***
Kabanata 8
Okay na nga ba ako? Lagi kong tanong sa sarili ko. Nagagawa ko naman ang ibang steps pero feeling ko hindi parin sapat. Hindi ko parin magawang alisin sa isip ko si EJ. Bakit ba kasi patay na patay ako sa paasang 'yon?
Sila masaya, ako nasasaktan. Sila inlove, ako broken hearted. Sila sweet, ako nag iisa. Edi kayo na! Mag bi-break din kayo!
Bitter na kung bitter. Minsanan lang 'to kaya lubusin na. Hindi naman masama maging bitter basta wala ka namang ginagawang masama. Pinapatay ko lang sila sa isip ko!
May pa holding hands while walking pang nalalaman. Remind ko lang ah! School 'to! Hindi Luneta Park. Mga letse!
Nakakainis!
Nakakabitter kayo!
So eto na nga, nakatingin ako kay Szasza na ngayon ay nakangiting papunta sa pwesto ko. Anong kailangan kaya ng babaeng 'to?
"Aljhane tanong ko lang kung nakita mo si Evander?" tanungan ba ako ng mga nawawalang paasa?
"Hindi eh." maikling sagot ko.
"Pwede bang maki-share ng table sa'yo? Ikaw lang kasi kilala ko dito eh." bawal! Letse ka close ba tayo?
"Sure."
"Sige mag order lang ako. Treat na din kita." tse! Bida bida.
Iniwan lang ni Szasza ang gamit niya at pumunta na sa counter para mag order.
Gusto ko sana siyang malditahan kaso masyadong mahinhin, wala akong makitang maldita side niya. Nakakainis naman!
Tahimik lang kaming kumakaen ni Szasza, nagpapakiramdaman kung mag-uusap ba or hindi.
Pero deep inside ayoko talaga siyang makausap. Kumukulo agad ang dugo ko sa kanya kahit wala siyang ginagawa. Masyado kasing mabait!
"So ikaw pala 'yung bestfriend na laging kinu-kwento saakin ni Evander." Talaga ba?
"Ah."
"Malungkot nga siya these past few days kasi iniiwasan mo daw siya." Gusto ko na kasi mag move on. Kaya pwede ba umalis ka na lang!
Hindi ako makapagtaray! Nakakainis.
"Busy lang ako." sagot ko sa sinabi niya.
"Sinisisi niya nga ang sarili niya kung bakit ka naging cold sa kanya eh." dapat lang no! Paasa kasi siya!
Hindi ko mapigilan mapairap sa mga pinag-sasabi niya. Feeling close talaga.
Feeling ko tuloy andami niyang inorder na pagkaen kasi ang tagal talaga maubos.
"Mahal mo ba si Evander?" natigilan ako sa tanong niya.
"Pano kapag sinabi kong 'oo'?" diretsong sabi ko sa kanya.
"Kaya ka ba umiiwas dahil mahal mo siya?" Ano bang problema nito?
"No."
"Then bakit mo iniiwasan si Evander? Bestfriend ka niya dapat lagi kang nasa tabi niya. Dapat concern ka kung bakit siya malungkot."
"Wala kang alam kaya pwede ba wag ka nang makielam. By the way thanks sa pagkaen." I said at iniwan na siya doon.
Hindi ko alam kung bakit pa ako kailangan kausapin ni Szasza about kay EJ. Nananahimik na ako! Gusto ko na mag move on!
Pili na nga akong umiiwas pero ito parin sila. Lapit nang lapit! Wala na dapat pakielamanan. Masaya na sila diba? Forever na sila diba?
Tsaka bakit ako magiging concern sa taong dahilan kung bakit ako nasaaaktan ngayon?
Kaya pala ako nilibre mg pagkaen dahil tatadtarin niya ako ng tanong. May pagka chismosa din pala ang nagustuhan ni EJ.
Tsk.
"Angel ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi na magbabago 'yan si CJ! Playboy 'yan! Malandi! Hindi marunong makuntento! Look at you, ang chaka-chaka mo na dahil kakaiyak sa lalakeng 'yan." naiinis na sabi ko kay Angel.
Hindi kasi marunong makinig! Magmamahal na nga lang 'yung isang playboy pa! Hindi marunong mag seryoso.
![](https://img.wattpad.com/cover/9968595-288-k44345.jpg)