Chapter 13
Rojo's POV
Labasan na. Wala namang masyadong mangyare. Meron naman palang nangyari kanina. Napag-usapan lang naman namin ni JC yung gagawin namin. At sabi nga niya pupunta na lang daw siya sa Condo namin.
At ito ako On the way na pauwe...
And Viola... Im here. ;) Andito na ako sa Condo... Tss. Yung dalwa? Yun nagpapractice. Masyadong nagsisipag...Hahaha. Makapag gawa muna nga ng mga Assignments.
Mari's POV
Yeah.Ryt. Wala namang masyadong nangyare sa buhay ko ngayon. Yun nga lang may project kami. At ang nakakatuwa pa nito. Kapartner ko si Paul...
Ewan ko ba. Natutuwa ako lagi pag nakikita siya. Hahahaha. Crush ko na ata si Paul. Hahahaha... Kumekerengkeng na ako. Kumbaga nagdadalaga na nga ako..
Nang nasa Canteen kami napag-usapan namin ni Paul yung tungkol sa Project. Si Rojo naman kataray kanina. Sinamaan pa ako tiningin parang pinaupo lang sina Paul. Hello wala na kaya silang mauupuan. Xiempre ako na kinikilig kanina. Ganun talaga.
So yun nga napag-usapan namin ni Paul yung tungkol sa Project....
FLASHBACK
"Ah.Eh. Mari. Kelan tayo magpapractice dun sa alam mo na."
"Ikaw kailan ba ang free day mo?"
"Sunday!!!"
"Ah. Geh."
"Anong Oras?"
"Maybe Afternoon. Hmmm... mga 2:00. Okey naba yun?"
"Sure. Saan tayo magpapractice?"
"Sa Condo na lang namin."
"Okey."
END OF FLASHBACK
Hayy. Kilig to the bones talaga ako kanina. Kulang nalang manabunot kanina sa katabi ko sa kakiligan. Hahahahaha. Kinikilig talaga ako pag naaalala ko yung Conversation naming yun. Hahahaha. Kung kayo ang nasa katayuan ko. Baka mahimatay kayo. Isang gwapo ba namang na nilalalang ang kakausap sayo. Pagka naman. Hahaha...
Jane's POV
Washuuu. Naku si Mam may nalalaman pang pakanta kanta Portion Project pa i. At sa di inaasahang pagkakataon si Ivan pa ang kapartner ko. Pero okey lang naman. Mukhang mabait naman...
Sa kabaliktaran..... Alam nyo yung feeling ng ganun? Salita ka nang salita, wala man lang nasagot sa mga sinasabi mo?! At para kang tangang kausap ng kausap na kulang na lang sarili mo yung kausapin mo. Naku jusko po, kung alam nio lang napakatahimik ni Ivan. Parang tinahi ang bibig e. Sasagot lang siya ng Ah Oo, Ok, Sige, at pwede din. Pinakamahaba niyang sagot pwede din. Abah.abah. Naku...
Nung nasa Canteen kami kanina, kinausap ko na agad siya. Naiinsulto kasi ako. Ikaw ba naman ang gumawa ng lahat. Samantalang ang partner mo, parang manhid....
FLASHBACK
"Hoy!!!! Ivan anong kakantahin natin anong araw tayo magpapractice anong oras mag suggest ka naman jan para magkaintindihan tayo kung anong kakantahin?!. Saan tayo magpapractice?"
"Condo."
"Nino? Ninyo?"
"Oo."
"Oras? mga 10:00?"
"Pwede na din"
"Sige. Punta na lang ako sa condo niyo. Ay teka ano palang Araw? Pwede ba sa Saturday?"
"Oo."
"Sige. Sa Saturday. Kailangang maghanda ka huh. At kailangang galingan natin. Baka naman hindi ka marunong kumanta? Naku matatalo tayo, at baka mababa ang ibigay na marka sa atin ni Mam. Kaya galingan natin huh?."
"Oo."
END OF FLASHBACK
Natry niyo na ba ang ganun? Yung kausap ka ng kausap tas yung kausap mo antipid sumagot? Nakakaiyamut lang pag ganun. Kung anong haba ng salita ko siyang ikli naman ng kay Ivan e. Sura...
Buti pa sina Rojo okey na sa kani kanilang partner. Ako? ito pwedeng namomroblema pwede naman hindi. Kumbaga 50/50. Bahala na ang guyam samin.......
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx