HANNAH.
"Hannah."
"Qtqt."
"Tangina mo."
"Ano bang problema mo, Giselle?" inis ko siyang tinignan.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya.
"Wala. Ano bang kailangan mo?" tanong ko.
Napangiti ako ng palihim. Alam ko iniisip niyan eh. Iniisip niya sigurong may problema ako. Haha. Napaka-unusual kasi sakin na tahimik at hindi nakikipig-murahan o nakikipag-trashtalk.
"Ah.. Kasi pinapatawag ka ni Aling Charing."
"Bakit daw?"
"Dun ka daw muna mag-stay sa apartment ng Sebeuntin. Ihihihi. Wala kasing tao dun, may sched daw sila. Baka pasukin daw eh." sagot niya.
"Oh? Ba't di ikaw magbantay dun?"
"Luh, Hannah iz dat u. Akala ko isang alok ko lang sayo papayag ka. Baka nga di ko pa sinasabi, payag ka na." natatawang sambit niya.
"Tsaka, aalis ako. Susunduin ko Mama ko galing airport. Dating niya kasi galing Malaysia. Si Jonna at Rae naman sa-sideline daw ng trabaho." paliwanag niya.
Tumango ako at akmang lalabas na.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Sa apartment ng seventeen. Saan ba gusto mo?"
"Psh. Pilosopo."
××××
Inis kong binuksan ang pinto ng apartment ng Seventeen.
"Wao, ang linis ah. Ibang-iba sa apartment naming mukhang zoo." manghang sabi ko pagkapasok ko.
Binuksan ko ang ilaw at TV bago umupo sa sofa.
Bored akong nanood ng TV. Palopat-lipat ako ng channel dahil ang korni ng mga palabas.
"Leche. Ang boring. Ano kayang pwedeng gawin dito?"
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at namangha ako sa nakita ko.
"Luh, daming pagkain."
"Kaso di ako nagugutom eh."
"Ay, magnakaw kaya ako ng brief? Tapos ibebenta ko ng isang libo kada brief."
Sa totoo lang, mukha akong tanga dito dahil kinakausap ko sarili ko.
Umakyat ako sa second floor at akmang bubuksan na ang unang kwarto nang may sumigaw.
"HOSHI! HOSHI BABY! WHERE ARE YOU?!"
Putang- sino yun?
×××××
YOU ARE READING
Instagram [HOSHI]
Fanfictionkwon.h sent you a follow request. Accept or Ignore? date started: 07-10-16 date finished: 09-26-16 date revised: 12-08-16 - ctto for the cover - written by: etherealhobi / h a n n a h q t