14 []

183 11 18
                                    

"Hoy feeling pretty squad, labas!"

Nabulabog ako nang sunod-sunod na kumatok si Aling Charing.

Agad kong binuksan ang pinto para harapin siya at nagsunuran naman yung tatlo.

"Punyeta naman Aling Charing, alas-otso pa lang ng umaga nambubulabog ka na." nayayamot na sambit ko.

"Aba umaarte ka na? Pag ako nainis, papalayasin ko kayo dito." pananakot niya pa.

"Ay Aling Charing, sige lang. Susunduin na ako ni Jungkook bukas. Hihi." malanding sambit ni Rae.

Nasampal ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Gago, nung isang araw mo pa sinasabi samin yan. Oh, nasan na si Jeon? Tangina ka ah." naasar na sabi ni Jonna.

"Anong nung isang araw? Sus. Last month pa niya sinasabi sakin yan." segunda naman ni Giselle.

"Wala talaga kayong moral support. Punyeta." sabi ni Rae at umirap pa.

"Ewan ko sainyo, mga ilusyonada. Nandito lang ako para sabihin sainyo na linisin niyo yung dalawang apartment na katabi nito. May mga bagong lipat. One month lang sila mags-stay dito kaya maging mabait kayo, okay?! Sige, dito na ako. Buhbye ugleeehs!" sabi niya at umexit na.

Ano pa bang magagawa namin? Duh. Sa ayaw nami't sa hindi, maglilinis kami. Helper kasi kami ni Aling Charing ganern. Bawas sa bayad sa renta rin kasi 'yon.

"Luh, pa-cool yun si Aling Charing. Sarap ipasinghot kay Jungkook." naiinis na sambit ni Rae.

"Tara na nga, mag-linis na tayo." aya ni Giselle.

~~~~

"Putangina ang alikabok naman dito. Oooomph." maarteng reklamo ni Rae.

"Maglinis na lang kaya kayo, 'no?" sabi ni Giselle.

Matapos sabihin ni Giselle yun, wala nang ni isa samin ang nagsalita.

Puta nakakabingi yung katahimikan.

"Tangina nakakapagod! Buti na lang last na kwarto na 'tong lilinisin natin!" sigaw ko para lang mabasag ang katahimikan.

"Si Aling Charing kasi eh. Ang yaman yaman tapos satin pa pinalinis." naiiling na sambit ni Jonna.

"Kaya nga. Pwede naman siyang maghanap ng mga taga-linis tapos bayaran niya na lang." segunda ko naman.

*BOOOOOGSH*

Napahinto kami nang biglang may kumalabog.

"Aish hyung! Ang ingay mo."

"Waaah! Ang lawak naman dito! Kasing lawak ng noo ni Vernonie."

"Inaano ka na naman ba ng noo ko, Seungkwan?"

"Woooh! Mga hyung, ang laki dito. Pwedeng pwede ako mag-Michael Jackson anytime. HAHAHAHA."

Nagtinginan kami saka kami naglapit-lapit.

"Puta. Guys, may mga koreanong magnanakaw." bulong ko.

[/Note: Pag naka bold italic ibig sabihin nagkokorean sila. BWAHAHAHAHA/]

"Bagong modus ba 'to?" bulong rin ni Giselle.

"Sinong lalabas para sigurin yung magnanakaw?" tanong ni Jonna at lahat sila ay napatingin sakin.

"Tama, tama. Si Hannah. Mauuna dapat mamatay ang pinakabata." pagsang-ayon ni Rae.

"H-hoy! Baliktad ata?! Diba dapat pinakamatanda ang nauuna?!" inis na sabi ko.

"Putragis, daming arte." sabi ni Rae at tinulak ako palabas ng kwarto. Agad ko namang narinig ang pag-sara at pag-lock ng pinto.

"HOY PAKYU KAYO!" sigaw ko at sinipa-sipa yung pinto. Shet, pwedeng pwede na ako maging si Goku kaka-sipa ko dito.

"Kame-hame waveeeeeee!" sigaw ko at sinipa ulit ang pinto.

"Eh? Sino siya?"

"Ew. Sino yan? Mukhang tanga."

"Ewan. Ikaw ata ang tanga eh? Mukha ba akong taga-dito?"

Napalingon ako nang may marinig akong nagkokorean.

"Putangina." nasambit ko at halos mahimatay sa nakita ko.

"SHET BAKIT NANDITO ANG SEVENTEEN?!" sigaw ko.

Putangina mahihimatay na ata ako.

"Hi, Hoshi. Ehe." bago pa ako mahimatay ay binati ko muna si Hoshi, with matching dila pa.

At matapos non...

.... ay tuluyan na akong nahimatay.

Instagram [HOSHI]Where stories live. Discover now