Harry II

51 1 0
                                    

[Harry]

                             Sa loob ng apat na taon naka kulong lang ako sa isang malawak na lugar, may kanya kanya kaming kwarto, pero kama, lamesa at mga libro lang na bigay sakin ng kakambal ko ang laman nito, mabibilang ko lang sa mga daliri ko kung ilan beses ako dinalaw ng mga magulang ko na hindi naman nagtatagal, kakambal ko lang ang laging dumadalaw sakin at sya lang ang nagpapatatag sakin para gumaling. Pagkatapos ng mahabang gamutan at di na mabilang na pag examine sakin ng mga doktor dito, sa wakas ay pwede na ako maka labas.

                           Bumukas ang pinto ng kwarto ko habang inaayos ko mga gamit na halos isang back pack lang dahil naka uniform ang mga pasyente nila dito at bihira lang kami magpalit kung may mga bibisita o may program. "Andito na sundo mo.." isa sya sa mga nurse dito na talagang nagustuhan ko.

"Sige salamat.." ngumiti ako sa kanya. "Mamimiss kita."

"Syempre ako din mamimiss din kita.." sabi nya na parang nahihiya.

"Dadalawin kita ha.."

"Ano ako pasyente?"

"Joke lang!"

"Ikaw talaga Harry.. bilisan mo na dyan.." lumabas sya ng kwarto na para bang may hinahabol.

                               "OK..." sabi ko sa sarili ko. "Mamimiss kita kwarto ko.. salamat sa pagcomfort sakin sa loob ng apat na taon." lumabas ako ng kwarto at pakiramdam ko iiwanan ko ang sarili kong bahay. Dumiretso ako sa receiving area at doon ko nakita ang taong nagpatatag sakin para gumaling, tumayo sya para lapitan ako.

"Congratulations!! You've just passed the AB-normal exam!" sabi nya na di ko alam kung nang aasar ba o?? "Oi Haryy! ano? malaya kana.." 

"Kriminal?"

"Ahaha!! Joke lang!"

"Saan ako titira?" tanong ko, dahil alam ko na wala naman talaga ako uuwian.

"Eh di sa bahay.. ano ka ba?"

"Si Mommy at Daddy?"

"Nag aantay na sila sa bahay.."

"Pwede na ako bumalik sa bahay?" 

"Oo naman!.. magaling kana Harry.. alam mo naman na ginawa lang nila 'to para sa'yo rin.." 

"Eh.. pano yung ibang tao?.. yung mga kaibigan mo?"

"Wagmo na isipin yun, malakas ako sa kanila.."

"Sir paki sign na lang po 'tong mga papel.." singit ng Head nurse at inabot kay Barry ang release papers. Matapos nya pirmahan ay knuha nya ang back pack sakin at hinila ako palabas.

"Tara na!" 

Dumiretso kami sa parking lot at doon ko nakita ang kotse nya. "Ang gara ng kotse mo ah.."

"Regalo ni Daddy saki nung graduation.. pasok kana." may konting inggit ako kay Barry dahil mas natutok sa kanya atensyon ng magulang namin, pero dahil sa kanya lumakas ang loob ko. "Pwede ka naman mag college Harry.. malay mo mas maganda pa dito iregalo nila sa'yo."

"Hayy.. wish ko lang.."

"Ehhhh... ang negative mo naman kasi.."

"Ikaw kaya ikulong ko sa mental?"

"Ewan.. nakaka asar ka naman eh."

"Joke lang!" nagsimula na sya mag drive, masyado na maraming pinagbago ang paligid, apat na taon din na hindi ako naka labas. Tahimik lang ako habang nagddrive ang kakambal ko at hawak ang cellphone nya. "Hindi ba tayo maaksidente nyan?"

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon