eyt

112 7 7
                                    

Lovely Point of View

"Bestfriend?" napatingin ako kay Eight na gulat na gulat. "Ikaw ba talaga 'yan?"

Nginitian ko siya. "Oo naman, bestfriend!"

Napatingin naman ako kay Four na cool na cool na nakataas ang paa sa gilid ng mesa habang nakapikit at nakaheadset. Spell cool at gwapo, F-O-U-R. sht. Anlapit ko sa kaniya. sht. Sht. Sht. Buti hindi niya ko nakita sa ginawa ko sa best friend niya. Hindi niya rin narinig yung maingay kong bibig. Huhu. Baka hindi pa kami nagiging friends man lang turn off na siya sakin. Wag naman po sana..

"Hoy!" bigla akong napalingon sa nang-'hoy'. Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko siya saka napahawak ng bibig. Sht. Si Kuya Ten nandito. Putek. Sa sobrang inis ko kay Zero nakalimutan kong tropa niya pala si Kuya. Lagot ako nito. Huhuhu.

"Hehe. Hello, Kuya? Ampogi mo ngayon ah. Sige, alis na ko." akmang aalis na ako ng hilahin ni Kuya yung tela ng uniform ko.

"Alam kong gwapo ako. Pero di mo ko madadala ng ganyan mo, my dear lil sis."

Nandito ako at nakaupo sa tambayan nila. Yes! Daming pagkain dito oh! Hahaha!

"Sabihin mo sa akin, anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko wag kang pupunta sa tambayan namin? Isa pa, bakit mo sinabak si Zero?"

"Eh kashi namarm, yung parda kow, niragyan nya ng kuray pura. *munch munch*"

"Ano?!"

Inubos ko muna yung pagkain ko saka uminom ng tubig. "Aish. Wala yun, Kuya! Hindi yun mahalaga."

"Tss. Siguraduhin mo lang. Ayokong mapapaaway ka."

"Ansakit kaya non." daing pa ni Zero na nilalagyan ng yelo yung pasa niya sa mukha. Haha! Buti nga sa kaniya.

"Lupet mo talaga, Bestfriend!" sabi ni Eight. "Lakas ng suntok mo kay Zero. Haha!"

"Baka naman kasi may ginawa ka kay Lovely, ha Zero? Lagot ka sakin kapag nalaman kong sinaktan mo tong kapatid ko!" Aww ang sweet ni Oppa.

"Wala nga yun, Kuya."

"Tss. Siguraduhin mo lang talaga, Lovely Lim."

"Teka nga pala, magkapatid ba talaga kayo? Bakit magkaiba kayo ng apelyido?" tanong ni Zero.

"Magkapatid lang kami sa Dad. Magkaiba kami ng Mom. Second family lang kami ni Dad." paliwanag ni Kuya.

"Eh paano kayo naging magbestfriend ni Eight?" tanong naman ni Six. Oo, kilala ko lahat yan. Tropa ng ng kuya ko di ba?

"Simple lang." sabi ko saka inakbayan si Eight. "Dahil magkasundo kami!" proud ko pang sabi.

"Tss. Sino ba yang maingay na yan?" nanlaki ang mata ko ng biglang magsalita si Four saka tunungin sa akin. Napakagat labi na lang ako. Sht. Kinikilig ako.

"Ahhh s-sige, a..alis na ko.. B-bye!" paalam ko saka takbo agad palabas ng Canteen.

Whew! Oxygen please! Oxygen please! I can't breath! Si Four! Tinignan ako ng malapitan! Sht! Di ko na keri to! "Kyaaaah!~"

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now