ANOTHER JOURNEY

203 17 0
                                    


Its already 6:30 in the morning.

Again, its June.
classes resume.

Its been a long vacation at syempre pagkatapos ng pahinga, back to school na ulit.

Inayos ko na lahat ng gamit ko at agad na bumaba. Dala dala ko nanaman ang favorite kong quotes book kasama ang ibang libro.

Sinalubong ako ni Manang Delia. Ang matagal na naming kasambahay na parang nanay ko na din.

Sya ang katiwala namin sa mahabang panahon. Simula ng mawala ang mga magulang ko, sya na ang gumagabay sakin dahil wala na naman akong malalapitan pa.

"Nak, tagal mo nang nag aaral sa school na ikaw ang nagmamay ari. May balak ka bang sabihin sa kanila na ikaw ang may ari nito??" - aniya sa may malambing na tono.

Umiling ako bilang di pag sang-ayon. Hindi ko magagawa yon. Ayoko ng special treatments. Ayos na ako bilang isang normal na eatudyante.

"Nay, tago nalang po siguro natin ang tungkol dito. Ayoko po ng may makaalam na iba."

Binigay nya sakin ang sandwich na nakabalot at nilagay ko iyon sa bag.

"Sige, kung yan ang disisyon mo.. rerespetuhin kita" - sabi nya habang inayos ang pagkakakwelyo ng uniform ko.

"Salamat po. Una na po ako" - nakangiti kong sabi sakanya at nakipagbeso beso.

Lumabas na ako ng bahay. Napadako ang tingin ko sa sasakyan namin na matagal ng hindi nagagamit sinula ng mawala si daddy.

Ang Ford na kulay blue na unang binili ni daddy.

Ang Limousine na kulay pink na iniregalo nya kay mommy.

Citroen na ginagamit ni daddy pag nag cacar racing sya.

at ang di ko malilimutan nung sinundan nila ako sa fieldtrip ko when I was in grade 6. Ang Subaru car.

Napangiti ako ng maalala ko na bumili sila ng bagong kotse para lang sundan ako ng palihim sa fieldtrip ko. Ayaw ko kasing may kasamang magulang kaya yun ang ginawa nila.

"Its been a long time babies.. di na kayo nagagamit..." - tinuran ko sa kawalan habang hinahaplos ang mga kotse.

Tumingin ako sa orasan at agad naglakad palabas.

Sumakay na ako ng taxi papuntang school.

Siguro magagamit ko din ang mga kotse na pinundar ni daddy sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan kong maging isang normal na studyante.

Mabilis akong nakapunta sa school, wala pang 15 minutes at di pa ako late dahil may natitira pang oras para lakadin papuntang room.



Eto ang Elite University de Kitagawa. Sobarang laki ng pagkakagawa dito. May mga naglalakihang buildings na ani mo'y nasa Manila ka.

 May mga naglalakihang buildings na ani mo'y nasa Manila ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Nerd Beyond SimplicityWhere stories live. Discover now