KABANATA 13: SI INAY

1.2K 60 0
                                    



KANINA pa nakadungaw si Alangkaw sa bintana ng tore ni Wayan. Pinagmamasdan niya ang direksiyon na kinaroronan ng Dalumdum.

"Naaalala mo siguro ang Dalumdum—ang pamumuno mo roon?" tanong ni Moymoy habang papalapit siya sa kapatid.

"Oo, ang palasyo ko, ang dating mga tauhan ko. Balang araw babalik din ako roon. Doon ang talagang tirahan ko," tugon ni Alangkaw.

"Alangkaw," bumuntonhininga si Wayan at lumapit sa magkapatid, "kung iniisip mo na ikaw ang magiging pinuno ng buong Gabun, masyado ka pang bata. Ang mga dati mong sinasakupan, nandidiyan lang sila, kundi dito sa isla ng Malasimbo, nasa iba't ibang bahaging sila ng Gabun. Patunay na hindi na nahahatiang mga tibaro ng Gabun. Wala nang mga rebelde na naglalabanangaya nang dati. Si ng Gabun."

"Sanay akong may pinamumunuang mga tibaro. Sanay akong sumusunod sila sa lahat ng gusto ko." May pait ang mga salita ni Alangkaw.

"Kung sabagay, Alangkaw," tugon ni Moymoy, "hindi maiwasan na manibago ka nga, pero sabi nga ni Wayan, mga bata pa tayo. Hayaan na natin sila na sila ang mamuno. Darating ang takdang oras, mamumuno ka rin."

Tumingin si Alangkaw kay Moymoy. "Ikaw ang gusto nilang mamuno." Kasabay noo'y tumingin siya kina Wayan at Montar at muling bumaling sa kanya. "Ikaw ang may diwani, hindi ako."

"Kahit na. Mas kabisado mo ang Gabun, kaysa sa akin. Hindi ako lumaki dito,"

"Hindi 'yan ang mahalaga ngayon," sabad ni Montar. "Mas mahalagang malaman natin kung papaano makuha ang mga natitirang Ginto ng Buhay na ninakaw ni Buhawan."

"Mahalaga rin na makita natin ang nanay namin," ani Alangkaw. "Parang nagsisisi ako kung bakit pa tayo nagpunta kay Ingkong Dakal. Dapat di na natin binuhay pa si Inay."

"Bakit mo nasabi iyon." Bahagyang nabigla si Moymoy sa sinabi ni Alangkaw.

"Kasi, mula nang pumunta tayo sa ikapitong burol at nabuhay si Inay, hindi ko na siya napapaniginipan. Hindi ko na siya nakakasama. Hindi ko na naririnig ang magagandang kuwento niya. Hindi ko na siya nakikita." Malungkot at may galit ang tinig na iyon ni Alangkaw.

Napaisip saglit si Moymoy. "Pupunta tayo ng Amalao." May kasiguraduhan ang tinig niya.

"Bakit hindi? Naroon ang nanay natin—si Diyosang Liliw," mabilis na sagot ni Alangkaw.

"Pero kailangan ding pawiin ang sumpa," sabad ni Moymoy.

"Sa ayaw at sa gusto natin, sa Amalao ang punta ni Moymoy. Naroon ang mga Ginto ng Buhay. Naroon din si Inay," sagot ni Alangkaw.

Tumango si Moymoy. "Tama ka, Alangkaw." Tinapik niya ang kapatid sa balikat. "Tama ka."

SA MAGKABILANG bahagi ng Kawa, nakatayo sina Moymoy at Alangkaw habang patuloy na umuusok ang likido nito.

"Kawa, ipakita mo sa amin kung saan sa Amalao naroon si Diyosang Liliw," utos ni Wayan sa Kawa.

Muli pang kumulo ang likido. Ang kulay nitong asul ay naging kulay pula at pagkatapos ay naging luntian.

Unti-unti, ang usok ay nagtungo sa dibdib nina Moymoy at Alangkaw. Marahang umakyat ang kanilang mga katawan. Sa ere ay padapang lumulutang-lutang sina Moymoy at Alangkaw sa itaas ng kumukulong Kawa. Sa kanilang dibdib, kitang-kita ang mapang gumagalaw-galaw—paiba-iba ng direksiyon. Hanggang sa huminto ang paggalaw ng iba-ibang direksiyon na iyon sa Kawa.

"Si Diyosang Liliw!" bulalas ni Wayan nang makita ang mukha ng isang babae nasa likido ng Kawa.

Natigilan sina Moymoy at Alangkaw nang makita ang babaeng sinasabi ni Wayan. Kahit tumitining ang likidong kanina'y kumukulo, malinaw ang mukha ng babaeng nakikita roon.

Sa Ilog Pasig

SA SIMULA pa lamang ng talumpati ni Sandra ay nakatuon ang kanyang tingin kay Carolina. "Everyone knows, si Carolina ang nagpapalakad ng Empire Network TV na iniwan ng aking asawa. Kung hindi niya naintindihan ang gusto kong mangyari sa buhay, hindi siguro malilinis ang Pasig River nang ganito. Mga kaibigan, higit sa kalahati na ng Pasig River ang nalilinis ng SandraNavaro Foundation."

Sa kanyang talumpati na ginanap sa pasinaya ng bagong itinayong daungan sa Ilog Pasig, masayang ibinalita ni Sandra ang mga nagawang paglinis ng ilog. Maraming mga panauhing dumalo ang naroroon. Sa isang bahaging iyon ng Ilog Pasig sa Mandaluyong, nagtipon-tipon ang lahat ng mga naniniwala sa adbokasiya ni Sandra. Hindi lamang mga Pilipino ang mga naroroon kundi may ilang mga banyaga. Hangang-hanga ang lahat sa dedikasyon ni Sandra para maisalba ang nawawasak na kalikasan.

"Ngayon ko lang ito ipagtatapat sa inyo," pagpapatuloy ni Sandra. "Kahit ako ang hinalal ng presidente ng Empire TV NetworK, si Carolina pa rin ang may control sa pagma-manage ng kumpaniya at hindi ako. Kung hindi sa kanya, hindi lalago ang Empire. Maraming salamat, Carolina sa pagpapatuloy ng pangangasiwa ng Empire pagkamatay ng aking asawang si Anon Navaro. Kung hindi rin dahil sa iyo, hindi ko magagawa ng fulltime ang advocacy ko. Maraming salamat, Carolina."

Tumayo si Carolina, nginitian si Sandra at pagkatapos ay muling umupo.

"Hindi biro-biro ang paglilinis ng ilog na ito," pagpapatuloy ni Sandra sa kanyang pagtatalumpati. Tumingon siya sa lahat ng mga panauhin. "Ngayon,isang hamon ang kinakaharap ng Sandra NavaroFoundation. Ang pagtigil sa malalaking minahan sa Palawan at sa Cordillera. Malaki ang ginagawang pinsala ng mga minahan sa patuloy na pagwasak ng kalikasan. Tulungan niyo akong pigilan ito."

Nagpalakpakan ang mga panauhin.

Lahat ng sinabi ni Sandra sa kanyang talumpati ay pinalakpakan, binigyan ng papuri ng lahat ng naroon sa pasinaya. Lahat, para sa kanila aynapaka-importante ng kanyang sinabi.

SA KASTILYO ni Wayan, marahang bumaba ang mga katawan nina Moymoy at Alangkaw mula sa umuusok na Kawa. Hindi inalis sa isipan nina Moymoy at Alangkaw ang mukhang nakita sa Kawa. Maski na marami ang mga taong naroroon, nalalaman nila kung sino ang babaeng prominenteng nakita nila sa Kawa.

"Kapag pinuntahan natin, si Inay sa Amalao, madali lang ba?" May kasabikan ang tinig ni Alangkaw.

"Hindi ko masabi. Malupit din ang mga tao na tinatawag ninyong buntawi. Parang dito rin. Minsan, delikado rin."

"May mas sasahol pa ba sa gabi ng dugon?" tanong ni Alangkaw. At tiningnan ang naroron na sina Montar at Wayan.

Hindi nakapagsalita kaagad si Moymoy.

Bumaling ang tingin ni Alangkaw sa Kawa. "Kawa, saan ba 'yong lugar na iyon?"

"Nasa isang ilog sa Maynila. Sa katawan ng isang buntawi nabuhay si Diyosang Liliw," sagot ng Kawa.

Moymoy Lulumboy Book 3 Ang Paghahanap kay Inay  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon