Chapter Fifty Two
9 months later
"Uy! tama na yan! kawawa naman yung pamangkin ko." nakasimangot na sabi ni Allyssa sakin. tumawa lang ako saka di sya pinansin. nasa tabing dagat kasi ako kasama si Claire. nakaupo lang naman kami sa buhangin, ako lang pala. si Claire kasi nasa towel nakahiga.
"eight am lang Sis. oa ka naman. healthy pa yang araw." natatawang sabi ko. sumimangot sya saka umupo sa tabi ni Claire.
"Hi Babe." nakangiting sabi nya. ngumiti naman si Claire sa kanya. "Tigas ng ulo ng Mommy mo no?"
"heh!" pambabara ko sa kanya.
"Lagot ka nanaman kay Third nyan." sinimangutan ko sya. Si Third kasi overprotective kay Claire si Third. sakto nandito pa sya ngayon.
"di naman magagalit yun eh. maaga pa naman." kontra ko.
"wanna bet?" nakangising sabi niya. sasagot pa sana ako nung magring yung iphone ko.
inabot sakin ni yaya yung phone saka sinagot yung tawag.
"Hello?"
"Where are you Babe?" tanong ni Third sa kabilang linya.
"Nasa tabing dagat. nag papaaraw." i answered.
"with Claire?" he asked.
"Uhm. yeah. kasama ko si Claire." inirapan ko si Ally nung ngumisi sya ng malaki.
"Mainit na masyado." he said.
"but the sunrays is still healthy." i whispered softly.
"wag ka nang magdahilan. sus. magkakasakit pa si Claire. pasok na kayo dito." masungit na sabi nya saka pinatay yung tawag. patay nanaman ako nito.
"lagot ka." nakangising sabi Allyssa.
"Shut up." inis na sabi ko saka binuhat si Claire habang tatawa tawa si Ally.
"Kulit kasi." natatawang sabi pa rin nya.
"Oo na. mag rounds ka na oh. eight na. breakfast time na ng mga guest." sabi ko sa kanya.
"ay wait. i'll go with you today. kain muna tayo." sabi ko ulit saka hinila na sya papasok sa beach house namin.
Wondering where i am?
i'm here at La Union. in Costa Paola to be specific.
ako na kasi yung nagmamanage ng Costa Paola. si Mr.Kim pinadala ko na kay Theo. bahala na sya dun. si Ally ngayon ang General Manager.
"You went out too early. malamig pa eh." nakasimangot na sabi ni Third saka kinuha si Claire sakin bago pa ko makasagot. mahinang tumawa si Ally. hinila ko nalang sya pasunod kila Third.
"Eh dapat lang naman na paarawan si Claire eh." sabi ko saka umupo sa upuan sa may balcony kung saan nakaready yung breakfast namin.
"Sus." yan lang sinabi nya saka kiniss si Claire sa pisngi.
"Goodmorning Babe." he said put his nose on Claire's nose. "Miss me?" nakangiting sabi nya. nag baby talk lang si Claire saka yumakap sa kanya. ngumisi ng malaki si Third saka tinignan ako.
"Pano ba yan? mas mahal na nya ko." proud na sabi ni Third. inungusan ko sya saka binelatan.
"Mukha mo Enrique." nalukot yung mukha nya nung marinig yung tinawag ko sa kanya.
"Heh!" inis na sabi nya. natawa tuloy ako.
"Bigay mo muna kay Yaya yan. Kain na tayo." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Ultimate Love ★
RomanceI, Andrea Denise Valdeverro is labeled the Playgirl of the Century. well, to hell with my Reputation. i don't really give a shit. but Don Lorenzo Valdeverro do. having playgirl connected to Valdeverro is a big No No. its like putting His Prestigious...