HANNAH.
"HOSHIIIIII!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto kung saan naka-confine si Hoshi.
"Oh? Hannah?" gulat na sabi niya.
"HUHUHU HOSHIII!" sigaw ko muli at lumapit sakanya at hinawakan ang braso niya.
"Bakit di mo man lang sinabi sakin na may sakit ka?! Bakit nag-stay ka pa dito?! Bakit hindi ka nagpapagamot-"
"Nandito kasi yung gamot ko." sagot niya.
Nanginginig ko siyang binitawan. "T-talaga? Ano yung gamot mo na 'yon? Araw-araw kitang bibilihan kahit maubos ang pera ko!"
"Ikaw."
Nagulat ako sa sagot niya. A-ako? Anong meron sakin?
"A-ako?"
"Oo, ikaw. Ikaw ang gamot ko. Ikaw ang nagbibigay lakas sakin." simpleng sagot niya pero may ngiti sa labi niya.
"Ulol. Pumi-pick up line ka pang hayup ka eh." naiiyak pero kinikilig na sabi ko.
"Mas gugustuhin kong mamatay ng hindi nagpapagamot basta makasama kita kahit sa maikling panahon lang."
"Tangina mo at ng pick up line mo."
××××××

YOU ARE READING
Instagram [HOSHI]
Fanfictionkwon.h sent you a follow request. Accept or Ignore? date started: 07-10-16 date finished: 09-26-16 date revised: 12-08-16 - ctto for the cover - written by: etherealhobi / h a n n a h q t