-12- Plan.

598 42 10
                                    

Aljahne POV

Mag kasama parin kami ni EJ ngayon. Ansaya ko dahil nag kaaminan na kaming dalawa, kinuwento niya rin sakin na matagal na siyang may gusto sakin.

"Punta lang ako ng Library ah" sabi ni EJ at pumunta na sa Library. Nag lakad lakad muna ako dahil baka matagalan daw siya.

Jonathan POV

Ej Calling..

[Hello...]

"Napatawag ka Bro.!?" tanong ko kay EJ.

[Nagawa ko na ang pina gagawa mo.. Tsaka baka hindi ka na niya sa mahan araw araw dahil simula ngayon nililigawan ko na siya.] masayang sabi ni EJ at inend na yung call.

Shit.

FLASHBACK

Pumunta ako sa bahay para kausapin ang magaling kong kapatid.

"Bro!" tawag ko sa kanya. Nakaupo kasi siya habang nanonood sa TV.

"Bakit?" tanong niya sakin habang nakakunot ang noo. Bago ako magsalita tinignan ko muna ang pinapanood niya NBA kaya naman pala nakakunot ang noo dahil ayaw maistorbo.

"Aalis ko. One week akong mawawala. May ipapakiusap sana ako sayo." sabi ko at umupo na ako sa tabi niya.

"Ano naman yon." sabi niya at nakatingin na sa pinapanood niya.

"Diba nga mawawala ako ng oneweek." nag nod naman siya. "Gusto ko samahan mo si Aljahne ng one week. Ayoko kasi na mag isa lang siya." pag kasabi ko non bigla naman nawala ang pagkakunot ng noo niya at napalitan ito ng malaking ngiti niya.

Tumayo na ako at umalis na. Mag paka enjoy ka muna Aljahne hanggang hindi pa tapos ang inaasikaso ko para sa Birthday mo.

END OF FLASHBACK

Andito ako ngayon sa Bahay nila Angel. Uuwi na siya dahil sasamahan niya ako sa pag plano ng Birthday ni Aljahne. Gusto ko Bago man ako umalis mapasaya ko siya at mawala ang sakit na nararamdaman niya.

2months nalang ako dito sa Pinas at babalik na ako sa dati kong tirahan. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang iwan si Aljahne eh.

"Jonathan." sigaw ni Angel at umakap sakin. "Kamusta kayo ng Bestfriend ko nag ka developan naba kayo? Umamin kana ba? Sinabi mo na ba na ikaw ang nag bibigay ng steps sa kanya to forget her crush?" sunod na sunod na tanong niya sakin.

By the way alam ni Angel na ako ang nagpapadala ng sulat kay Aljahne dahil nahuli niya ako sa locker room ni Aljahne.

"Hindi pa nga eh. Natotorpe na ako sakanya. Tsaka aalis na naman ako 2months nalang natitira ko dahil kelangan eh." sabi ko.

"So ano plano natin kay Aljahne." panimula ni Angel.

"Ako na bahala sa Place, Decorations, Food, Lahat lahat basta ikaw na lang sa mga Visitors. Ikaw na sa inivitation at sa mga iimbitahin mo ok." mabilis na sabi ko kay Angel.

"Ok makakaalis kana." sabi ni Angel at umalis na.

Ngayon pupunta ako sa Office ni mommy para magpaalam na gagamitin namin yung Bahay namin sa Laguna. Don nalang yung place ng Event dahil maganda at malaki naman doon.

Mga ilang minuto nakarating na ako sa Office ni mommy. Pumasok na ako.

"Hi mommy." sabi ko at lumapit sakanya para yakapin na miss ko rin si mommy.

"Hi Tan. What can I do for you.?" tanong sakin ni mommy. Umupo ako sa upuan sa harap ng mommy ko.

"Mommy pede ko po bang gamitin yung bahay natin sa laguna?" sabi ko.

"Bakit?" mommy.

"Kilala mo diba si Aljahne yung girl na lagi kong kinukwento pag tumatawag ka sakin. Gusto ko po kasing surpresahin siya sa Birthday niya. pagkasabi ko kay mommy biglang lumaki ang ngiti niya. Niyakap niya ako at.

"Payag ako anak para sayo. Ghaaaad inlove natalaga ang anak ko. I need to go na Bye." umalis na siya. Yes!! Pumayag na siya.

Next ko namang pupuntahan ay ang Tito kong Chef. Kaylangan ko magpaluto sa kanya ng masasarap na putahe para sa Birthday ni Aljahne.

2:39 napal ng hapon. Bukas na ang Birthday ni Aljahne kaylangan ko na tong matapos.

Nakarating naman kaagad ako sa retaurant ni Tito.

Dumiretso ako sa kusina. Alam ko naman na andoon siya eh.

"Tito" tawag ko at sakto kakatapos niya lang magluto.

"Kela----

"Alam ko na yan. Tinawagan na ako ng mommy mo para sa Birthday ng pinakamamahal mong babae. Alis kana alam ko naman na bukas nayon. Ako ng bahala."

Umalis na ako.

*****

12:00AM

Nakakapagod naman. Buti at natapis ko na lahat. Kaylangan ko nalang mag ayos para bukas. Bukas na ako aamin para sa nararamdaman ko sa kanya.

Nakahiga na ako sa kama at..

Zzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

A/N: sorry kung maikli lang ang UD ko. Ano po magandang sing na pang DEBuT. Comment niyo nalang po. Thanks <3

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon