Lovely Point of View
Nagpalate ako ng pasok ngayon. Lagot kasi agad ako kapag maaga ako pumasok. Buti nga lang at nakaabot ako ng pasok at hindi nasarhan ng gate.
Aish. Kasi naman eh. Parang ang seryoso niya sa sinabi niyang punishment sa pagtawag ko sa kaniya ng bakla. Kinabahan tuloy ako bigla. Ano ba yan! Huhuhu.
"Good morning, Mr. Shin!" bati ko sa prof. namin. Tinignan niya naman ako.
"Oh, Ms. Lim? Maayos naman ang weather natin ngayon pero yang itsura mo, mukha na namang binagyo ha?" pagkasabi non ni Sir nagtawanan ang klase pero si Zero mukhang seryoso. Naku! Nag-iisip na ba siya ng punishment. Eotteokhae!
"Ano naman ang dahilan mo at late ka ngayon?" tanong pa niya.
"Ahh ano po kasi Sir.." putek. Hindi nga ako magaling sa pagsisinungaling eh. Utu-uto lang naniniwala sakin. Huhuhu.
"Ano, Ms. Lim? Yung totoo lang."
Napatingin ako kay Zero na nakatingin rin sakin tapos nakasmirk. Napakagat-labi na lang ako sa sobeang inis saka huminga ng malalim. "Nagreview po ako para sa tutorial session mamayang hapon."
"Liar." napatingin ako kay Zero. Hindi naman siya sumigaw. Nagkataong tahimik lang ang klase at malakas ang boses niya.
Aish. Kainis tong bugok na to ah. Binubuking ako! Leche!
"Ooh! Liar daw!" sigaw ng mga classmates ko kaya napatingin sa kaniya si Sir.
"Yes, Mr. Jeon?" ani Sir.
"Alam ko po ang dahilan kung bakit siya na-late." sambit ni Zero. Aish. Bwisit talaga ng lalaking to eh. Yari talaga to sakin mamaya eh.
"Tinataguan niya po kasi ako dahil may kasalanan siya sa akin kaya nagpa-late siya."
"Hindi po 'yan totoo, Sir!" sigaw ko agad. Omo! Dapat pala shut up lang ako pesteng bibig na to eh. Huhuhu.
"May crush po kasi siya sakin."
"Woah!" react agad nila.
"Kaya naman pala.. Crush pala ni Lovely si Zero eh! Hahaha!" sabi pa nila.
Aish. Lecheng itlog na ginamit sa flan naman to! Ano bang sinasabi niya? Tska, grabe lang ah. Basta talaga ganito kahit gaano ka pa kalayo nagpapanting agad yung nga tainga ng mga kaklase mo. Tss. Kainis!
"Dream on, girl. Di kayo bagay. Tss." mahinang sabi ng nasa harap lang kaya narinig ko siya.
Napalunok ako. "Ehem." react ko. "Excuse me lang ah?" mataray ko pang sabi. "Para sabihin ko sa inyo, hindi ko crush 'yang mokong na 'yan! Never! Tss."
"Ahh hindi mo ko crush kasi gusto mo na ko?" maloko niya pang sabi. Aba? Sumusobra na to ah.
"Yown naman pala eh! Gusto na! Hahaha!" mga kaklase mo nga naman. Tss.
"You b*tch." bulong ng babae. Kainis to ah. Inaano ko ba siya?
Napapikit na lang ako saka huminga ng malalim. Ito na ba yung punishment ng itlog na yun? Badtrip ah. Anyway, effective siya. Kasi naiinis na ko sa mga kalokohan at kasinungalingan niya.
"Alam niyo, hindi ko nagugustuhan 'yang lalaking 'yan. Una sa lahat, hindi ako pumapatol sa mga kagaya niyang nakakainis na tao. Pangalawa, sinungaling. At huli. Ayoko talaga sa kaniya. Kaya pwede, shut up na lang kayo? Kasi nakakainis na makarinig ng nga ganyang reactions. Nakakairita!" sabi ko saka padabog na umupo. Nakakainis naman kasi eh!
"Choosy pa! Baka si Zero 'yan?" sigaw pa ng iba. Ano ngayon kung si Zero siya? Tss. Edi kanila na lang Zero nila. Eh sa hindi ko siya gusto eh.
"Okay, tama na 'yang asaran na 'yan. Nagkakapikunan na kayo eh. Nagkakasakitan na kayo sa mga salita. Tama na 'yan." pagpapatahimik ni Sir.
Matapos yun, nanahimik naman ang klase. Naging madalas yung pagtingin ko kay Zero. Siguro bigla lang ako nanibago dahil matapos yun hanggang uwian ay hindi niya ako inasar. Tahimik lang siya.
Hala? Baka na-offend siya sa sinabi ko?
Aish. Kaaway ko si Zero di ba? Pero bakit parang nakakaramdam ako ng guilt?
YOU ARE READING
Opposite Attracts
Short Story[ chat series #2 ] A story of how opposite things do really attracts. A story of hate that turns into love.