Chapter X

48 1 2
                                    

note: after some flasbacks, balik tayo sa present story.. woof! woof!

                                        Bumalik sa ala ala ni Hero, Mae at Joice ang mga nangyari dalawang taon na ang nakaraan, ang pangyayaring pilit nilang pinagtakpan, at ngayon naka tayo sa harapan nila ang nag iisang saksi sa aksidente.

"TAMA AKO DIBA??!!" sigaw ni Harry. "Mga traydor kayo!!"

"Harry.. mamaya na yan, baka naka rating na sa bahay yung naka takas.." sabi ni Lyn na nagaantay pa rin sa may pinto.

"Manahimik ka muna dyan Lyn!"

"Sige ako na lang ang susunod.." lumabas si Lyn at naiwan si Harry kasama ang magkakaibigan na naka gapos.

"Ngayon ano masasabi nyo?.. inalis nya ang mga takip sa bibig ng tatlo at hinayaan sila magsalita.

"Aksidente 'yon.. please.. hindi namin alam na mangyayari 'yon.." sabi ni Mae habang umiiyak.

"Pakawalan mo kami dito!! Aksidente 'yon!!" sigaw ni Hero.

"Patawarin mo na kami.. maawa ka.." umiiyak na sabi ni Joice na hindi maka tingin kay Harry.

"Maawa??!.. naawa ba kayo nung iwan nyo kapatid ko??.."

"Wala na kami magawa.. litong lito na kami ng oras na 'yon.." sabi ni Mae.

Nakatitig si Hero kay Harry habang pilit na kumakawala sa pagkaka gapos."Ayaw namin makulong! Hindi namin sinasadya 'yon! kaya paka walan mo na kami!"

"HINDI!!!"

"Please... maawa ka!" paki usap ni Mae.

"Kanina ko pa kayo gustong patayin.. pero mas gusto ko muna malaman ni Andrew at Grace mula mismo sa bibig nyo ang tunay na nangyari!"

"Hayop ka!! Matagal nang wala si Barry! Wag mo sya gamitin para sirain kami!!" sigaw ni Hero.

"Ganon ba?..." lumapit si Harry kay Hero at itinayo nya ito, pinutol nya ang lubid na naka tali sa mga paa at iniwang naka gapos ang mga kamay sa kanyang likuran, hinila nya ang nanghihinang Hero sa may pintuan.

"Anong gagawin mo?!" tanong ni Hero.

"Patatakasin kita..."

"Hero!! tumakbo kana!" sigaw ni Mae.

"Pakawalan mo na rin kami.. please Harry..." sabi ni Joice.

"Pakakawalan ko ang kaibigan nyo... yun eh.. kung hindi sya tatamaan ng bala.." tinutok ni Harry ang baril sa sintido ni Hero.

"Oh my God! please wag!!" sigaw ni Joice.

"OK.. maswerte ka pa dahil malakas ang ulan at hangin sa labas.. malay mo.. hindi kita tamaan.."

"Hayop ka! bitawan mo 'ko!!" sigaw ni Hero.

"Sige..." binitawan nya si Hero pero naka tutok pa rin sa kanya ang baril. "Takbo!"

"Ano???"

"Tumakbo ka! bilisan mo bago ko pasabugin yang ulo mo! Takbo!"

"Hero tumakbo ka na!" sigaw ni Mae.

Patuloy ang pag iyak ni Joice."Humingi ka ng tulong! tumakbo ka na!"

"Shit!! Shit ka Harry!!" sigaw ni Hero.

"Oh?.. 'di ba dyan ka magaling?.. sa pag takbo?.. TAKBO!!"

"Babalikan ko kayo!" at buong lakas na tumakbo si Hero palayo kay Harry.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon