10:17pm
Zero: bro!
seen 10:17pm
Zero: Four, bro!
seen 10:19pm
Zero: seen.
seen 10:21pm
Four is typing...
Four: bakit ba?
Zero: patulong naman. best friend tayo di ba?
Four: tsk. anong klaseng tulong ba gusto mo?
Zero: kilala mo ba si Lovely Lim?
Four: hindi. bakit?
Zero: kasi bro, alam mo yung feeling na dati ayaw na ayaw mo sa kaniya? Tapos dumating yung time na kaaasar mo ng kaaasar sa kaniya, naku-cute-an ka na sa kaniya kaya pinagpatuloy mo na. Yung tipong minsan, may gusto kang sabihin sa kaniya tapos hindi mo masabi kaya dinadaan mo na lang sa biro?
seen 10:27pm
Four: oh tapos?
Zero: bro naman! sa dinami-dami at hinaba-haba ng message ko yan lang ang ni-reply mo?
Four: isa lang naman ibig sabihin niyan eh.
Zero: ano?
Four: baliw ka na.
Zero: siraulo! seryoso nga kasi.
Four: haha! Syempre joke lang yun. Ang totoong dahilan niyan ay inlababo ka na bata. Hahaha!
seen 10:32pm
Four: pagkatapos kitang bigyan ng joke at ng advice, seen lang ang igaganti mo? Nakakatampo ka naman, bro!
Zero: drama bro! Pero thank you!
Four: welcome :D
Zero: pero Four, totoo bang gusto ko na siya?
Four: parang, oo. Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?
Zero: hindi sa ganon. Loko-loko ka kasi eh.
Four: ouch! You know, you hurt my feelings men. It hurts!
Zero: drama mo talaga. Haha!
Zero: anyway, ano tutulungan mo ba ako kay Lovely? May kasalanan kasi ako don eh. Kailangan kong bumawi. Ilang araw na akong hindi pinapansin.
Zero: Namimiss ko na nga yun eh.
Four: puta! Pag-ibig pa! HAHA
Four: naku-curious na tuloy ako kung sino yang Lovely na 'yan. Gusto ko siyang makilala dahil sa wakas ay may nakakuha rin ng puso ng isang Zero Jeon, for the second time. Naka-move on ka na ba talaga ng tuluyan?
Zero: wag na natin yang pag-usapan, Four. Ang nakalipas na, hindi na dapat pang binabalikan.
Four: woah! Hugot sa pwet! HAHAHA XD
Zero: tangina mo, Four! HAHAHA XD
Four: tangina mo rin! minura kita? XD
Zero: LOL, Four! Don't me. HAHAHA
Zero: anyway, makikilala mo rin siya. Tutulungan mo naman ako di ba?
Four: aba'y! syempre naman! Para saan pa at mag-bestfriend tayo.
Four: kelan mo ba yan balak simulan?
Zero is typing...
Zero: bukas.
seen 10:50pm
YOU ARE READING
Opposite Attracts
Short Story[ chat series #2 ] A story of how opposite things do really attracts. A story of hate that turns into love.