HANNAH.
"Hoshi.." tawag ko sa natutulog na si Hoshi.
Pinagmasdan ko siya. Yung mata, ang ganda talaga. Yung ilong niyang matangos. Yung labi niyang laging nakangiti.
Tangina mo Hoshi. Gagaling ka naman diba?
"Hoy gago. Kailangan mo ng kumain para makainom ka na ng gamot." sabi ko pa at tinapik siya sa pisngi.
Gumalaw lang siya ng konti pero nganga pa rin. Hay, ang kulit.
~Only fools fall for you
Only fools fall~Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog.
Oh, hindi na I Just Had Sex yung ringtone ko. Uso kasing magbagong buhay diba.
Ay shet may tumatawag.
Unknown number calling..
Accept | Decline
Call connected-"Hello? Hu diz?"
"Hannah, si Seungcheol 'to."
"U-uy. Okay lang dito si Hoshi. W-wala naman akong ginagawang masama kaya wag kang magagalit-"
"Haha. Oy, kalma ka lang. Hindi na ako galit sayo."
"Talaga?"
"Oo nga. Haha."
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ay oo nga pala. Pakisabi kay Hoshi, magpalakas na siya."
"Ah. Sige."
"Sige, ibababa ko na 'to. Salamat, Hannah."
"Sige-"
"Ay teka!"
"Ano yun?"
"Sorry nga pala kung napagtaasaan kita ng boses nung isang araw."
Call disconnected-
Napahinga ako ng malamim.
Buti na lang di na galit saakin si Seungcheol.
"Oy." nagulat ako nang tawagin ako ni Hoshi.
"Ay sus. Buti naman nagising ka na." sabi ko at napairap.
"Hoy, kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot." sambit ko.
Kinuha ko ang pagkain na iniwan nila Mingyu dito.
Sabi ko nga dapat ako na lang pinabili nila kaso sabi nila nagluto na lang daw sila kasi mas makabubuti daw kung healthy foods ang kakainin ni Hoshi.
"Hoy Hoshi, magpalakas ka daw sabi ni gilagid." sabi ko.
"Nakausap mo siya?"
"Hmm."
Pagkakuha ko ng pagkain ay lumapit ako kay Hoshi. Ngumiti lang siya saakin at ngumanga.
"Oh, ba't ka nakanganga?" tanong ko.
"Subuan mo ako." sagot niya naman.
"Gago, hindi ka naman baldado." pagtataray ko.
"Eh dali naaaa~" pamimilit niya kaya no choice ako.
Sinunod ko na lang siya dahil natatakot ako kay Seungcheol. Baka kasi magsumbong 'tong gago na 'to tapos baka magalit saakin si Cheol at baka mahampas pa ako nun ng kama.
Inis kong sinubuan si Hoshi at siya naman tuwang-tuwa.
"Hannah, ang sarap mo." bigla niyang sabi.
Puta- aNO DAW?!
Napatayo ako at kinwelyuhan siya. "PUTANGINA MO BA?! ALAM KONG YUMMY AKO PERO KELAN MO PA AKO NATIKMAN?! ABA'T-"
"HOY JOKE LANG YON. MASARAP ANG PAGKAIN SABI KO. HUHU MAAWA KA, GUSTO KO PANG MABUHAY." sambit niya.
Napaupo naman ako at napayuko.
"Kung gusto mo pang mabuhay, edi lumaban ka."
×××××
YOU ARE READING
Instagram [HOSHI]
Fanfictionkwon.h sent you a follow request. Accept or Ignore? date started: 07-10-16 date finished: 09-26-16 date revised: 12-08-16 - ctto for the cover - written by: etherealhobi / h a n n a h q t