twentii por

86 5 24
                                    

06:47am

Lovely: sorry nakatulog ako bigla habang gumagawa ng project kaya di ako nakapagreply kagabi eh.

Zero: ayos lang. ano? hindi ka ba mukhang zombie mamaya kapag nagdate tayo? XD

Zero: baka mamaya akalain ng nga tao, ikaw yung babae na unang naging zombie sa Train to Busan. Yung pumasok sa train na nanghawa ng pagka-zombie? Hahaha!

Lovely: leche! hindi ko kaya kamukha yun. hindi naman ako mukhang zombie eh. Sa ganda kong 'to?

Zero: yabang natin ah. porke sinabi ko na ano.. HAHA!

Lovely: i'm just stating the fact.

Zero: sus. gumaya ka lang sa akin eh. walang originality.

Lovely: kainis ka kasi eh! lakas ng virus mo kung makahawa!

Zero: HAHA!

seen 06:55am

Lovely: and, speaking about what you have said yesterday evening.. pumayag ba ako?

Zero: papayag ka naman eh. hindi ka pwedeng tumanggi.

Lovely: tss. ayoko.

Zero: kakasabi ko lang na bawal tumanggi eh.

Lovely: eh! basta ayoko ng date. iba na lang ipagawa mo!

Zero: wala ka ng magagawa. kanina pa ako nandito sa labas sa tapat ng bahay niyo.

Lovely: hala?

Lovely: weh?

Lovely: di nga?

Zero: sige, silipin mo.

seen 07:03am

---

Lovely Point of View

Hinawi ko ang kurtina ng bintana nitong kwarto ko. Nakita ko agad si Zero na nakangiti ng nakakaloko. Leche! Aga naman nito. Wala na talaga akong kawala.

"Anak! May naghahanap sayo!" sigaw ni Mama.

Hala. Hindi pa ako nakakapaghanda. Ngayon ko nga lang nabasa 'yong chat text niya kagabi eh. Ano naman ang isusuot ko? Anong itatali ko?

Ay hala. Bakit ko ba pinoproblema yun? Si Zero lang naman yan eh. Aish. Pero kailangan maging desente tignan. First date ko kaya ito? Teka? Seryoso ba siya sa date thingy na 'to? Aish. Kainis naman oh! Bakit ba kasi kailangan ko pa mamroblema ng mga ganitong bagay? Wala naman akong alam dito. Magtrigo at calculus na lang kaya ako? Ay wag na. Mas madali pa ata to XD

"Anak!" tawag pa niya.

"Opo, ma! Papasukin nyo na lang po. Sandali na lang at baba na rin po ako." sigaw ko.

Nagsuot na lang ako ng pants at color blue na damit tapos white na doll shoes pagkatapos non ay bumaba na rin ako. Naabutan ko naman si Zero na nakaupo lang sa salas.

"Oh, ba't nandito ka? Aga-aga eh." bungad ko.

"Eh bakit nakabihis ka na? Ang aga-aga pa."

"Uhm.." oo nga ano? hala. isip na ng palusot, Lovely. aish. Wala akong maisip. Bahala na! "Paki mo ba, ha!"

Natawa naman siya sa akin kahit wala namang nakakatawa. Baliw na talaga ito eh 'no?

"Ang simple." bigla niyang sabi habang nakatingin sa postura ko. "Pero maganda."

Sinamaan ko siya ng tingin na pinagtakhan niya naman. "Inaasar mo na naman ako eh. Alam mo, sanay na ako na sinasabihan mo ng panget kaya 'wag ka na mag-alala, hindi na ako masasaktan. Tsaka," pagkatapos ay taas noo akong nagsalita. "Alam ko sa sarili ko na maganda ako. Sira lang talaga 'yang paningin mo, hmp!" sabi ko saka taray dito.

"Anak," biglang singit ni mama. "Wag ka naman masyadong mataray. Baka ma-turn off si pogi niyan." natatawa niya pang sabi.

Turn off?

Bigla akong napatingin kay Zero.

Tss. As if na may gusto 'yan sakin? Eh sa paningin niyan ang panget ko. Palagi pa akong inaasar. Kaya lang naman siguro ako inaya nito sa date kuno dahil trip niya. Alam ko 'yon, di man niya sabihin. O baka nga balak pa 'yan na pambubully sakin eh. Hindi ko lang alam. Si Zero pa ba?

"Ma, anong pinagsasabi mo? Anong turn-off turn-off? Bakit, crush ba ako niyan? Tss. Yuck po! Eew lang."

Natawa naman si mama. "Alam mo anak, sa ganyang set up nagkatuluyan ang lolo't lola mo." natatawa niya pang sabi. Natawa na lang din si Zero sa mga pinagsasabi niya. Dami pong alam. Tss.

"Teka Zero hijo, saan ba ang lakad niyo nitong unica hija ko?" tanong ni mama sa kaniya na pinagtakhan ko.

"Kilala mo po si Zero?"

"Aba'y oo naman. Kaibigan 'yan ng kuya mo atsaka hindi ba siya 'yong sinasabi mong tinu-tutor mo?"

"Nagkita na po ba kayo dati?"

"Oo naman, pasaway 'yang batang iyan eh. Kasama ng kuya mo ma-dicipline office noong nasa junior high school pa lang kayo. Hindi mo alam iyon, ano?"

Umiling agad ako. Nasa probinsya ako nag-aral noong high school ako eh. "Hindi nga po." sagot ko pa.

"Pero naniniwala ako na nagbago na iyang si Zero. Mabait na bata naman iyan eh. Makulit lang talaga."

"Eherm. Mabait. Eherm." bigla kong react. "Makulit nga po talaga 'yan eh."

"Wag ka ngang epal dyan, ayaw mo pang maniwala eh. Mama mo na nagsabi."

"And so?" pagtataray ko pa saka irap. "Kita mo 'yon, ma? Mabait ba iyon?"

"Anak, wag ka maniwala sa first impression last. Kilalanin mo si Zero, mapang-asar lang talaga iyan pero mabait na bata iyan." sabi pa niya na akala mo ay proud pa kay Zero. "Kaya kung maging kayo, ayos lang sa akin. Hihi." she winked at me and then she giggled. Anong klase bang mama ang meron ako? Pareho kaming sabog. Pero ibang usapan ito. Si Zero at..ako? Haha! Katawa.

"Mama! Hindi pwede alam mo 'yan." singit ko.

Alam niya naman kasi na si Four ang crush ko tapos binubugaw ako kay Zero.

"Ay naku. Bahala ka anak. Basta kung saan ka sasaya, susuportahan na lang kita." nginitian ko na lang si mama. aww. ka-touch! That's my mom!

Si Zero naman di maka-relate kaya ayun, nakatingin lang sa amin ni mama ng kunot-noo. Naku, na-OPo na! Hahaha! Kaya ayan, tumayo na. "Uhm, excuse me po tita. Nga po pala, payag naman po kayo na i-date ko po ang anak ninyo, hindi po ba?"

Nakangiti namang tumango si mama. "Basta, ingatan mo 'yang anak ko, ha? Pinagkakatiwala ko na iyan sayo."

"Mama talaga. Parang pinapamigay mo na ako niyan eh." nakanguso ko pang sabi na ikinatawa niya kaya pinisil niya ang nagkabila kong pisngi.

"Ang cute cute talaga ng baby girl ko!" nanggigigil niya pang sabi kaya lalo tuloy akong ngunuso na ikinatawa na naman niya. "Hala, tama na ang arte at lumarga na. Mag-iingat, ha?" paalala niya pa.

"Thank you po, Tita." sambit ni Zero saka tumingin sa akin. "Tara na." aya niya pa saka kami lumabas ng bahay.

Habang naglalakad kami napahinto ako sa paglalakad. "Oh? Bakit ka huminto?" tanong niya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Nginitian niya naman ako ng nakakaloko. "Basta!" aniya saka hinila na ako sa kunsaan.

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now