Chapter Fifty Five
(Warning: SPG konti.)
"Matagal ka pa, Babe? naiinip na si Claire." nakasimangot na sabi nya habang karga karga si Claire.
"five minutes." sabi ko saka pumasok sa banyo at sinuot yung yellow sleeveless top ko saka highcut na light blue na shorts. kinuha ko yung tote bag ko saka nude na sandals. pinabayaan ko nalang na magulo ng konti yung buhok ko saka lumabas na.
"Lets Go!" nakangising sabi ko. sinumangutan ako ni Third.
"Sana nag underwear ka nalang. Tss." sabi nya saka tinalikuran ako. i rolled my eyes. here we go again.
sumunod na ko sa kanila. binigay nya sakin si Claire nung binuksan nya yung kotse nya saka sumakay sa driver's seat. sumakay na din ako sa passenger seat saka tinignan sya ng masama. inirapan nya lang ako.
"isama mo sa seatbelt si Claire." nakasimangot pa ring sabi nya.
"bat ka ba nagagalit?" inis na sabi ko.
"ang bagal mo kahit kelan. ang liit pa ng short mo. kuu Babae ka! nakakaistress ka." natawa nalang ako sa sinabi nya.
nagdrive na sya papunta sa Mall. we've been here for a week now at medyo okay na din si Daddy. next week uuwi na kami sa La union.
"San mo gustong kumain?" tanong nya maya maya.
"dont know. bahala ka na." sabi ko saka niyakap si Claire.
pinark na nya yung sasakyan saka binaba yung Stroller. kinuha ni Yaya yung gamit ni Claire saka sinunod samin yung stroller. binuhat naman ni Third ulit si Claire saka hinawakan yung wrist ko para bilisan kong maglakad.
Pumasok kami sa isang Italian Resto saka kumuha ng table. pinaghila nya ko ng upuan saka umupo sa tabi ko. si Yaya naman sa tabi nya tas si Claire sa high chair.
sya na yung umorder para samin habang ako. nilalaro si Claire.
"Hello Clairedeebear." nakangising sabi ko. nagbababy talk lang si Claire habang nakangisi din.
"Babe sabi ni Mommy iwan daw muna natin si Claire sa kanya kung uuwi na tayo ng La Union next week." nilingon ko si Third.
"akala ko ba pupunta ka sa Davao para sa rubber plantation nyo?" nakakunot ang noong sabi ko.
"Yeah pupunta nga ako dun. iwan mo daw sa kanya si Claire."
"uuwi naman ako a week after ulit. dun nalang kami matutulog sa kanila."
"kaw bahala. makulit lang talaga si Mommy eh." sabi nya. dumating na yung mga order namin. pagkakain umikot na kami sa mall. mamimili kasi kami ng damit ni Claire saka para ipasyal na din sya.
papunta na sana kami sa isang store pa nung mapatigil ako.
si Danica, si Edward at si Lucas magkakasama at pasalubong samin.
hinawakan ni Third yung kamay ko saka naglakad ulit. tumigil lang sya nung binati kami ni Danica.
"Andrea dear. long time no see." nakangising sabi nya saka bineso beso ako.
"Hello Danica." nakangising sabi ko. i cant let this affect me.
"Who is she babe?" nakakunot ang noong sabi ni Third.
bago pa ko makasagot lumapit na si Danica kay Third at nilahad yung kamay nya.
"I'm Danica Prieto-Benedictos and this is my husband Edward Benedictos." nakataas na kilay habang nakangising sabi nya. "And this is Lucas. our son."
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Ultimate Love ★
RomansaI, Andrea Denise Valdeverro is labeled the Playgirl of the Century. well, to hell with my Reputation. i don't really give a shit. but Don Lorenzo Valdeverro do. having playgirl connected to Valdeverro is a big No No. its like putting His Prestigious...