Six

795 54 10
                                    

***

Kabanata 6

S T E P 3 - STOP STALKING THEIR PROFILE

It's been a month since hindi ko nagawa ang step two, at nababaliw na ako dahil hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba or hindi. Baka mabigo ko nanaman kasi ang nagbigay nang steps. Ginagawa ko naman kasi talaga ang best ko pero may mga humahadlang eh.

"Napanood mo na ba ang video nila Evander and Szasza? Grabe nakakakilig."

"Ang swerte ni Szasza kay Jose!"

"Relationship Goals sila."

"Sana lahat."

"Hephephep! Pigilan mo ang sarili mong i-stalk ang dalawa. Papaala ko lang sa'yo babes, hindi mo nagawa ang first two step sana magawa mo na ang thrid step this time." itinago ko agad ang phone ko sa bag ko nang marinig ko ang sinabi ni Jonathan.

He's right, I need to stop stalking their profile. Hindi nakaka healthy sakin 'yon.

Ano naman kung may video sila? Ano naman kung sweet sila? Ano naman kung mahal nila ang isa't-isa? Edi sila na ang happy ako na ang nasasaktan!

"Date na lang tayo babes." biglang sabi ni Jonathan kaya nasampal ko siya.

"Hala Aljhane namumula ang pisngi ni Jonathan." gulat na sabi ni Angel na nakakita na sinampal ko si Jonathan.

"S-sorry."

"Pumayag ka muna makipag date." sabi ni Jonathan habang nakangisi pero nakasapo sa kaliwang pisngi na nasampal ko.

"Fine!"

   "Ano 'yan?" tanong ko kay Jonathan.

Isang itlog na maliit na nababalutan ng orange na ewan ko kung ano tas sinasawsaw sa suka at may matamis din na sauce ang ibinigay niya saakin.

"Try mo! Masarap 'yan." sabi ni Jonathan at sumubo ulit ng 'kwek-kwek' ata 'yon.

Hawak ko parin ang kwek kwek na nasa stick at nakatingin lang kay Jonathan na enjoy na enjoy sa pagkaen.

"Hindi ako nakaen nito!" sabi ko pero itinulak niya lang saakin ang kwek kwek at dinedma na ulit ako.

Bwiset! Kapag kami ni EJ ang lumalabas sa mga Thai food restaurant kami napunta, tas manunuod sa cine, tas minsan pupunta kami sa tagaytay. Pero si Jonathan street foods? Seriously hindi nasakit ang tyan niya?

"Hindi nakakamatay 'yan Aljahne. Masarap 'yan." sabi niya at sinubo saakin bigla ang isang kwek-kwek.

Nasa bibig ko lang 'to at hindi nginunguya habang nakatingin ng masama kay Jonathan.

"Nguyain mo na kasi!" no choice. Nginuya ko nga ito at omyyyyyy! Ansaraaaaap nga!

Halos isang oras kaming nakatambay sa park habang nakaen ng street foods na hindi ko alam ang pangalan. Mas masarap pa siya sa mga kinakaen namin sa Thai restaurant.

"Dahan dahan lang uy! Kala ko ba ayaw mo?" natatawang sabi ni Jonathan habang pinupunasan ang gilid ng labi ko dahil may kalat na sauce.

"Ansharap pala! This is my first time, more on restaurant kasi kami ni EJ kapag lumalabas."

"Tsk." biglang seryoso ni Jonatham at hinayaan ko na lang ito.

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon