DECEMBER 31
11pm"Hoy tangina niyo! Isang oras na lang, new year na!"
"Oo nga! Bagong buhay na tayo!"
"Hoseok, new year na, hindi ka pa rin nananalo sa karera. Sayang yung pusta ko!"
"Tangina mo ah!"
Napailing na lang ako dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko.
Magne-new year na pala.
Ilang months na ba ang nakalipas magmula nung umalis si Hoshi?
Kamusta na kaya yung ugok na 'yon?
Buhay pa kaya 'yon? Sana.
"Psst, ex. Anong drama mo dyan?"
Halos mapatalon ako nang kalabitin ako ni Baekhyun.
Inirapan ko lang siya.
"Simula noong umalis si fafa hoshi, tahimik ka na. Naninibago ako ex." malungkot na sabi niya.
"Ako nga, Byun Baekhyun, wag mo akong dinadramahan. Kabaklaan mo na naman eh." natatawang sambit ko.
"Guys! Guys! Tulungan natin si Aling Charing! Handa na yung foods!" tawag saamin ni Rae.
Nandito kaming lahat sa apartment namin para mag-new year.
Pinili naming hindi umuwi sa kanya-kanya naming pamilya para magsama-sama kami sa ngayong new year.
"Hannah! Ilabas mo muna 'tong barbeque at doon tayo mag-ihaw!" utos ni Aling Charing.
Dali-dali akong sumunod at inilabas ang barbeque.
"Guys! Guys! Knock knock!" sigaw ko.
Huehue. May naisip akong joke eh.
"Hus der?!" sabay sabay nilang sigaw.
"Barbeque!"
"Barbeque hu?!"
"I'm a barbeque~ In a barbie wooorld~ Life in plastic, it's fantastic~ HAHAHAHAHAHA." halakhak ko.
Napatigil ako sa paghalakhak nang mapansin kong lahat sila ay masama ang tingin sakin.
"Grabe kayo." tanging nasambit ko.
"Tangina mo at ng kakornihan mo." sabi ni Hoseok.
"Wow Hoseok. Galing pa talaga sayo ah?" inis kong sambit.
"Joke lang. Hehe." sabi niya naman.
"Puro ka kakornihan, Hannah. Para naman may maitulong ka, ibigay mo muna ito doon sa kabilang apartment." utos ni Aling Charing sabay abot saakin ng dalawanf tupperware.
"Ha? Eh diba, walang nakatira doon?" takang tanong ko.
Yung apartment na tinutukoy ko at ni Aling Charing ay yung dating apartment na tinuluyan nila Hoshi.
"Merong bagong umuupa. Hala sige na!" sagot niya at pinagtulakan pa ako.
Napakamot na lang ako ng ulo at wala ng nagawa kaya pumunta na ako doon.
Nang nasa hapar na ako ng pinto, inis ko itong kinatok.
"Tao po! Tao po ako!" sigaw ko pero wala pa ring lumalabas o sumasagot.
Inis ko ulit kinatok ang pinto.
"Tao po!"
Pero wala pa rin.
"Tangina, bahala ka dyan." bulong ko at tumalikod na.
"Hannah?"
Halos manlambot ang tuhod ko sa narinig ko.
Boses niya 'yon.
Sigurado ako.
Dahan dahan akong napaharap at tama nga ako.
Siya nga 'yon.
"H-hoshi?"
-the end-
YOU ARE READING
Instagram [HOSHI]
Fanfictionkwon.h sent you a follow request. Accept or Ignore? date started: 07-10-16 date finished: 09-26-16 date revised: 12-08-16 - ctto for the cover - written by: etherealhobi / h a n n a h q t