07:36pm
Zero: bakit hindi mo parin ako pinapansin kanina sa school?
seen 07:37pm
Zero: seenzone na nga ako sa chat eh.
seen 07:38pm
Zero: hindi ka rin pumunta sa bahay para sa tutor session.
seen 07:39pm
Zero: Love, lets fix this. i don't want us to have conflict.
07:41pm
Zero: please.. Love, lets talk.
07:45pm
---
Lovely Point of View
Gusto kong iwasan si Zero. Naiilang kasi ako sa kaniya. Ikaw ba naman ang halikan, first kiss mo pa? Hindi ka ba magugulat o mako-confused?
Maraming tumatakbong kung anu-ano sa isip ko. Pero ayoko maniwala kasi baka mali naman ako.
Hindi ka niya gusto, Lovely. Trip ka lang talaga niya at wala lang siyang nagawa kaya kiss ang naisip niyang i-punishment, okay? Wala meaning 'yon. Wala siyang gusto sayo at never siyang magkakagusto sayo. At ganun ka rin sa kaniya.
Tama,
So bakit ko ba siya iniiwasan? Bakit naiilang ako sa kaniya? Wala naman akong gusto sa kaniya?
Si Four lang ang gusto ko.
Hay, kailangan ko siyang kausapin kahit hindi ko alam kung kaya ko ba humurap sa kaniya.
Pero, ayoko naman na iwasan niya ako at iwasan ko siya. Naging close na rin kami at baka sabihin niya pa na may gusto ako sa kaniya kaya ako umiiwas.
No!
Basta bukas talaga kakausapin ko na siya para naayos na ito. Nakakaabala pa sa grades at scholarship ko dahil walang tutor session. Hay..
Para sa pag-aaral, Lovely! Konting-tiis na lang. Matatapos na rin ito. Sa susunod, hindi mo na kailangan pang makasalamuha si Zero. Babalik ka na sa tahimik mong buhay sa school. Okay? Kaya mo 'yan!
YOU ARE READING
Opposite Attracts
Historia Corta[ chat series #2 ] A story of how opposite things do really attracts. A story of hate that turns into love.