Seven

750 54 6
                                    

***

Kabanata 7

S T E P 4 - EAT A LOT

"Ano akala mo saakin? Patay gutom?! Hindi ko kayang ubusin lahat 'to!" sigaw ko kay Jonathan na ngayon ay panay kamot sa ulo niya.

"Sorry naman. Tutulungan na lang kita! Sinusunod ko lang ang step number four." nakangiting sabi niya at kinuha ko naman ang cellphone ko para icheck kung ano ang step number four. 'Eat a lot.'

Habang kumakaen kami ni Jonathan bigla ko namang naalala ang bestfriend ko. Angel. These past few days kapag tinatanong ko siya kung free siya lagi niyang sinasabi na busy siya or may kailangan siyang puntahan. Masyado nang masikreto ang bestfriend ko at kailangan kong malaman kung ano ang itinatago niya saakin.

"She's with her boyfriend." napatigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang sinabi ni Jonathan.

"Ano?"

"May boyfriend na si Angel, hindi siya busy or may kailangan siyang gawin. Lagi niya lang ka date ang boyfriend niya at ayaw niya sabihin sa'yo dahio nahihiya siya." Jonathan said.

Eh?

"Hayaan mo muna siya. Mag focus ka na lang sa pagkaen. Kakailanganin mo 'yan." sabi ni Jonathan at nag order nanaman ng pagkaen.

I kennat!

   "Seriously Angel? Bessywap mo ako tapos hindi mo lang man ako ininform na may boyfriend ka na pala?!" nag-iinarteng sabi ko habang si Angel nakatungo lang.

"Hindi ko sinabi sa'yo kasi alam ko namang ayaw mo kay Cean Jean." sagot niya habang nakatungo parin.

"'Yon na nga eh! Cean Jean Marquez The Ultimate Playboy, mas makati pa sa higad ang boyfriend mo girl! Paano kung lolokohin ka niya?"

"Hindi niya magagawa 'yon! Mahal niya ako."

"Fine! Wala na akong magagawa, basta sabihan mo lang ako kapag niloko ka non." sabi ko at tinignan ang mga pagkaen na binigay nanaman ni Jonathan.

Alam ko naman na ang step four ay 'Eat a lot' pero grabe naman ang mga pagkaen na binibigay saakin ni Jonathan. Pang tatluhan na 'to eh!

Pero tama nga sila, kung gusto mong makalimot bukod sa mag paka wasted ka, isa sa mga magagandang steps on how to move on is to eat a lot at eto nga ang ginagawa ko ngayon.

Kailangan kong mag focus sa pagkaen, kasi ang pagiging broken hearted ay nakakapayat. Nakakalimutan mong kumaen dahil kakaisip sa taong pilit kang sinasaktan. Nakakalimutan mo ang mahahalagang bagay dahil pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa taong di mo naman mahal.

Mahirap tanggapin, pero hindi habang buhay ay ganon na lang amg sitwasyon ko.

Kaya para maka move on, isa aa mga way ang pagkaen ng madami.

Namiss ko na din ang kumaen ng mga gantong food. Fries, burger, spicy chicken and also pizza!

"Naglilihi ka ba?" biglang tanong saakin ni Angel dahilan para mailuwa ko ang pizza na kinakaen ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Hindi ka naman kasi ganyan kumaen sis. Nakakapanibago lang kasi."

"Masanay ka na, tsaka sisihin mo si Jonathan." sabi ko at kumuha naman ng fries.

"Infairness ang sweet sa'yo ni Jonathan. Jowain mo kaya 'yon!" pang-aasar ni Angel.

"'Yon ang hindi mangyayari. Let say na pogi siya, yummy pa, mabait din, may sapak nga lang pero wala pa akong balak mag boyfriend na friend friend lang muna." sabi ko.

Hangga't maaari hindi muna ako mag bo-boyfriend. Natatakot na kasi ako umasa. Aasa sa wala, magpapakita ng motibo pero ang ending wala naman pala.

Sweet pero bilang isang bunsong kapatid lang pala.

Pakshet diba?

Pagkaen na lang ang mamahalin ko. Mabubusog pa ako.

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon