47 []

130 9 0
                                    

DANNAH.

"Halika, Hannah. Mag-uusap tayo."

Lumabas kami ni Hannah at pumunta sa mini garden ng Pledis Hospital.

"Dannah, ano ba talagang sakit ni Hoshi?" biglang tanong niya.

Mukhang nanghihina pa siya at hindi pa rin niya lubos maisip ang mga pangyayari kaya inalalayan ko muna siya pa-upo sa bench.

"May sakit sa puso si Hoshi." diretsong sagot ko.

"A-ano? Paano nangyari 'yon?" naguguluhang tanong niya.

"Nahihirapan ang pagdaloy ng dugo at oxygen sa puso niya kaya nagiging dahilan 'yon ng decreased blood flow sa heart muscle niya," paliwanag ko.

"Napapansin na rin namin ang madalas na pagka-hilo at panghihina niya kaya alam naming malala na talaga ang sakit niya."

"Diba mayaman naman siya? Bakit hindi siya nagpagamot?" tanong niya pa.

"Siguro sakanya mo dapat malaman ang sagot dyan." sagot ko.

"May tanong ka pa ba?" tanong ko naman sakanya.

"Last na. Ano ka ba talaga ni Hoshi?"

Napangisi ako sa tanong niya.

"Ako ang—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mapatakip siya ng bibig niya.

"So girlfriend ka talaga ni Hoshi?"

Napairap ako dahil sa kagagahan niya. "Pwede rin. Pero wag kang OA. May boyfriend na ako 'no."

"Bestfriend slash doctor ako ni Hoshi." paliwanag ko.

"So, mas matanda ka saakin?" gulat na tanong niya.

"Err.. Obviously."

"Sige, tama na siguro ang mga nalaman ko."

"Salamat, Dannah."

××××××

Di talaga ako sure doon sa sakit sa puso chuchu na yun😂😂 pagpasensyahan na kung mali yun. Bobo po ako sa science. Kthnxbye.

Instagram [HOSHI]Where stories live. Discover now