ten

102 7 13
                                    

Lovely Point of View

"Excuse me, Ma'am. Uhm, darating po ba talaga yung tuturuan ko?" tanong ko kay Ms. Kim saka tumingin sa wall clock. "20 minutes na po ang nakalipas."

Antagal naman kasi talaga nung taong kung sino man yung tuturuan ko. 1pm ang usapan pero anong oras na, wala parin. Pa-VIP lang ampeg? Suntukin ko siya.

"Haha. Naiinip ka na siguro, Ms. Lim." ay naku ma'am! kung alam mo lang. nagugutom na kaya ako. kanina pa kumukururok itong tyan ko sa gutom tapos wala pa yung itututor ko. Naku! Baka malamon ko siya ng buhay. Pasalamat siya, mahal ko grades ko. Hmp!

"Don't worry, dadating yun for sure." nakangiti niya pang sabi.

Bigla namang bumukas ang pinto ng faculty. "Oh, nandyan na pala eh." sabi pa ni ma'am. "At bakit ka naman na-late ha, Mr. Jeon?!

Napalunok ako sa narinig ko. Sht. Kinakabahan ako.

Malaman ko palang ang apelyido ng tuturuan ko, nangingilabot na agad ako.

Mr. Jeon?

Shocks. Lecheng buhay naman to! Of all the people, bakit siya pa? Kainis naman! Bwisit!

Nilingin ko ang kararating na si Zero. Umupo siya sa upuan sa harap ko. Sht. Confirmed na to! Siya nga. Siya yung itu-tutor ko! Buset!

"At ano yang pasa mo sa mukha? Nakipagbugbugan ka na naman ba? Naku! Napaka-bad boy mo talagang bata ka." nag-aalala pang sabi ni Miss Kim.

"Tss." sambit lang ni Zero. Wow! ang galang niya ah. Pagkarating wala man lang, 'good afternoon?' tinatanong 'tss' lang sagot. turuan ko kaya siyang rumispeto!

"So, Lovely. I know, you already know, Zero." syempre naman ma'am. Yang mukhang unggoy na yan hindi ko nakikilala?

"Uhm, yes ma'am. I already know him. Classmate ko po siya." at number one hate! Err.

"Nice, so hindi ka na mahihirapan mag-adjust sa kaniya. Pagpasensyahan mo na lang yung ugali ng batang yan, may pagkapilyo at pilosopo talaga yan eh. Pero mabait yan." natatawa pang sabi ni Miss Kim. Grabe! Kung i-describe niya si Zero parang sobrang kilala na niya.

"Alam ko po, ma'am." tinignan ko si Zero na mukhang badtrip saka nagsmirk ako sa kaniya.

Haha! Akala mo ha! Dito, makakaganti na ko sayo. Papahirapan kita! Ako ang magiging boss mo at susunod ka sa mga ipag-uutos ko! Hahahaha!

"Tss. May binabalak kang masama 'no?" usisa niya na nginisian ko lang. Haha! Bakit, takot ka na ba Zero? XD

"Sige po, Miss. Ako na pong bahala kay Zero. Maaasahan nyo po ako, promise!" masigla kong sabi saka tinaas pa ang kanang kamay ng nakangiti.

"Yan ang gusto ko sayo eh." aniya ng nakangiti. "Kaya gustong-gusto kita eh para.."

Hmmm? Anong para?

"Tss. Parang gusto ko ng umuwi." sambit ni Zero saka naglakad na palabas ng faculty. Bastos talaga! Hindi muna nag-bye kay Miss Kim.

"Gusto kita para kay Zero." nakangiti niyang sabi.

Ano daw? Teka? Ulitin nga natin. Gusto niya daw ako para kay Zero?

Loading...

Loading...

Loading...

Processing...

Done---Waah! Ano bang pinagsasabi nitong si Ma'am?! Nakakakaba ah. Nakakakilabot at the same time.

"HAHAHA! Si ma'am talaga. Napakapalabiro. HAHA!"

"Hindi naman ako nagbibiro ah, gusto kita para sa anak ko."

"Ay naku man. Alam ko pong maganda ako pero---what?! Anak nyo po si Zero?!" hindi ako makapaniwala. Sa batang itsura nyan ni Miss Kim may anak na na 19 years old? Jinjja?!

"Anak ko si Zero. Anak siya ng asawa ko kaya anak ko na rin siya. Stepmom niya lang ako."

Napangiti ako sa mga nalaman ko pero bigla na lang nawala ng may marealize ako.

"Ayaw po ba sa inyo ni, Zero?" tanong ko pa. "Sorry po sa tanong. Kasi po kanina."

Nginitian niya ko. "No, It's okay. Alam mo nga natutuwa ako sayong bata ka. Mabuti ka pa at nakakausap ng matino. Hindi kasi ako kinakausap ni Zero eh." makungkot na yung tono ngayon ni Ma'am.

"I'm sorry po.. Hayaan nyo po, gagawa ako ng paraan para maging close po kayo."

"Salamat, Lovely. Sige na, baka nagugutom ka na. Umuwi ka na muna at mag-lunch. Pag-usapan niyo na lang ni Zero ang schedule ng tutorial session niyo, okay?"

"Okay po!" sabi ko saka tumayo na at lumapit sa pinto. "Bye, Miss Kim!" paalan ko pa.

"Tita Kim na lang." nakangiti niyang sabi. "Ingat ka."

Ambait ni Miss---ay ni Tita Kim pala. Haha! Para siyang si mama. Maganda na, mabait pa. Saan ka pa di ba?

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now