portiin

105 7 24
                                    

Lovely Point of View

Nandito kami ngayon sa Park. Kagagaling lang namin sa Goldilocks. Bumili ng cake. Yayamanin tong lalaking to eh. Goldilocks pa ang nais.

"Hindi ba magagalit sila dahil umalis ka sa bahay niyo? Birthday mo pa naman?"

"Hindi yan. Marami pang time para magkita kami mamaya. Tayo ngayon lang pwede." Pinaglagyan niya ko ng cake sa isang disposable spoon na binili niya. "Tikman mo." sabi niya saka tapat non sakin.

Agad ko namang inagaw yun. "Tss. Akin na, hindi na ko baby para subuan pa." sabi ko saka sinubo yun.

"Masarap ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman!"

"Eh ito," sabi pa niya saka nakaramdaman ako ng irita sa balat ko. Aish. Nilagyan ako ng icing mokong. Kainis to ah.

"Hoy! Epal ka ah!"

Bigla naman siyang tumayo saka binelatan ako. "Bleeh!" saka tumakbo palayo.

Aba? Teka? Nagpapahabol pa ang loko ha. Tsk. Akala niya yata hindi ko siya maaabutan. Mabilis kaya ako tumakbo. Hmp! Akala niya ha!

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka hinabol siya. Wooh! Infairness! Anbilis tumakbo ng loko! Pero Lovely, think positive! Mahahabol mo yang unggoy na yan! Tiwala lang.

"Aha! Huli ka!" sambit ko ng mahuli ko siya. Sakto namang humarap siya kaya napaatras ako dahil baka magkiss kami sa sobrang lapit ng mukha namin. At kapag minamalas ka nga naman, na-out of balance pa ko. Ayan, natumbahan ko siya. Nakapwesto ako ngayon sa ibabaw niya. Siya naman ay nakaunan lang sa braso niya.

"Ang saya." sambit niya.

Agad naman akong tumayo ng malaman kong nakayakap pala ako sa kaniya. Sht. Nakakainis naman! Ang careless ko! Badtrip.

Tapos siya tatawa-tawa lang? Sipain ko siya dyan eh. Pasalamat talaga siya at birthday niya kaya palalampasin ko muna to. Naku! Bukas talaga ako na ang boss! Kainis siya.

Inabot kami ng mga 5:30pm dito sa Park. Pasaway talaga tong lalaking to eh. Wala na yatang balak umuwi.

Nandito lang kami. Siya nakahiga sa damuhan. Ako, nakaupo sa gilid niya.

"Ano? Wala ka na bang balak umuwi?" tanong ko.

"Kung pwede lang sana." sambit niya.

Binatukan ko nga. "Tanga! Bawal tumira dito. Gusto mo bang mahuli ng mga pulis? Tska, ang ganda ganda ng bahay niyo eh."

"Ayos lang. Basta kasama kita."

Napataas naman ang kilay ko sa sagot niya. "Alam mo, ang weird mo minsan. Ikaw ba alam kung anong konek niyan sa sinabi ko."

Huminga siya ng malalim saka umayos para umupo. "Alam mo, gustong-gusto ko panoorin ang sunset." sambit niya saka hinila ako patayo.

"Oy! Teka? Saan tayo pupunta?" tanong ko naman.

"Secret." sagot niya saka kumindat. Tss. Dami alam.

Tumakbo lang kami ng tumakbo. Noong una ay wala akong ideya kung saan ba ko dadalhin ng mokong na to. Pero nang matanaw ko ang bay at ang napakagandang paglubog ng araw, namangha akong sobra.

"Wow.. Ang ganda.." sambit ko ng may halong amusement sa mga mata.

Umupo kami sa gilid ng bay. Pinapanood lang ang sunset. "Ang ganda niya talaga!" sambit ko parin. Wala, hindi na ko maka-get over sa sunset. Nakamangha kasi talaga eh.

"Oo nga. Pero may mas maganda pa dyan." sambit niya kaya napatingin agad ako sa kaniya para itanong kung ano pang mas maganda dahil gusto ko yung makita. Kaya lang nagulat ako ng mapansing titig na titig siya sa akin.

Aish. Hayaan mo na lang yan, Lovely. Sira na ulo niyan eh. Magtanong ka na lang. Tama!

"Uhm, ano pa bang mas maganda dito? Gusto ko yung makita."

"Ikaw."

Napataas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong ikaw?"

"Ahh, ikaw. Oo, ikaw. Ano, salamat sa pagsama sakin." sambit niya. Nginitian ko naman siya. "Oy! Nginitian mo ko! First time to ah!" sabi pa niya.

"Oo, first time to. Kasi ngayon lang to. Pasalamat ka talaga at napasaya mo ko ngayong araw. Anyway, Happy birthday!"

Napangiti naman siya. Woah! Ngumiti siya. Yung ngiting walang pang-asar. Yung ngiting.. Ngiting pang gwapo. Shocks! Why so handsome? Kainis tong itlog na to ah.

"Itigil mo nga yang ngiti mo!" kunyari ay iritado kong sabi.

Natawa naman siya. Seriously?

"Bakit? Nagwapuhan ka sakin 'no?"

"Aish. Ang yabang nito ah. Hindi kaya! Asa ka 'no!"

"Sus. Deny pa. Halata namang crush mo ko eh."

"Aba! Aba! At saan mo naman napulot yang pinagsasabi mo ha?"

"Sa puso ng mahal ko."

"Tss. Nakakatawa."

"Excuse me lang ah, pero hindi—"

"Ge, daan na."

"Leche!" natawa naman siya. Baliw! "Wala kang kwentang kausap! Uuwi na ko!" sabi ko saka tumayo na at naglakad palayo.

Ay teka? Hindi ko pala alam pauwi.

"Hoy! Bugok! Saan pala daan pauwi?" balik ko sa kaniya.

Natawa na naman siya. Happy?

"Bahala ka dyan." natatawa niyang sabi saka tumayo na at naglakad.

Sinundan ko naman siya. "Hoy! Dali na kasi! Isa!"

Huminto naman siya sa ginawa kong pagbilang. "Dalawa!" harap naman siya. "Dalawa't kalahati." lumapit naman siya sa akin. Yung as in malapit na malapit. "Hoy! Lumayo ka nga."

"Bakit? Ano bang gagawin mo kapag hindi kita sinunod?" naalunok na lang ako. Buset tong lalaki na to. Inaakit niya ba ko? Kainis to ah.

"Uhm, w-wala. Gusto ko lang namang makauwi. Ayaw mo pa kasi sabihin yung daan kung saan." nag-iwas naman ako ng tingin.

"Tss. Tara na nga." sabi niya pa saka hinawakan ang kamay ko at hinili na paalis.

"Hoy! Sandali lang. Ang sakit ng paa ko! Kanina pa tayo naglalakad oh! Hay, ang layo pala—hoy! Anong ginagawa mo ha?! Ibaba mo nga ako!" putek na lalaki to. Hindi man lang ako sinabihan. Tska, ano ba to? Naka-lovers carry yata ako? "Hoy! Zero Jeon!"

"Ang ingay mo. Gusto mo bang mahalikan para tumigil ka na?"

Nang dahil doon kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong magsalita. Ayoko ngang mahalikan niyang itlog na yan. Manyak niya ha. Kainis!

Maya-maya ay napunta na kami sa sakayan. Nakailang abang kami at pang pito pa yata bago kami nakasakay. Malas.

"Grabe! Nakakapagod." daing ko ng makaupo ako sa upuan ng jeep. Maya-maya ay hinawakan ni Zero ang ulo ko para ihilig. "Anong ginagawa mo?"

"Pagod ka di ba? Matulog ka muna. Malayo pa tayo. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo." hindi na alo nakipagtalo pa. Wala eh, sobrang napagod yata talaga ako. Gusto ko makaidlip kahit sandali lang.

Pero teka nga? si Zero ba talaga to? Bakit parang ambait? Ganito ba nagagawa ng birthday? Kung ganon, sana araw-araw birthday niya na lang. Haha!

Opposite AttractsWhere stories live. Discover now