One

2.6K 64 7
                                    

***

Kabanata 1

"MAKAKA-MOVE ON DIN AKO!" sigaw ko habang nakatingin kay EJ at sa girlfriend niya.

Siguro kung may nakakakita saakin ngayon pagkakamalan akong baliw. Natawa ba naman ako habang naiyak eh. Natatawa ako dahil ang tanga ko kasi hindi ko naramdaman na isang nakababatang kapatid lang pala ang turing niya saakin and at the same time naiiyak ako dahil hindi ko alam kung paano makaka-move on sa kanya.

Bakit kasi naging sweet ka pa saakin? Bakit ang over-protective mo kasi saakin? Bakit ang clingy mo kasi? Bakit kasi ako umasa?!

Kakatapos lang ng surprise ni EJ sa babae at nakuha niya na ang matamis na 'oo' nito. Andito ako ngayon sa resort kung saan nagpa-party si EJ kasi sinagot na siya ng babaeng matagal niya ng gusto.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong saakin ni Angel my bestfriend.

"'Wag na muna." walang ganang sabi ko habang nakatingin parin kila EJM

Wala akong makitang mali sa kanilang dalawa. Masyado silang perfect as a couple sa paningin ko.

"Aljahne." concern na tawag saakin ni Angel. Tumingin naman ako dito at ngumiti pero sumabay din ang isang patak ng luha.

Kaagad na lumapit ang kaibigan ko at niyakap ko.

"Hindi niya pala ako 'yung mahala na tinutukoy niya." sabi ko at tuluyan nang umiyak.

   It's been six months at masasabi kong hindi parin ako naka-move on kay EJ. Hindi ako sanay na walang sumusundo saakin, hindi ako sanay na hindi siya kausap, hindi ako sanay na hindi ko siya nakakasama sa isang araw. Pero kailangan kong sanayin dahil iba na ang sitwasyon namin ngayon.

Andito ako sa tambayan namin para kuhanin ang mga gamit ko. Gumawa kami ng maliit na bahay-bahayn sa likod ng campus para kapag bored kami doon ang puntahan namin. Pero like what I said iba na ang sitwasyon namin ngayon at dapat simulan ko ng umiwas.

"B-bakit mo inaalis ang mga gamit mo dito?" napatigil ako sa pagliligpit nang marinig ko ang boses siya.

Bumuntong hininga muna ako para marelax ang sarili at makalipas ang ilang segundo binalik ko na ulit ang pag aayos.

"Aljahne. Wag mo namang gawin 'to oh." mahinahon na sabi niya pero hindi ko parin siya pinansin at pinagpatuloy ang pagliligpit.

Matapos makuha ang mga gamit ko at lalabas na sana ako pero nakaharang siya sa pintuan.

"Tabi." seryosong sabi ko pero nakatayo parin siya sa pintuan na akala mo walang narinig.

"Lalabas na ako." sabi ko at tutulak ko na sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko.

Kinuha niya gamit ang isang kamay niya ang bag na naglalaman ng mga gamit ko at itinabi 'to sa gilid. Pilit ko naman inaalis ang mga kamay ko sa paghawak niya pero masyado siyang malakas kaya hindi ko magawa.

"Ano pa bang gusto mo?! Nasasaktan lang ako kapag nakikita kita!" hindi ko na napigilan at nasabi ko na ang kanina ko pang gustong sabihin.

"Pag-usapan naman natin 'to Aljhane." mahinahon niyang sabi pero umili lang ako at pilit na pinipigilan mapaiyak.

"Wala na dapat tayong pag-usapan EJ, at sana hayaan mo na lang ako sa gusto ko." I said while looking at him.

"Ayokong nasasaktan ka Aljhane." malungkot na sabi niya.

"Then be my boyfriend!"

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon