38 []

125 11 2
                                    

HANNAH.

"Hannaaaaah!"

"Ano ba 'yon?! Putangina! Di ka magpapatulog?!"

Inis akong napatayo mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ni Dannah mula sa kabilang kwarto.

"Taray neto! Tatanong ko lang kung may toothpaste ka!" sigaw niya pabalik.

"Ano, feeling SEVENTEEN ka bes?! Oo, may toothpaste ako dito! Leche."

Kinuha ko ang toothpaste ko sa banyo ng kwarto ko.

Narinig ko naman ang pagkatok niya.

Inis kong binuksan ang pinto at inihagis sakanya ang toothpaste ko.

"Oh, yan na." sambit ko at inirapan siya. Akmang isasara ko na ang pinto pero pinigilan niya.

"Teka,"

Pumasok siya sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

"Wao bes. Feel at home ah." ismid ko.

Umupo siya ng maayos at tinapik ang kama ko.

"Upo ka muna sa tabi ko." utos niya at ngumiti.

"Ay anghel siya ngayon oh. Na-possess ka ba ni Jeonghan?" natatawang sambit ko at umupo na rin sa tabi niya.

Magpapaka-bait muna ako sakanya ngayon. Tutal mabait rin siya ngayon huehue.

Ngumiti siya at tumitig sakin.

"Oh? Problema mo?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya na para bang rapist kaya kinilabutan ako.

"Usap tayo!" masiglang sabi niya.

"Tungkol saan?"

"Ikaw na magbigay ng topic." sagot niya.

Agad akong napaisip.

Ah, alam ko na.

"Dannah, may instagram ka?" tanong ko.

Napairap naman siya. "Oo naman. Tingin mo sakin, taga-bundok?"

"Oo." pagtataray ko.

"Ouch."

"Uhmm... Kilala mo ba si svth96?" seryosong tanong ko.

"HAHAHAHAHA." halakhak niya dahilan para magtaka ako.

"Oo naman." sagot niya.

"Sinong user n'on?

"Si Soonyoung."

××××

Instagram [HOSHI]Where stories live. Discover now