-18- Confession

304 32 6
                                    

Aljahne POV




Tinulak ko siya. Bakit siya ganyan? Bakit parang hindi na siya si Jonathan na tumulong saakin.




"Jonathan." Madiin na sabi ko. Pinipigilan ko tumulo ang luha ko.




"Leave me alone." Sabi niya.




Hindi parin ako umaalis. Ayoko. Gusto ko siya makausap.




"Gusto lang naman kita makausap." Mahinahon ko na sagot.




Ayoko makipagaway sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano yung reason kung bakit niya ako iniiwasan.





"Ano ba dapat natin pag usapan?" Sabi niya pero hindi parin siya nakatingin saakin.





"Bakit mo ako iniiwasan?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinanong ko na talaga siya ng deretsahan.





"Hindi kita iniiwasan. Nalaman mo na ang sagot sa tanong mo. Sige. Pedd ka nang umalis." Sabi niya.





"Ano ba Jonathan. Hindi ka naman ganyan ah. Bakit? Ano ba ang ginawa ko? Wala naman diba. Bakit Jonathan?" This time tumulo na ang luha ko.






"Gusto mo malaman kung bakit? Gusto mo malaman lahat lahat? Ansakit Aljahne eh. Bakit ganon? Kahit anong gawin ko hindi ako yung napapansin mo. Puro nalang si EJ. Sinaktan ka na niya pero siya parin. Pedeng ako naman Aljahne. Mahal kita Aljahne. Mahal na Mahal. Ginawa ko lahat para makamove on ka. Gunawa ako ng 10Steps para makalimutan mo siya. Pero mukhang hindi eh. Aljahne. Ansakit. Yung anlapit lapit ko na sa'yo pero hindi parin kita maabot abot. Martyr na kung martyr ganyan kita kamahal Aljahne. Sinubukan kitang iwasan, pero hindi ko nakaya. Pero sa isip isip ko. Wala ka namang pakielam diba. Tapos ngayon lalapit-lapit ka Aljahne. Naguguluhan na ako sa'yo eh. Aljahne."





Umiiyak siya. Gusto ko siyang yakapin pero parang nakadikit na ang paa ko sa lupa. Mahal niya ako? Siya ang nagbigay ng 10steps to forget my crush? Naguguluhan na ako. Nasasaktan ko na siya. Ayoko ng ganon. Pero may nag sasabi rin sa puso't isipan ko na gusto ko rin siya mahalin. Gusto ko sabihin sa kanya kung gaano ko siya kagusto, pero wag muna ngayon.





"Nalaman mo na lahat. Sige. Aalis na ako." Sabi niya at umalis na nga.





Napaupo na ako at doon na humagulgol. Ganon na ba talaga ako kamanhid? Ganon na ba talaga ako ka tanga dahil hindi ko pinapansin yung ibang taong nagmamahal, at nagpapahalaga saakin?





"Aljahne." Boses ni Angel.





Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya. Kelangan ko ng bestfriend ngayon.






*****






"OMG!! Sabi ko na nga ba eh!! Ikaw kasi eh! Puro kay EJ yung atensyon mo. Hindi mo pinapansin yung mga taong nagmamahal sa'yo, na nasa tabi tabi lang."





Kinwento ko kay Angel lahat lahat, at kala ko ico-comfort niya ako pero sinermonan lang pala ako. Pero tama talaga siya.





"Ano na dapat ko gawin?" Tanong ko kay Angel.




"May nararamdaman ka ba kay Jonathan?" Tanong niya.




"Oo." Sabi ko.




Hindi ko na kelangan itanggi pa.





"Mag usap ulit kayo. Sabihin mo yung totoo mong nararamdam. Alam kong hindi mo pa siya mahal pero matutunan mo rin 'yan." Sabi niya at umalis na.





Gulong gulo na ako. Kelangan ko ng time para mag isip.





*****





Nakakainis lang! Tuwing nakakasalubong ko siya wala kaming kibuan. Parang hindi namin kilala yung isat isat. Tuwing gusto ko naman siya kausapin, lagi ko namang nakikita na may kasama siyang babae. Hindi na siya talaga yung Jonathan na kilala ko.





Andito ako ngayon kung saan mahilig siya tumambay.






Sakto at nakita ko siyang paparating. Pero nung nakita niya ako bigla na lang siya tumalikod.





Hinila ko siya at niyakap. "Jonathan naman. Miss na miss na kita. Nakakainis ka!! Hindi mo kasi tinanong kung gusto kita. Ako na lang mag sasabi. Gustong gusto kita. Pero sa na bigyan mo ako ng chance para mahalin ka. Please. Please--





Kinissan niya na ako. Yung halik na may halong pag mamahal. I kissed him back.




Soon Jonathan mamahalin din kita. Maghintay ka na lang.




*****




A/N: Hey guys. Masyadong madrama ang chapter na itey. VOTE. COMMENT. And be a FAN.

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon