Two

1.4K 52 5
                                    

***

Kabanata 2

Nababaliw na talaga ako. Alam ko ng may girlfriend siya may pa 'then be my boyfriend' pa akong nalalaman. Ayon another rejection nanaman.

"Then be my boyfriend." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Nabitawan naman niya agad ang kamay ko at malungkot na sinalubong ang mga titig ko.

"S-sorry." sagot niya at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

Kinuha ko ang bag na naglalaman ng gamit ko at tinulak siya upang makalabas na doon. Nahihirapan akong huminga kapag kaharap ko siya. Puro sakit ang nararamdaman ko.

Ansakit na. Sobra.

"Miss beautiful may nag-papabigay po sa'yo nito." bigla kong pinunasan ang mga luha ko ng may babaeng nagsalit sa harapan ko at maglahad ng panyo na may papel sa ibabaw.

Matapos punasan ang mga luha ay tinignan ko si ate na nakatayo parin sa harap ko at nakalahad parin ang panyo ang ang gusto na papel. Okay na sana pero may gusto na papel pang kasama. Ano nama ang gagawin ko sa gusot na papel na 'yan?

"Makakatulong daw sa'yo 'yan Miss kaya kuhanin mo na dahil naiinip na ako." poker-face na sabi ni ate at halata nga ang inis sa boses nito.

Dahil no choice na ako at masyadong nakakatakot si ate ay kinuha ko na ang binibigay niya at tinalikuran niya agad ako.

"Salamat." Para saan naman kaya 'to?

Dahil curious ako kung ano ang mayroon sa loob ng papel binuksan ko ito at hindi makapaniwala sa nababasa ko ngayon.

Seriously? Ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko at pinagsasampal pero walang nagbago, 'yon nga talaga ang nakalagay sa loob ng lukot na papel.

Ito lang naman ang nakalagay..

10 WAYS TO FORGET YOUR EX-CRUSH!!

1. Snob him/her

2. Delete their number

3. Stop stalking their profile

4. Eat a lot

5. Remove all the stuffs that will remind them for you.

6. Make your self busy

7. Attend Bars every night

8. Study hard

9. Be happy

10. Find a new Crush

Siguro naman 'to na talaga ang sign na matagal ko ng hinihintay para maka move on na. Salamat sa nagbigay, hindi kita bibiguin. Makakaya ko 'to.



"MAKAKA MOVE ON DIN AKO!" I said at nakangiting umalis sa park.

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon