RENEW

141 10 12
                                    

PURPLE SASAKI...





Its been 6 months...



6 months that she passed away and I never expected it to happen. I saw her ashes on the chapel. That time, a woman appeared and introduced herself as Nanay Delia who happen as Scarlet's guidance na ni minsan ay di napakilala sakin ni Scarlet. I pity her. She doesn't know anything and just found out that Scarlet would passed away that fast. How sorrowful we had that day, Lalong lalo na kay Nanay Delia na hindi matanggap ang pagkawala ni Scarlet. She kept Scarlet's ashes as the only remembrance for her.



Masakit! Oo! sa part ko. Sobra! Dahil bestfriend ko yun eh, katukayo ko yun at ako lang ang tagapagligtas nun. Pero ngayon, wala na. Wala na akong maipagtatanggol pang Scarlet.

Daya no? Bakit hindi nalang si Pink yung namatay instead sya? Tutal si Pink lang naman ang may pakana noon kasama pa ang putanginang si Red!

Hayy, para akong tanga dito sa bench habang naiyak! Hindi ko kasi mapigilan eh.



"Scarlet, wherever you are.. miss na kita! Miss na miss na kita! Daya mo, nang iwan ka! *sob* hindi ka lumaban!" Tinuran ko sa kawalan..



Mabigat sa damdamin, hanggang ngayon pumapasok ako ng hindi masaya, laging wala sa mood at napagbubuntunan ko ng galit si Pink, dahil in the first place, sya naman talaga dapat ang sisihin, isama pa si Red. Pero wala nang kwenta yung mga salita at sampal na may kasamang sabunot na natitikman ni Pink kasi wala na naman akong pinagtatanggol.

So, kailangan ko nang pumasok kasi hindi naman pwedeng magtapos ang buhay ko dito dahil wala na sya. Kailangan ko pa din magpursigi para sa ikauunlad ko at ikasasaya nya.



"Goodbye Scarlet" and I left wearing a smile on my face. Hoping that she is happy too.







BLUE YAMADA...


Sa pangalawang pagkakataon, nawalan nanaman ako ng mamahalin. Napaka unfair naman ng tadhana sakin, hindi pa nga napapasakin, kinuha na kaagad.


Kasalanan ko naman eh, kung gumawa agad ako ng paraan para naayos agad yung kailangan ayusin, edi sana hindi na humantong sa ganito at sakin pa sya napunta. Hindi sa tarantadong Red na yun na walang inisip kundi ang pagpustahan sya.


6 months na ang nakalipas pero parang walang nangyari, parang nandito parin si Scarlet. I miss her so much. Mas naaawa ako kay Nanay Delia na nagpakilalang nag aalaga kay Scarlet, wala syang ibang ginawa kundi ang umiyak. Kung maaari lang sana, huwag nang magkukrus ang landas namin ni Red dahil pag nagkataon nanaman, masasaktan lang sya.



"Oh! Blue! Tara na at tapos na ang break time, sabay na tayo pumasok..." saad ni Purple matapos nya akong makita.


Sasabay nalang ako kay Purple, sa paraang ito hindi magagalit si Scarlet dahil binabantayan ko din ang bestfriend nya.





RED SETO...



Masaya dapat ako, hindi ko dapat sya naiisip, at lalong lalo nang hindi ko dapat sya hinahanap hanap. Pero bakit yung puso at isip ko, sya ang hinahanap?


Nalulungkot ako, namimiss ko sya, gusto ko syang nakikita, pero magagawa ko pa ba yun? Ngayon wala na sya?



6 months ago, when Pink revealed the truth. I should be happy that day, mahal ko si Pink that I can do all the things that she wants and needs.


Pero nang makita ko ang ekpresyon ni Scarlet kung paano sya umiyak, gusto ko syang yakapin ng mahigpit, sabihing hindi totoo ang lahat. I never do courtings and confession to Pink, only at her. Masaya akong ginawa ang lahat ng iyon na walang halong pag papanggap. Sakanya ko lang naramdaman ang saya ng pakiramdam.


The Nerd Beyond SimplicityWhere stories live. Discover now