twentii tuu

77 6 7
                                    

Lovely Point of View

Naglalakad ako ngayon pauwi. Ako na yata ang pinaka-late na estudyante na uuwi. Yung mga teachers nasa loob pa. May mga sasakyang kotse at motor naman yung mga yun eh. Ako? Wala ng tricycle pauwi kaya no choice ako kundi ang maglakad.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay may sumusunod at nagmamasid sa akin sa likod kaya pasimple ko yung tinignan. Sht. Nakita ko yung dinukot niya sa gilid niya. May dala siyang kutsilyo. Sht. Anong gagawin ko? Kinakabahan ako.

Binilisan ko lalo ang lakad ko at pakiramdam ko bumilis na rin ang paglakad niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo na ako. Tumakbo ako ng tumakbo sa abot ng makakaya ko. Feeling ko ambilis na rin ng takbo niya. Sht. Ako talaga target niya?! Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko na mas lalo pang pinabilis dahil sa mga nangyayari.

Maya-maya may nabangga ako sa may tapat ng eskinita sa kanto at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin sa dilim.

Jusko, ano ba to? Bakit parang andami naman yata nila? Tska bakit ako pa natripan nila? Ayoko pa po mamatay. Gusto ko pa pong mabuhay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Huhu.

Pinilit kong sumigaw at pumalag pero anlakas talaga niya at tinakpan niya pa ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya at ang kaliwa naman ay sa kamay ko.

"Shhhh.." sabi pa niya kaya napalunok ako sa kaba. Parang ayoko huminga. Sht. Natatakot na ko. "Wag ka maingay baka marinig niya tayo." nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang boses niya.

Kilala ko to!

"Zero.."

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now