Three

1K 58 7
                                    

***

Kabanata 3

"Aljhane ang gwapo ng bagong classmate natin. Nalaglag ang panty ko nung nakita ko siya." nababaliw na sabi ni Angel saakin.

"As if I care." I said and rolled my eyes, kailangan kong mag focus sa papel na natanggap ko.

"Maldita mo naman friend. Baka kapag nakita mo 'yon mahumaling ka." pang-aasar niya pero inirapan ko na lang ulit siya.

Wala akong time para mahumaling sa ibang lalake, si EJ lang ang nagpapahumaling saakin. Pero mag mo-move on na talaga ako!

"Andyan na si Jonathan!"

"Fresh pa ba ako sis? Andyan na daw kasi si Jonathan!"

"Jonathan myloves!"

"He's back!"

"Pakasalan mo ako Jonathan!"

Seriously? Sinong Vandimir naman 'yon?

Binalewala ko na lang ang mga pinagsasabi ng mga classmate ko at nag focus na pag-iisip kung paano ko gagawin ang every step. Magagawa ko ba talaga 'to?

"Babes."

Weeks, months or years pa ang itatagal para maka-move on ako? Makaka move on nga ba talaga ako?

"Babes."

Kakayanin 'yan! Para sakin din naman 'to. Nasasayang lang ang luha ko sa wala.

"10 ways to forget your ex-crush. Nice." napatigil ako sa pag-iisip ng may boses akong narinig sa harapan ko. Itinago ko naman agad ang papel sa bulsa ng uniform ko at tiningala ang lalakeng nasa harapan ko.

Why so pogi kuya? Ugh! Magtigil ka nga Aljhane, mag move on ka muna bago lumandi. Tsk.

"S-sino ka?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"I'm your babes." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

   "Hindi mo sinabi saakin na kilala mo pala si Jonathan Custodi!" nakasimangot na sabi saakin ni Angel.

"How many times do I have to tell you na hindi ko kilala ang gag*ng 'yon!" inis na sabi ko dahil naalala ko nanaman ang ginawa niya saakin.

Matapos niya kasi akong halikan sa pisngi tumakbo agad siya sa labas at ang mga classmates ko namang babae ay pinagkaguluhan ako. Seriously? Ano bang mayroon sa lalakeng 'yon at patay na patay sila?

"Kalma lang sis. Hindi mo kilala eh bakit nagpahalik ka sa pisngi?" tanong ni Angel.

"Hindi ako nagpahalik at hindi ko ginustong halikan niya ako. Lakas nang amats ng lalakeng 'yon! Nakakainis!" sabi ko at tinignan si Angel na nagtataka parin hanggang ngayon.

"By the way narinig ko 'yung sinabi niya bago ka halikan. 10 ways to forget your ex-crush ba 'yon?" kahit kailan talaga napaka chismosa nitong si Angel. Kung hindi ko lang 'to bestfriend nainis na ako ng bongga dito.

"Wala 'yon." sabi ko at tumahimik na lang.

   "Jonathan Custodio nga pala. Anljhane Cristobal property." nakangiting pakilala niya sa harap ng klase at kinindatan pa ako.

"NO!"

"Taken na pala siya!"

"Bakit mo nagawa sakin 'to Jonathan?"

"Akin ka na lang please!"

Nakakaloka naman ang pagiging desperada ng mga classmates ko. Tsk.

"Dahil girlfriend mo naman pala si Ms. Cristobal doon ka na lang umupo sa vacant seat sa tabi niya." nakangiting sabi ni Ma'am.

Nakangiting naglakad naman si Jonathan papunta sa upuan niya habang nakatingin saakin. Lagot ka talaga saakin!

"Hoy lalakeng may amats sa utak! Anong paandar nanaman ang ginawa mo?!" inis na sabi ko sa kanya pagkaupo niya.

Napakamot naman siya sa batok at nginitian ako.

"'Wag kang mag pa-cute. Hindi eepekto saakin 'yan!"

"Hindi ako nagpapacute no." he said while smiling.

"Bakit mo ba ako ginugulo?" tanong ko sa kanya at bigla naman siyang nag seryoso.

"Hindi kita ginugulo. Gusto ko lang makalimutan mo si EJ kasi.. Nevermind."

Ano daw?

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon