-19- Step 7: Attend Bars Everynight

315 32 4
                                    

Aljahne POV




"Grabee nemen!! Lalanggamin na kayo diyan.." Sabi ni Angel.




Natawa naman kami. Andito kasi kami sa bahay nila Angel. Nanonood or nag mu-movie marathon. Magkaholding hands kami tapos nakasandal yung ulo ko sa chest ni Jonathan.




"Bitter ka lang kasi!!" Asar ko sa kanya kaya tumahimik na siya.



Okay na kami ni Jonathan. Bumalik na rin siya dati. Ang sweet niya nga ngayon eh. Nakakalilig kaya!




"Bukas sunduin kita sainyo ah." Sabi niya.




"Opo." Sabi ko namam habang nakangiti.




"Bukas ko rin ibibigay yung Step 7. Parang ayoko nga ibigay 'yon eh. Perp kelangan. Alam ko naman na hindi ka pa nakakamove on eh." Naka pout na sabi niya.




"Ayan ka nanaman eh. Malapit na Jonathan. Pramis. Cross my Heart." Sabi ko at tumawa naman siya.



Natapos na kami mag movie marathon. Andito na kami sa labas ng bahay ni Angel. Inihatid lang namin si Jonathan. Magkalapit lang bahay namin ni Angel. Tsaka nag paalam na ako sa parents ko na mag o-overnight ako dito.




*****




Andito na kami sa school. Hinihintay na lang namin si Jonathan. Napaka kupad talaga kumilos non.




'Hoy. Babe. Asan ka na ba?" Text ko kay Jonathan.





'Andyan na. Miss mo na agad ako eh. :*' Napangiti naman ako sa text niya.




'Oo na miss na kita. Kaya bilisan mo na. Maghahanap talaga ako ng ibang lalake.' Text ko.





"Ayun na si Jonathan oh!!" Turo ni Angel. Tumatakbo ang loko. HAHA.






"ALJAHNE.. ANO SABI MO?" Tanong niya saakin.


"Magha---




>///////< Hindi ko na natuloy dahil hinalikan niya na ako. OMYGHEE!! Pimagtitinginan nila kami. Trending nanaman 'to sa school. Huhuhu T.T. Pero kinilig ako doon ah. KYAAAAH.


"Ano ulit sinabi mo?" Nakangiting tanong ni Jonathan.

"WALA!!" Sabi ko at naglakad na diretso sa classroom.


Andito na kami sa classroom. Nahihiya parin ako sa eksenang ginawa ni Jonathan. Grabe talaga siya!!


"Eto na pala Step 7." Bigla siyang may hinagis na papel saakin.


Step 7: Attend Bars Everynight.

SERIOUSLY!!? Attend Bars Every night talaga. Ghad. Eto pa naman ang pinakaayaw ko. Maliban sa ang ingay, andaming mga bastos at mga lintang babae.


"Dont worry babe. Sasamahan naman kita eh." Ayan ang sabi ni Jonathan at inakbayan na ako. Isinandal ko naman ang ulo ko sa chest niya.


Alam kong madami ng nakatingin saakin. Care ko! Hinding hindi ko ikakahiya ang lalakeng 'to.

*****

Day 1 namin sa Bar ay sobrang nakakainis. Ghaaad. Andaming tao. Yung iba naghahalikan na. Yung iba naman nagsisigarilyo. Meron naman nag lulumpasay sa sobrang lasing. Grabe naman mga tao sa Bar that day.

Day 2 medyo okay na. Si Jonathan lang ang umiinom ng Alcohol, Vodka, or Tequilla. Ang inoorder naman saakin ni Jonathan is MilkTea. May mga wild parin naman pero hindi na katulad nung firstday.

Day 3 sumasayaw sayaw na kami niyan. May lumapit pa ngang babae kay Jonathan. Nagsayaw silang dalawa. Kaya that day buong gabi akong sinusuyo ni Jonathan. Pero infairness nakakakilig kaya. Tsaka effective din yung pag pout niya.

Day 4 ayan na. Nakikihalubilo na kami sa Dance Floor at pinayagan ako uminom ng Tequilla kaso 3shots lang. First time ko 'to. Enjoy din naman pala sa Bar. May mga kilala rin naman ako kahit papaano.

At ngayon ang lastday na namin magbabar.

"Brad! Tequilla tapos Milktea para sa nililigawan ko." Pagkasabi niyan ni Jonathan namula ako. Kelan kaya siya hindi magiging sweet. KYAAAH!

"JONATHAN!!" Sabi ko at hinampas siya.

"Kinkilig ka naman. HAHAHA!!" Sabi niya at tumawa. Inirapan ko na lang siya.

Ininom ko na lang yung MilkTea na binili niya at tumahimik na lang ako.

Ang wild ng mga tao ngayon ah. Okay na rin ito. Lastday narin naman. Tsaka panong hindi magiging wild eh ang tugtog ay wiggle wiggle.

Tumingin ako sa banda malapit saamin, nakita ko yung babae na kulang nalang ay magsuot ng panty. Kumekendeng kendend siya habang yung lalake gumigiling sa likod niya. Ghaaad!! Parang hindi na sila babae sa ginagawa niyang 'yan.

Tumingin naman ako sa kaliwa at nakita ko yung babae ni la-lap dance yung lalake. Yung lalake naman nakapikit at dinadama ang pag giling ng babae.

Sa kanan naman ay mga mag to-tropa. Okay naman. Maayos ang ginagawa nila. Nag sasayaw lang sila. Naka form sila ng circle at may pupunta sa gitna at mamimili ng ka showdown niya.

May kumalabi naman saakin at napalingon kaagad ako.

>/////< 1 inch na lang maglalapat na ang labi namin. Kahit nakainon na ng tequilla ang bango parin ng hininga niya. Yung mata niyang nakakapang akit. Yung ilong niya na matangos. At... at.. *gulp* Yung kissable lips niya.

Iniwas ko ang tingin ko at naramdaman ko naman ang sexy niyang tawa. JUICEKOLORD!

"I LOVE YOU" bulong niya saakin.

Wala na bumigay na ako. Mahal ko na siya eh. Pero tsaka ko na lang sasabihin kapag tapos na 'tong mga steps na 'to.

'I LOVE YOU TOO'

Sabi ng konsensya ko. Napangiti na lang ako.



10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon