***
"Miss beautiful, may nagpapabigay sa'yo nito." napahinto ako sa paglalakad ng may humarang saakin na babae at inilahad ang isang lukot na papel.
Tinitigan ko naman si ate. Nakalahad pa rin ang papel at walang balak itapon. Gusot na papel ibibigay saakin? Para saan.
"Makakatulong daw sa'yo 'yan Miss kaya kuhanin mo na dahil naiinip na ako." seryosong sabi nito kaya no choice ako at kinuha ang lukot na papel.
Para saan naman kaya 'to?
Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa papel. Seriously? Ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko at pinagsasampal pero walang nagbago, 'yon nga talaga ang nakalagay sa loob ng lukot na papel.
Ito lang naman ang nakalagay..
10 WAYS TO FORGET YOUR EX-CRUSH!!
1. Snob him/her
2. Delete their number
3. Stop stalking their profile
4. Eat a lot
5. Remove all the stuffs that will remind them for you.
6. Make your self busy
7. Attend Bars every night
8. Study hard
9. Be happy
10. Find a new Crush
Siguro naman 'to na talaga ang sign na matagal ko ng hinihintay para maka move on na. Salamat sa nagbigay, hindi kita bibiguin. Makakaya ko 'to.
"MAKAKA MOVE ON DIN AKO!" Malakas na sigaw ko at nakangiting nilisan ang park na tinatambayan ko.