twentii payb

95 6 20
                                    

Zero Point of View

"Restaurant?!" angal niya. "Bakit dito?!"

Tignan ko naman siya na nililibot ang mata sa restaurant. Nangiti na lang ako bigla. "Bakit? Ayaw mo ba dito?" tanong ko.

"Hindi naman." sagot niya.

"Oh, anong problema?"

"Eh kasi..." alangan niyang sagot. "Hindi ako sanay kumain dito eh."

"Aish. Saang planeta ka ba galing?" pang-asar ko para mag-react siya.

"Sa planeta ni Kim Taehyung." ngiting-ngiti niya pang sabi na akala mo'y sobrang proud pa sa pagsabi non.

"At sino naman 'yang Taehyung na 'yan? Alien ba 'yan?"

"Si Kim Taehyung ay isang gwapong alien na nakatira sa planetang PUSO NI LOVELY LIM. Ipinangalan niya ang planetang iyon dahil sa dyosa at pinakamamahal niyang asawa na si Lovely. Ngayon, alam mo na?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Gawa wento." komento ko pa.

"Paki mo ba? Hmp!" sabi niya sabay irap.

"May paki ako kasi nagseselos ako." diretsong sabi ko.

Oo, totoong nagseselos ako. Pero hindi naman siya maniniwala eh. Ang alam lang niya ay binibiro ko siya. Kaya ayos lang. Hindi niya naman malalaman.

"Hahaha! Kulit mo nun! Selos-selos. Parang sira!" natataranta niyang sabi na animo'y hindi mapakali. Hindi ko alam kung nahahalata na ba niya at umaarte lang siya o walang ibig sabihin iyong mga inaakto niya. Ganyan naman kasi siya minsan eh. Hindi ko maintindihan pero ang cute niya.

"Crush nga kasi kita." sabi ko pa para subukan kung anong magiging reaksyon niya kapag sinabi ko 'yon.

"Haha! Sabi ko na eh! Crush mo ako! Ganda ko talaga. Hahaha!"

Napangiti na lang ako nang mapansin ko na parang may nagbago sa kaniya.

Dati, si Lovely Lim ay isa lamang simpleng estudyante sa school. Nerd at loner. Hilig lang ay ang mag-aral at walang paki sa paligid sa mundo niya. Tahimik at kung kukulitin mo ay tatarayan ka lang.

Pero ngayon, nakikipag-asaran na siya at ngumingiti.

"Oh, ngiti ngiti ka pa dyan. Inlove ka na talaga siguro sa akin ano?" biro niya pa saka tawa.

"Paano kung sabihin kong, oo? Maniniwala ka ba?" hinaluan ko ng seryosong tono ang sinabi ko. Sinusubukan ko pero seryoso naman ako sa sinabi ko.

Ilang segundo pa yata siyang nag-loading. Napaka-slow din minsan nito.

Maya-maya ay inilabas na niya ang tawa na sa palagay ko ay kanina pa niya pinipigil.

Sabi ko na nga ba at hindi 'to maniniwala eh.

"Pfft. Patawa! Hahaha! Infairness ah. Mabenta! Kasi, pfft. Muntik na akong maniwala. Hahaha!"

"Edi dapat naniwala ka na lang."

Bigla naman siyang natigilan. "B-bakit? S-seryoso ka ba, talaga, sa.. s-sinabi mo?"

Sumiseryoso na ang itsura niya at halata mo na ang pagtataka sa mukha niya. Nagulat yata siya.

Bigla akong tumawa para isipin niyang nagbibiro lang ako. "Hahaha! Nakakatawa ka! Naniwala ka naman! Siyempre joke lang 'yon! Utu-uto ka talaga, ugly. Hahaha!"

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "LOVELY, HINDI UGLY." natawa na naman ako sa asar niyang mukha. Bigla niya naman akong hinampas ng mahina sa braso ko. "Siraulo ka! Bakit ba ang lakas ng trip mo sakin? Hindi na nakakatuwa ah."

"Bakit? Naniwala ka ba? Ikaw siguro yung may gusto sakin noh? Sabi ma nga ba eh!" sabi ko pa sabay tawa para hindi halata na seryoso ako sa tanong ko.

"Hindi, 'no! Akala mo lang yun! Hindi kaya ikaw ang crush ko! Asa ka naman! Hindi ikaw ang type ko."

Kada maririnig ko yun sa kaniya, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Alam mo yung tipong, parang pinapamukha niya sayo na iba yung gusto niya.

Na-curious tuloy ako bigla sa sinabi niya. Parang nangangati na iyong dila ko na magtanong. Kung sino ba iyong taong gusto niya. Kung nakahihigit ba talaga sa akin ang standards niya at gusto siya ni Lovely.

Nilakasan ko ang loob ko na itanong sa kaniya iyon. "Ahh.. Kung ganon, eh sino pala?"

Tinitigan ko ng mabuti ang reaksyon niya nang banggitin ko ang crush niya. Para siyang nasa ibang mundo na ngingiti-ngiti habang iniimagine ang mukha ng crush niya kuno.

Nakakacuroius na nakakaselos.

"Ang panget mo." asar ko para tumigil na siya. Effective naman dahil bigla siyang napatingin sa akin ng may matalas na tingin.

"Aish. Kainis ka! Nagde-day dream pa ako eh! Hmp!"

"Paki ko?" inis kong sabi. Ewan ko, bigla na lang ako nainis.

"Galit ka na niyan?"

"Tss. Paki mo ba?" pagsusungit ko pa.

"Aish. Sungit. Kala mo naman ang gwapo."

Hindi ko alam pero bigla na lang nawala iyong inis ko nang asarin niya ako. Siguro natuwa lang ako na binigyan niya ako ng pansin. "Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko nga na wala kang paki eh." sabi niya saka naglakad na. Bigla naman siyang huminto ng maramdaman niya na hindi ako sumusunod sa kaniya. Humarap siya. "Ano, dyan ka na lang?" hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Napakamot naman siya ng ulo niya saka huminga ng malalim pagkatapos ay nilapitan ako saka hinawakan sa wrist. Para naman akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ng hawakan niya ako. Hinila niya ako pero nagmatigas ako. "Huy! Ano? Pabebe ka pa?"

"Eh..pilitin mo muna ako.." pinigilan kong mangiti sa inakto ko. Para akong tanga dito sa ginagawa ko pero kapag kasama ko si Lovely para akong nababaliw at nagagawa ko ang mga ganitong bagay.

"Aish. Pabebe. Ang bakla mo!"

Bigla naman akong napabitaw sa hawak niya. "Anong bakla?! Hindi ako bakla!"

Natawa siya. "Uuyy! Defensive. Totoo ba? Sige na.. Sabihin mo na.. Hindi naman kita lalayuan kapag inamin mong beki ka eh. Hahahaha!"

Lumapit ako sa kaniya. Sa mukha niya to be specific. Halata mo naman ang gulat sa mukha niya. Napalunok pa siya. "Hoy! A-anong ginagawa mo? L-lumayo ka nga."

Imbes na lumayo ay lumapit pa ako sa kaniya. Habang patuloy akong lumalapit sa kaniya, patuloy rin ang pag-urong niya. Hanggang sa bigla siyang napatingin sa likod niya ng maramdaman niyang nabangga na siya at wala na siyang mapupuntahan.

Pagkaharap niya ay kulang na lang mapasigaw siya sa gulat. Napapikit pa siya dahil sa sobrang lapit ng mukha ko. Ang cute niya.

Humakbang pa ako ng isa para wala na siyang kawala. Napasandal na siya sa van.

Corner ka na.

Bigla kong inilapat ang kamay ko sa van para wala na talaga siyang kawala at corner na corner na siya.

"Z-zero..sorry na..p-promise..hindi ko na uulitin. Hindi ka na beki o kaya pabebe. Please.. Tumigil ka na.." naiiyak niya pang bulong pero naririnig ko iyon dahil nga sa lapit namin sa isa't-isa.

Nakakatuwa siya.

Napasmirk na lang ako. "Naalala mo pa ba yung sinabi ko dati? About punishment?" sabi ko saka tingin sa labi niyang maliit at mamula-mula.

"W-wala..a-akong, m-maalala."

"Liar." nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kaniya kaya naman napapikit siya. "And from that, you will be punished." bulong ko pa sa tainga niya saka dahan dahang humarap sa mukha niya. Napatingin ako sa labi niya saka ito hinalikan. I felt her sweet soft lips since I kissed her so I close my eyes to feel the moment. Bumilis ang tibok ng puso na akala mo'y nakikipagkarera sa sobrang bilis na pakiramdam ko ay sasabog na.

I think, I really do like you, Lovely.

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now