-14- Step 4- Eat a Lot

675 40 7
                                    

Hello po ^^ Happy 1k reads po ulet.. Maraming salamat po sa suporta niyo. May gusto lang po akong I-plug na story.


Basahin niyo po yung isang story koSummer Love. Yan po yung title short story lang po siya kaya madali ko lang siyang matatapos. Pero wag po kayong mag alala Makakapag UD pa naman ako dito sa Story na to hehe.





--






Thanks~





















Aljahne POV















OUCH!!! Ansakit ng ulo ko.






"Aljahne...." Bakit ganon ang mukha ni Jonathan? Nag aalala ba siya? May nangyari ba sakin? Ang natatandaan ko lang naman ay simula kahapon hindi na ako iibig uli. Urgghhh... Ayoko na isipin ang nangayari sa kaarawan ko sumasakit lang ulo ko.








"Asan ako?" yan na lang ang nasabi ko dahil masakit talaga ang ulo ko. Hindi naman ako uminom pero masakit talaga yung ulo ko eh.






"Andito ka sa isang bahay namin. Nagugutom ka naba?" nag aalalang tanong niya sakin. Bakit kasi si Ej pa ang minahal pede namang si Jonathan, siguro kung maaga dumating sa buhay ko Jonathan masaya na sana ako ngayon.







"Oo eh.. Sino mga andito?" tanong ko sa kanya. Ayoko munang makita si E--- Urghh.. Basta ayaw ko siyang makita.







"Wala tayo lang andito. Si Ej at Camille umalis. Si Angel naman ay sinundo ng Fianeè niya." Haaaay swerte ng bestfriend ko happy ending na siya.







Inalalayan akong bumaba ni Jonathan. Inalalayan niya ako dahil medyo masama pa pakiramdam ko. Kinwento narin sakin ni Jonathan kung saan niya ako nakita. Tinanong naman ako ni Jonathan kung bakit di ako sumipot sa Debut ko. Ang nasabi ko nalang ay nawala ako sa sarili at nag papasalamat naman ako dahil naniwala siya sa reason ko sa kanya. Ayokong ikwento sa kanya ang totoong nangyari dahil alam ko na magkakaroon ng gulo. Mas mabuti na hayaan ko nalang makalimutan yung sakit na natamo ko.







Pag kababa namin bumungad kaagad sakin ang tambak na regalo. Imbis na matuwa ayoko ay nalungkot ako dahil naalala ko nanaman ang nangyari. Paulit ulit na naf fa-flashback sa isipan ko ang nangyari.







"Aljahne ok ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni Jonathan. Hindi ko namalayan na nakatunganga na pala ako.







"Ahm.. Sorry may naalala lang ako." sabi ko at dumiretso na sa kitchen para kumaen.







Matapos ang ilang minuto na tahimik na kainan ay natapos rin kami. Hindi ko alam pero halata ko na nararamdaman ni EJ na may problema ako. Ayoko nang sabihin sakanya dahil tuwing may problem ako lagi nalang siya ang nasa tabi ko, pero ngayon gusto ko yung ako lang nakakaalam ng problema ko. Gusto ko maklimutan yung sakit na meron sakin ngayon. Gusto kong kalimutan ang taong mahal ko ngayon na may mahal ng iba. Pero hindi ko magawa eh. Yung sakit na meron ako ay ginagawa akong mahina.







10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon