan ang sasabihin at isang putok ng baril ang narinig nila. Bumagsak si Joan sa sahig at kumalat ang dugo mula sa kanyang likod.

"AAAHHH!!" sigaw ni Grace at Glady. samantalang si Mae at Joice ay hindi makapag salita sa nakita.

"Shit! Joan!!" sigaw ni Andrew.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon