FINALLY

131 8 0
                                    

SCARLET KITAGAWA...




hindi naman siguro masama mag ambisyon, hindi din naman siguro masama magkaroon ng inspirasyon, hindi din naman masamang sumubok. Panahon na siguro para pasukin ko ang lovelife.



For sure, madaming negative comments sakin. Aware na ako dun. Sanay na ako.


Nagawa ko ngang hindi pansinin at patulan ang mga pambubully nila, yun pa kayang usap usapan lang? Wala na sakin yun.



Habang iniisip kung paano ko sasagutin si Red, napagpasyahan kong pumunta sa library dahil dito, malaya kang makakapag isip ng walang gumagambala sayo.



"Uyy! Grabe ha! Nang iiwan ka na kamo't may nanliligaw na sayo!" Pang gugulat ni Purple. Sino pa bang tao ang gagawa sakin nun kundi sya lang naman.


"Hindi naman, sadyang mas gusto ko lang dito sa library kasi tahimik, tsaka wag kang masyado maingay baka mapalabas tayo" pabulong kong saad.


Yung kaninang tahimik kong pag iisip, nagambala nga. Sabi na eh, hahanapin ako ni Purple. Di kaya mawala to sa tabi ko.



"Eh si Blue? Parang di sya nagpaparamdam ngayon, absent sya sa anong dahilan?" Out of the blue moon nyang tanong.



"Hindi ko din alam eh, malay ko kung bakit diba?" mahina kong sabi.


Nag uusap kami sa tonong mahina para hindi kami masita at mapalabas dito. Nakakahiya naman kasi, sa library pa kami nag usap. Pwede naman sa Park, garden or room, ay ayoko sa room baka bully-hin nanaman ako ni Pink.



Dahil wala nang matopic si Purple, nagheadset nalang ako para makinig at syempre nilabas ko din yung book na babasahin ko. 





[np: Lion Heart - SNSD]




Oooh neowa na cheom mannasseul ttae
Oooh machi sajacheoreom maemdolda

Gihoereul noryeo nae mam ppaeseun neo






As the music start, sinimulan ko na din basahin yung librong hawak ko. Tiningnan ko ang katabi kong si Purple na ngayon ay nakatungo at may nakaharang na libro sa pinagtutunguhan nya. Mukang natutulog yata.






Ah neon dallajin ge eopseo yeojeonhae
Nan aega tago tto ta
Sanyanggam chaja han nun paneun neo





Pinagpatuloy ko ang pagbabasa pero mas dinadaig ng atensyon ko ang tugtog kaysa sa pagbabasa kaya sinara ko nalang ang libro at nakinig nalang sa music.


The Nerd Beyond SimplicityWhere stories live. Discover now