Chapter 15
JC's POV
Haaayyy...
O_-
-_O
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa.
At Bangon...
Ow? Saturday nga pala ngayon. Practice nga pala namin ni Rojo ngayon.. Makapag ayos muna ng sarili ko.
Ligo...
Bihis...
Ok. Tapos na. Hindi na muna ako kakain. Hahaha. Nagda-diet? Pwede na din.. ^____^
Nakita ko naman si Ivan na bihis na. Aba't himala lang maagang nagising ang mokong na ito. Hindi ako sanay. Pag wala kasing pasok, naku po tulog mantika yang lalaking yan. Walang pakialam sa mundo.
"Pre san lakad natin?" Pagtatanong ko.
"Ah. Practice."
"Nino? Yung Jane ba?"
"Oo. Alam mo ba pre nakakairata yung babaeng yun."
"Oh bakit naman?"
"Daig pa ang may asawa kung makadakdak."
"Hahaha. Naku problema mo na yan pre."
"Nakakairita!!!!"
Tok...Tok...Tok...
Napatigil ang pag-uusap namin ni Ivan ng may kumatok. Ako ang nagbukas, at pagkabukas ko si Jane lang pala. Hahahaha. Natatawa talaga ako jan kay Ivan. Alam ko talaga jan sa mokong na yan ayaw na ayaw na ayaw na ayaw niyan sa mga babaeng napaka daldal. Hahahaha. At yun sumenyas na ako kay Ivan na aalis na ako. Tumango naman siya.
Lumabas na ako ng pinto at kumatok na sa Condo nila Rojo. Bumukas naman agad ang pinto at...
wow! Kung pwede lang ngumanga sa harap ng angel na to nagawa ko na. Bakit ang ganda niya? Sssh..
Hindi siya maganda. Erase Erase.
Pagkapasok ko sa Condo nila, umupo na agad ako sa sofa nila. Pagkaupo ko, umupo na din siya. At ang luwag ng gitna. Kasya ata ang tatlong tao e sa kaluangan ng gitna.
Sobrang tahimik naming dalwa dito. Nakakabingi ang katahimikan namin.....
"Saulo mo ba yung kantang kakantahin natin?"
Basag ko sa katahimikan naming dalwa.
"Oo naman. Ikaw ba?"
"Xiempre favorite song ko yun e."
"Ah. Ok."
"Wala na naman pala tayong papractisin e. Pero dito muna ako, nandun kasi sina Ivan sa Condo nagpapractice."
Totoo naman. Wala na kaming dapat pang practisin. Saulo naman pala niya ang kanta e.
"Ah. ok. nakakain kana?"
Aba't!!! Bakit nabait? Xiempre sa totoo lang hindi pa ako nakakakain.
Sumagot naman ako sa kanya ng hindi pa tas niyaya niya akong kumain...
Habang nakain kaming dalwa nakakabingi na naman ang katahimikan. . . Hanggang sa matapos ganun padin. Pumunta ulit ako sa sofa nila at siya naman ay tumaas. At pagkababa niya kita kong dala niya ang loptop niya. Hmmm. . . As i know mag oonline lang yan. Hahaha. Dala ko nga pala ang Cellphone ko. Hmm.. Makapag check nga ng fb.
As ussual daming Message,Notification at Friend Request. Pero may nagtutulak sakin na buksan ko ang Friend Request. So yun kinilick ko na at may pumukaw ng pansin sa isa sa mga nagrequest saakin...
Ang pangalan ay ROJO REIN RENJ R. ROJILLO pero bakit nacucurius ako? Mabuksan nga...
Pagkabukas ko. . .
O__________O ako
Bakit mukha ni Rojo ang nakaprofile? Tiningnan ko naman ang mga picture niya. At puro mukha niya ang nandun. Yung iba pa nga ay kasama niya sina Mari at Jane. So tama nga kay Rojo nga itong Facebook na ito!!! Ang pinagtataka ko lang bakit ang haba ng pangalan niya? Haaay naku yaen na nga. Ini-accept ko naman siya. . .
Napatigil naman ako sa pag fafacebook ng mapasulyap ako saglit kay Rojo. At kitang kita kong ginagalaw niya facebook ko. Bahagya naman akong lumapit sa kanya. At kita ko ding binabasa niya yung About ko. Pagkatapos niya basahin. Sumigaw siya kadahilanan ng pag ka gitla ko. . .
"Huh? Oy Bakit? Bakit ka sumigaw?"
Pagtatanong ko kahit alam ko na kung bakit.
"Ah.Eh. Wala. Tenk's sa Accept."
Sa pagkakaalam ko hindi yun ang dahilan. Hahahaha. . Nabasa lang naman niya na anak ako ng pinapasokan niyang school ngayon. Hahahaha.. . Tingnan lang natin kung san aabut ang katarayan niya. Hahahaha.. .
O_______O ako
Pakshiit. Bigla siyang humarap. At nagkadikit ang aming mga ilong. Para kaming maghahalikan. Pero hindi yun mangyayari. Antagal naming dalwa sa posisyong yun. Natauhan lang kami ng may magbukas ng pinto. At naghiwalay agad kami. At tumayo naman siya. Sumunod na din sa kanya. Si Jane lang pala ang dumating. At dahil andito na si Jane aalis na ako.
Pumasok muna si Jane at tumaas. kami na lang ni Rojo ang nasa baba. Tumawa ako ng napakalapad sa kanya para pang iinsulto. At nagpaalam na. . .
Nang makalabas ako. . .
BUKAS NA ANG SIMULA NG GAME!!!
GAME PARA PAHIRAPAN KA!!! HAHAHAHA!!!.. . . .
xxxxxxxxxxxxxxx