payb

126 10 16
                                    

Lovely Point of View

Nakaupo lang ako ngayon dito. Hindi ko alam pero parang ayaw ko umalis ngayon sa pwesto ko. Hindi ko alam kung anong meron pero masama yung kutob ko kaya hindi ako aalis dito kahit anong mangayari.

"Hoy! Panget! Ano? Hindi ka lalabas? Ikaw lang mag-isa dyan sa room!" sabi ng mokong na si Zero.

"Ayoko umalis! Dito lang ako. Kung gusto mong lumabas, lumabas ka na! Bakit ba pinapakialaman mo pa pati buhay ko? Layas na! Chuupii!" pagpapataboy ko sa kaniya.

"Aish. Tumayo ka na at lumabas. Sige ka, may multo kang makikita dyan. Awooo~" pananakot niya pa sa akin.

"Nakakatakot na talaga ako -_-"

Mukha naman siyang nadisappoint. "Aish. Kawawa ka naman. Sige, hihintayin na lang kita lumabas." sabi niya ng nakangisi. Problema nito?

"Ms. Lim?" tawag sa akin ni Ms. Kim. Nilingon ko naman siya. "Pwede ka ba makausap?" sabi ni Ms.

Ayoko pa sanang tumayo pero wala eh. Si Ms. yan at mukhang importante.

"Good luck, Panget!" tawa pa ni Zero.

Habang naglalakad kami papuntang faculty, napag-usapan namin ni Miss yung tungkol lang naman sa in-assign sa akin na gawain. Sabi nga ni Zero, I'm just a nerd. Simpleng mag-aaral lang ako at hindi sumasali ng mga extra-curicular activities ng school. At as a running summa-cumlaude, I have to have those things to prove my position. And to satisfy, I have to tutor just a one student lang naman. Sana hindi siya pasaway dahil naku! Ayoko ng pinahihirapan.

"You will meet him, tomorrow at 1pm. See you at the faculty!" huling sabi ni ma'am bago ako tuluyang nagpaalam saka umalis.

Habang naglalakad na ako pabalik ng building namin, pansin ko yung kanina pang bulunga at titig ng mga tao. Yung iba nagtatawanan pa. Ano bang meron?

May lumapit naman sa akin na cute na babae. "Hey, sis. Merong red paint sa palda mo." bulong niya na nakapagpalaki agad ng mata ko. Sht.

Agad akong dumiretso sa banyo para makapagpalit. Leche! Wala naman akong period ngayon eh. Isa lang ang pwedeng gumawa sakin nito, si Zero.

Kanina ko pa kinukuskos itong palda ko pero away parin talaga matanggal ng red paint na nilagay ng unggoy na yun. Wala pa man din akong pamalit.

Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. "Ano bang ginawa ko sayo at pinapahirapan mo ko ng ganito, ha?!" sabi ko habang pilit na kinukusot parin yung palda ko habang umiiyak. Nawawalan na ko ng pag-asa. Paano na ako ngayon pupunta sa next subject ko? Wala na kong palda? May red paint na, basa pa.

Pakiramdam ko ayaw ko ng lumabas pa ng banyo. Dito na lang ako hanggang mag-uwian. Sobrang kahihiyan na yung kanina para lumabas pa ako at ipahiya yung sarili ko.

Nasa loob lang ako ng cubicle ng may magsampay ng katulad ng uniform naming palda sa pinto ng cubicle.

"Ate, may tao po dito." sabi ko. Baka kasi bigla na lang siya pumasok. Magpapalit yata ng palda eh.

Ilang minuto na pero walang sumagot. Binuksan ko ang pinto ng cubicle para makita ko kung may tao ba sa labas pero wala.

Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Hala. Ang creepy. Hindi kaya...may mumu? Huhuhu. Wag naman po sana.

Ilang minuto pa ay wala paring kumukuha ng palda. Isa ba itong blessings? Kung ganon, sa kung sino mang may ari ng paldang ito, patawarin mo sana ako pero kailangan ko siya ngayon. Hindi pwedeng absent ako sa exam.

Agad kong sinuot yung palda saka nagmadali ng lumabas ng c.r. Tumakbo na ako para makaabot pa ko sa next class ko. 15 minutes na lang kasi ang natitira.

"Oh, Ms. Lim? May bagyo ba sa labas?" biro ni Sir.

Alam ko sir, magulo ang buhok ko ngayon at mukha na akong sinabuntan ng isang libo siyam na raan anim na pu't walong unggoy.

"Sir, I'm sorry, I'm late."

'Sir, maawa ka please.. Alam ko namang papapasukin mo ko di ba? Di ba?' makikita mo palang sa mga mata ko na yan yung gusto kong sabihin. Maawa na yan..

"You only have 10 minutes to answer, Ms. Lim."

"Alam ko po, Sir. Please.. Pag-take-in nyo po ako." pagmamakaawa ko pa with puppy eyes.

"Okay, come in." sabi niya saka pumasok na agad sa loob. Una kong nakita si Zero. Sinamaan ko siya ng tingin. Sobrang sama na akala mo ay mapapatay ko na siya sa tingin.

'Makakabawi rin ako sayo. Humanda ka, hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sayo.'

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now