HANNAH.
"Hannah, sorry.."
"B-bakit Wonwoo? May nangyari bang masama?" kinakabahang tanong ko.
"G-galit kasi sila sayo. I-ikaw ang sinisisi nila kung bakit ayaw magpagamot ni Hoshi." paliwanag niya.
Ako? Bakit ako?
Muntik ng tumulo ang luha ko ngunit pilit ko itong pinigilan.
"Handa ka bang harapin sila?" nag-aalalang tanong niya.
Ngumiti ako at tumango ng dahan-dahan. "Kaya ko, Woo. Kaya ko."
Pinatuloy niya ako. Nakita ko si Hoshi na natutulog. Ang putla niya at mukhang nanghihina. Nandito rin pala si Dannah. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang mga ka-miyembro niya na masama ang tingin sakin.
"G-good morning." bati ko at yumuko.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang sugurin ako ni Seungcheol at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.
"Hyung, tama na!"
"Seungcheol, itigil mo 'yan!"
Lumapit si Dannah at Jeonghan para pigilan si Seungcheol.
"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw magpagamot ni Hoshi! Ikaw ang dahilan kung bakit mas lumala ang sakit niya!" galit na sigaw niya.
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Bawat salitang binibitawan niya ay parang sinasaksak ako. Bawat salitang binibitawan niya ay parang isang malakas na sampal sa mukha ko.
"Tama na, Seungcheol... Hindi ko ginusto 'to.." nanghihinang sabi ko. Walang lumalabas na boses saakin pero pilit kong sinabi 'yon.
"Hyung?.."
Napatigil kaming lahat nang marinig naming magsalita si Hoshi.
"Hannah.." tawag niya sakin at ngumiti.
Yung ngiting 'yon ang dating kalakasan ko pero bakit nanghihina ako ngayon?
"Seungcheol hyung, bakit umiiyak si Hannah? Bakit mo siya hawak sa braso?" nagtatakang tanong ni Hoshi.
"Ah kasi-"
"Wala, Hoshi." pagputol ko sa sasabihin ni Seungcheol. Nginitian ko siya. "Tinanong niya lang kung bakit ngayon lang ako nakarating."
"Ahh.." nasabi na lang niya at tumango.
"Guys, lalabas lang muna kami ni Hannah." biglang sabi ni Dannah at hinawakan ako sa kamay.
"Halika, Hannah. Mag-uusap tayo."
×××××
YOU ARE READING
Instagram [HOSHI]
Fanfictionkwon.h sent you a follow request. Accept or Ignore? date started: 07-10-16 date finished: 09-26-16 date revised: 12-08-16 - ctto for the cover - written by: etherealhobi / h a n n a h q t