Lovely Point of View
"Hoy! Mr. Jeon! Lumabas ka dyan!" sigaw ko habang pinupukpok yung gate nila. "Kapag di ka lumabas, naku! Yari ka talaga sakin!" sigaw ko ulit.
Akmang aambahan ko ng pukpok ang gate nang magbukas ito. Bumungad sa akin ang isang babae. "Hehe. Hello po." bati ko sa kanila.
"Anong kailangan nila?" tanong ng ate yata ni Zero.
"Ah, eh, kasi po.. ano eh.." Hala! Nauutal ako. Grabe! Nakakahiya yung ginawa ko. "N-nandyan po ba si Z-Zero?"
Maya-maya ay nanlaki ang mata ng ate niya yata saka ako hinawakan sa magkabilang braso atsaka tinignan mula ulo hanggang paa. "Ikaw na ba yung bagong girlfriend ni Zero? Ohmygosh! Ang ganda ganda mo, Dai!" sambit niya ng buong galak. Wow! Ang hyper niya.
Teka nga? Ano nga palang sabi niya kanina? Ako? Bagong girlfriend ni Zero? Girlfriend? Yuck! Eeew! Kadiri! Never! Duh! Hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya 'no? I swear that. Magkapimples pa ko bukas. Never talaga!
"Ay naku. Hehe. Hindi niya po ako girlfriend." NEVER yang mangyayari. "Classmate niya po ako at ako po ang napiling tutor niya." And I hate him at napili rin ako para patinuin siya.
"Ah ganon ba? Baka soon. Haha!" asar pa ng ate niya. Aish. Hindi nga po.
"Tara, pasok ka na." sambit niya saka pinapasok ako sa bahay nila.
Una sa gate, kulay blue yung kulay non at may mga halaman at santan na bulaklak sa gilid. Pagpasok mo sa loob, hindi siya kasing laki ng mansyon pero malaki siya. Hindi ko masasabi na mayaman talaga sila. Siguro ay may kaya. Pero infairness sa bahay nila, ang ganda at ang linis ha. I like it na dito. May swing pa. Yii~ ang sarap siguro magstudy dito sa labas. Madamo pa dito. Sarap humiga. Hahaha! Pagpasok mo naman sa loob, may tiles siya na white. May sofa sa salas at may flat screen TV. Tapos may acuarium. Sht. This is my dream house! Ang ganda ganda dito! Parang gusto ko na manatili dito. Kaya lang hindi pwede. Huhuhu.
"So? Siya ba yung gustong sirain yung gate?" nanlaki agad ang mata ko nang mapalingon ako sa nagsalita. Napalunok ako.
OMG. Andami palang tao dito sa loob. At mukhang buong angkan ni Zero ay nandito. Aish. Pahiya ka nanaman, Lovely. Stike two!
Pero infairness ah. Magaganda at gwapo sila! Aish. Iba na talaga lahi ni Zero. Ay teka, wait. Sinasabi ko bang gwapo rin si Zero? Like, eeew no! Ambad kaya ng ugali niya. Sayang gwapo pa naman. Aish. Oo na nga. Yeah, I admit it. Gwapo na siya. Pero masama ugali. Wala pa rin.
"Oh, Lovely. Nandito ka na pala. Haha. Pasensya ka na. Hindi kita nainform na may occassion ngayon dito sa bahay. Nandoon si Zero sa taas sa kwarto niya. Pangalawang room lang yun." nakangiting sabi ni Ms. Kim. Naka-apron pa siya na white at halata mong busy siya sa ginagawa niya. Ang cute ni Ma'am tignan sa suot niya!
"Oy, Panget!" salubong sakin ng kababa lang na si Zero. Bigla naman siyang nilapitan ng ate niya saka piningot. "Aray! Ate Kristine! Masakit! Ahhh! Tama na!" daing ni Zero na mukhang kawawa sa ate niya.
"Hindi ba sabi ko, wag kang mang-away ng babae. Bakla yun pagganon! Tska, Look. Ang ganda ganda niya kaya. Bulag ka ba?" sabi ni ate Kristine saka lalo pang nilakasan ang pagpingot kay Zero.
"Ahhhh! Aray! Tama na! Masakit naaaa!" natatawa ako sa itsura ni Zero. Parang matatae na siya sa pula. Hahaha! Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Nasa ibang bahay kasi ako.
Binitawan na niya si Zero. "Tama na nga. Kawawa ka naman eh." sabi pa ng ate niya saka binaling sa akin ang tingin. "Kapag inaway ka ng itlog na 'to, sabihin mo sakin ah. Saka wag kang manghinayang na sapakin yan. Reresbakan kita kung gusto mo eh." napangiti naman ako sa sinabi ni ate Kristine. Wow! Ate talaga siya niyan ah. Kampihan daw ba ako kaysa sa kapatid niya? Hahaha! Kung sa bagay, kami nga ni Kuya ganyan din. Ang cute lang. Haha!
Tinignan ako ni Zero at saktong nagtama ang tingin namin kaya bibelatan ko siya. Hahaha! May kakampi na ako! Hahaha! Zero wawa XD
Pinaakyat na muna kami ni Ms. Kim—ay tita nga pala. Bayan! Hahaha.
Pinaakyat na kami sa taas sa kwarto na lang daw muna ni Zero. Busy pa kasi sila sa baba eh.
Ang ganda ng kwarto ni Zero. Puro silver, white at black ang kulay. Halata mong panlalaki talaga eh. At wow. Malinis ang kwarto niya ah. Nice. I like that. But now him. Never!
"So.. Saan mo gustong nagsimula? Math, History, Social-Science? Ano?"
"Hindi ba pwedeng pass muna ngayon?"
"Hindi pwede! Isusumbong kita sa ate mo!"
"Tsk."
"Tara na itlog. Nang matapos na ang mission ko ngayon dito."
"Hoy! Anong itlog ka dyan!?"
"Bakit? Zero ka di ba? Oh edi itlog. Itlog na bugok! Hahaha!" natigil naman ako sa pagtawa ng lumapit siya sa akin. Sht. Bakit anlapit masyado ng mukha niya?
"Gusto mo ng punishment?" tanong pa niya.
Napalunok naman ako. "A-ayaw!" sagot ko agad.
Lumayo naman siya matapos yun. Aish. Buti naman. Nakakailang eh.
"Well, ako gusto ko." sabi pa niya. "At dahil binadtrip mo ako ngayong birthday ko.. Ang punishment mo ay.."
"Teka nga muna? Wait? Totoo? Birthday mo talaga ngayon?" hindi ako makapaniwala. "Kaya ba busy sila?" tapos yung nga relatives niya pa nandito.
Tumango naman siya. "Yup!" masigla niyang sagot.
"Aish. Bakit hindi mo sinabi ha?! Edi sana nakapagdala ako ng regalo!"
"No, need. May request na lang ako sayo bilang gift. Kapag hindi ka pumayag, punishment na lang."
"Ano naman yan, ha? Siguraduhin mong matutuwa ako dyan." Baka naman mamaya may ipagawa siyang napakahirap. Naku! Naku! Naku! Hindi ako papayag.
"Wag ka mag-alala, dahil hindi kita pahihirapan." sambit niya.
"Eh ano nga yun?"
"I want you.. and I. To celebrate my birthday. Lets go outside."
---
A/N: Happy Birrhday, JungKookie! Happy Birthday rin, Zero! Mahal ka ni Lovely. (*eherm!*) Haha! Tanong mo na lang sa kaniya kung kailan XD Wish ko maging mabait ka na kay Love. Haha! Saranghae, Zero oppa! <3@_sswaerde Dai, kamusta first existence? Ayos ba? LOL! HAHAHA. :DD
YOU ARE READING
Opposite Attracts
Short Story[ chat series #2 ] A story of how opposite things do really attracts. A story of hate that turns into love.