Four Point of View
"Sus! Hindi mo na makikita yung si crush na sinasabi mo. Hindi mo nga yun kilala eh." sigaw ni Zero mula sa loob ng bahay nila. Nasa garden kasi ako ngayon kaya para magkarinigan kami, sigawan na lang. Buti nga wala si ate Kristine kundi ay kanina pa non pinitik na ang bibig ni Zero sa kaingayan nito. Baka madamay pa ako at mapitik rin. Pero dahil wala siya, okay lang. May date na naman siguro yun kasama si Third. Hahaha!
"Edi shing! Paano kapag nakita ko siya ulit?"
"Edi ligawan mo!"
"Talaga! Sinabi mo yan ah! Haha!"
Napalingon ako sa gate nina Zero nang makarinig ako ng doorbell.
"Pakibukas naman ng gate, bro!" sigaw ni Zero. Tumayo naman ako dahil alam kong nagpapapogi pa yung lalaking yun dahil dadating ang crush niya.
Binuksan ko ang gate at bumungad agad sa akin ang mukha niya. Ni Miss crush. Yung kinukwento ko kay Zero noong matapos niyang humingi ng tulong sa akin kay Lovely na ngayon ay hindi na niya ako kailangan dahil bati na sila. At akalain mong si Lovely pala at crush ay iisa?
"F-four?" takha niyang sambit sa pangalan ko ng makita ako.
Kilala niya pala ako? Ay, malamang famous ka! Isip din, Four! Bobo eh!
"Hi." bati ko sa kaniya. First time ko siyang makita ng malapitan at ang ganda ganda niya talaga.
"H-hello. N-nandyan ba si Zero?" mahiyain yata siya.
"Oo, pasok ka." sabi ko't pinapasok na siya. "Upo ka muna."
"T-thanks." nakangiti niya pang sabi. Bagay talaga sa kaniya ang nakangiti.
Una kong kita sa kaniya ay sa may simbahan. Nakita ko siyang nilapitan yung batang lalaki sa gilid saka may sinabi siya rito na inilingan naman ng bata. Maya-maya ay binuklat niya ang plastic na dala niya at nakangiting inabutan niya ito ng binili niyang burger saka tubig. Nginitian naman siya ng bata at nagpasalamat. May sinabi rin siya sa bata na tinanguan nito bago umalis.
Noon pa lang ay naantig na ang damdamin ko sa kaniya. Ang bait bait niya kasi na parang mahuhulog ka na lang bigla sa kaniya dahil sa kabaitan ng puso niya. Simula ng araw na yun, crush na ang tawag ko sa kaniya at minsan naikukwento ko siya kay Zero.
Ang pinagtatakha ko lang ay kung bakit siya nakasuot ng salamin? Tska, parang kamukha niya yata yung kapatid ni Ten?
"Oh, panget! Nakarating ka! Nice naman! Bati na talaga tayo." bati agad ni Zero pagkalabas niya. Hindi naman siya kinibo ni crush. "Wow! Tatlong araw lang tayong hindi nag-uusap tapos ganyan ka na." hindi parin siya kumikibo. "Snobber ka na ah?"
Ang kulit talaga ni Zero. Pag nainis si crush sa kaniya. Naku!
"Aish. Panget na nga, isnabera pa. Hindi bagay."
Bakit ang bully niya kay crush? Siraulo talaga to si Zero. "Hoy! Tama na yan. Bullu ka talaga, Zero. Kapag nainis yang si cr-- si Lovely, naku!"
Aish. Muntik na ako don ah. Ayoko malaman ni Zero na si crush si Lovely. Ayokong mag-away kami. Itatago ko na lang to.
"Tsk! Matakot ako dyan!" sabi pa ng loko. Bigla namang nagtaka ang itsura niya ng hindi parin ito kumibo kaya lumapit siya dito. Specifically sa mukha nito. Nanlaki naman ang mata ni Lovely. Kahit ako rin eh. Ano bang balak niyang gawin? Aish.
"Hoy! Lumayo ka nga!" sambit agad ni Lovely. Natawa naman si Zero. "Subukan mo lang ulitin, lagot ka sakin!"
"Joke lang. Sinusubukan ko lang naman kung may epekto eh. And I'm glad to say na meron nga. Hahaha!"
Hindi ko sila maiintindihan. -__-
"Che!" at inirapan lang siya ni Lovely which I found cute at her.
Habang nag-sstudy sila. Palagi kong napapansin ang biruan nila. Pero medyo tahimik pala siya. Pero kapag napikon, gumaganti rin ng asar. I really found her cute. Pero hindi talaga yata pwede. Gusto siya ni Zero. Bestfriend ko siya at maswerte siya dahil malapit ang loob ni Lovely sa kaniya. Mas may pag-asa pa sila kaysa sa akin. Hindi naman kami close. Bakit kasi mas nauna siyang nakilala ni Zero. Sana hindi pala ako gaanong nag-aral ng mabuti baka naging tutor ko pa siya. Pero wala eh, nandyan na yan. Mas nauna si Zero kaya kahit masakit ng kaunti, susuportahan ko na lang si Zero para kay Lovely.
YOU ARE READING
Opposite Attracts
Short Story[ chat series #2 ] A story of how opposite things do really attracts. A story of hate that turns into love.